Ang ibig sabihin ng Alay Kapwa ay tayo ay mag-aalay para sa ating mga kapwa
tao na mahihirap at mga api bilang ating pakikiisa sa kanila. Ang kamatayan ni Kristo sa
krus ay siyang ating pinaghuhugutan upang tayo ay mag-alay ng ating oras, talento at
yaman para sa ating kapwa tao.