Anda di halaman 1dari 13

Mga Estratehiya sa Pagbasa

Batay sa interaktibong pananaw ng pagbasa, ito ay nagbibigay ng pangunahing diin sa


paggamit ng dating kaalaman (iskema) at konsepto sa paligid. Ang bawat yugto ng gawaing
pagbasa ay kakikitaan ng aktibong partisipasyon ng mambabasa. Narito ang mga
estratehiya na nagpapakita ng interaktibong pananaw sa pagbasa.

Ang Pinatnubayang Pagbasa Pag-iisip

Ang Pinatnubayang Pagbasa Pag-iisip o Direct Reading Thinking Activity (DRTA) ay


isang estratehiya sa pagbasa na binuo ni Russell Stauffer (1969) kung saan ang
mambabasa ay nagbibigay ng kanilang sariling hula o palagay tungkol sa teksto. Dito
makikita ang tuwirang interaksyon sa pagitan ng mambabasa at ng teksto.

Ang paraang DRTA ay binubuo ng tatlong pangunahing hakbang na inaasahang magagawa


ng mambabasa: (1) pagbibigay-hula, (2) pagbabasa, at (3) pagpapatunay ayon sa
impormasyong nasa teksto.

Ang SQ3R na Estratehiya sa Pagbasa

Ang SQ3Rna estratehiya sa pagbasa ay binuo ni Francis Robinson (1970) na


nangangahulugang Survey, Question, Read, Recite at Review. Ang estratehiyang ito ay
napatunayan nang epektibo upang malinang ang kasanayan sa pagbasa at pag-aaral ng
estudyante. Itoy angkop gamitin sa mga tekstong ttuluyan o prosa sa panitikan, agham
panlipunan at agham.

Survey (Pagsusuri)

- Ito ang paraan upang masanay ang kaalaman ng estudyane sa mga malalawak na
balangkas, pamagat ng kabanata, simula, paksa, at buod.
- Kailangang malaman ng estudyante kung anong uri ng teksto ang binabasa bago makapili
ng estratehiyang gagamitin.

Mga Hakbang
- Pagtingin muna sa pamagat
- Pagbasa sa Paunang Salita (Introduksyon) ng may-akda sa aklat
- Pagbasa sa simula at lagom ng kabanata
- Pahapyaw na pagbasa

Question (Pagtatanong)

- Ang mga tanong ay nagiging batayan sa pagkuha at paglilinaw ng dahilan ng pagbasa.


- Ang mga tanong na nabubuo ay nagiging batayan sa pagbabalik-aral.
- Ang mga tanong bago bumasa ay makakahikayat upang hanapin ng mga estudyante ang
mga sagot habang silay nagbabasa

Mga Hakbang

- Pagsulat sa mga tanong na nalinang bago bumasa, habang bumabasa o pagkatapos


bumasa

Read (Pagbasa)

- Itoy masusing pagbabasa upang magkaroon ng tiyak na layunin sa pagbasa at malinaw na


bigyan ng kahulugan ang suliraning lulutasin.
- Itoy maingat ngunit mabagal na pagbasa na binibigyang-diin ang mga alalahaning detalye.

Mga Hakbang

- Pagtuon ng pansin sa mga pangunahing ideya o kaisipan ng teksto.


- Pagsama sa mga pansuportang detalye sa pangunahing kaisipan
- Pagbigay pansin sa mga uri ng ilustrasyon, mapa, tsart, at iba pa
- Pagbalangkas sa binasa

Recite (Pagsagot)

- Ito ay pagsubok saa sarili upang sagutin ang mga tanong na hindi ibinatay sa mga naisulat.
Kapag hindi makasagot ay saka na titingin sa teksto o aklat.
- Ang sariling sagot sa mga tanong ay nakatutulong sa konsentrasyon ng estudyante.
- Iminumungkahi na ang pagsagot ay gawin pagkatapos ng pagbasa.
- Ang pagpapahayag sa sariling salita ay mas epektibo kaysa sa pagsasaulo dahilan sa ang
mga bagong kaalamang galing sa sariling salitay hindi madaling malimutan.

Mga Hakbang

- Pagbuo ng sariling sagot


- Pagsagot sa sariling salita sa mga bagong kaalaman

Review (Pagbabalik aral)

- Ito ay isang kritikal na reeksaminasyon tungo sa pag-uugnay ng nilalaman at sa


paglalahad.
- Ang pag-aaral ay hindi kumpleto hanggang hindi nailalagay sa isipan at kailangang
matandaan ng mga estudyante ang mga natutuhan. Itoy nagagawa sa pamamagitan ng
pagbabalik-aral.

Mga Hakbang

- Sariling pagsulat
- Pagsagot sa mga tanong
- Pagtatalakay
- Paglalagom
- Paulit na pagbasa

Ang Proseso, Mga Teorya at Kasanayan sa


Pagbasa
glory ann molina Filipino 2

Ang Proseso ng Pagbasa

Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita. Bilang


proseso, ito ay may apat na hakbang ayon kay William S. Gray(1950), ang kinilalang Ama
ng Pagbasa: (1)persepsyon, (2)komprehensyon, (3)reaksyon, at(4)integrasyon
(Belvez, et al., 1990; Villamin, et al., 1994; Resuma at Semorlan, 2002).

Persepsyon - Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa


pagbigkas ng mga tunog.

Komprehensyon - Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.

Reaksyon - Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan,


pagpapahalaga at pagdama sa teksto.

Integrasyon - Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa


sa kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.

Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat maraming kasanayan


ang nililinang at kailangang malinang dito upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa
kang mahusay at epektibong mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng iyong
binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa pagbasa, nakabubuo ng hinuha o
hula sa susunod na pangyayari at iniuugnay ang dating kaalaman at karanasan upang
maunawaan ang kahulugan ng binabasang teksto.

Mga Teorya sa Pagbasa

Ano ang teorya sa pagbasa?

Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa


mga proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa
akto ng pagbasa at ang pag-unawa sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985).

Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na


pag-unawa sa proseso ng pagbasa. May ibat ibang paniniwala o pananaw na maaaring
magamit sa pagtalakay sa konsepto ng pagbasa.

Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa.
Tunghayan ang mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa
tsart: (A)teoryang itaas-pababa (top-down), (B)teoryang ibaba-pataas(bottom-up),
(C)teoryang interaktibo, at (D)teoryang iskema.

Teoryang Itaas Pababa (Top-Down)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Itaas Pababa:

Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa


mayroon nang dating kaalaman at karanasan.

Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba
(down) na ang ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.

Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto


(Smith, 1994).

Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga


kaalaman (schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at
pananaw sa paligid. Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa
mga ideya na inilahad ng may-akda sa teksto.

Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan
(psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing taya
kung saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong
binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na
ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas nang may dating kaalaman o iskema tungkol
sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang mambabasa ay higit na nakapokus sa kung
ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa.
Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part
model (Goodman, 1985 at Smith 1994).

Mga Proponent ng Teoryang Itaas Pababa:

Kenneth S. Goodman (1985) at Frank Smith (1994)

Teoryang Ibaba Pataas (Bottom Up)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Ibaba Pataas:

Ito ay salungat sa teoryang top-down.

Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga


nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo.

Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na nangangahulugang ang pag-


unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at
napupunta sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at
utak o isipan.

Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang
blangkong papel o tabula raza.

Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa


teksto.
Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin,
higit na umaasa ang mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto.

Mga Proponent ng Teoryang Ibaba Pataas:

Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985)

Teoryang Interaktibo

Pagpapaliwanag ng Teoryang Interaktibo:

Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng


komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCormick, 1998).

Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa


pagitan ng teksto at ng mambabasa. Itoy nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng
mambabasa sa pag-unawa sa teksto.

Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang


mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang
paggamit ng dating kaalaman (schema) at mga pananaw.

Mga Proponent ng Teoryang Interaktibo:

David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz (1990); at
Robert Ruddell, Robert Speaker (1985)

Teoryang Iskema (Schema)


Pagpapaliwanag ng Teoryang Iskema:

Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay
nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Itoy nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-
unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.

Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao


(Anderson at Pearson, 1984).

Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang
maunawaan ang binasang teksto.

Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.

Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa
teksto.sa kasalukuyang pananaw naman, ang mambabasa ay may ideya nang nalalaman
batay sa dati niyang kaalaman (iskema) sa paksa o tekstong babasahin. Binabasa ang
teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o palagay ng mambabasa ay tama, wato,
kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid, ang tekstong nabubuo sa isipan ng
mambabasa ang sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto mismo. Dahil ditto,
dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito ang nilalaman ng
kanyang isipan.

Metakognisyon sa Pagbasa

Ayon kay Flavel (1976), ang metakognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at


kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa. Ito rin ang mataas na
kasanayang pampag-iisip na kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga prosesong
kognitibo sa pagkatuto. Ang isang mahusay na mambabasa ay metakognitibo kapag
naiintindihan nila ang kanilang sarili bilang mambabasa at nagagamit nila ang angkop na
estratehiya sa pagbasa.

Sa pamamagitan ng metakognisyon, nalalampasan ang kognisyon dahil nagagawa nitong


malinang sa mambabasa ang may kamalayang paggamit ng mga estratehiyang kognitibo at
pahalagahan sa halip na simpleng gamitin lamang ang mga ito. Binibigyang-diin din ng
metakognisyon ang malawakang control sa mga proseso sa halip na sa mga tiyak na
estratehiya o gawain.

Ang prosesong metakognisyon sa pagbasa ay binubuo ng tatlong uri (Schunk at


Zimmerman, 1998).

Prosesong Metakognisyon

Kaalaman ng mambabasa sa kanyang sariling kahinaan at kalakasan sa


pagbasa Kaalaman ng mambabasa kung aling estratehiya ang angkop na gamitin
ayon sa sitwasyon Kaalaman ng mambabasa sa pagsubaybay sa kanyang pag-
unawa kung kalian siya hindi nakauunawa

Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong mambabasa ay itinatanong sa
sarili ang sumusunod: naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko
kapag hindi ko naunawaan ang aking binabasa?; ano ang maaari kong gawin upang lalong
maunawaan ko ang sinasabi ng awtor?; may magagawa ba ako upang mas lalong maalala
ang binasang teksto?; anong mga estratehiya sa pagbasa ang aking kailangang gamitin
kaugnay ng teksto?

Mga Kasanayan sa Pagbasa

Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang malawak na pangkat o uri: (A)
Kasanayan sa Bilis at (B) Kasanayan sa Pang-unawa.

Kasanayan sa Bilis

- Pagpansin o pagtingin nang higit na malawak ang agwat


- Pagtingin sa higit na maraming salita
- Pagbasa nang higit na mabilis
- Pagkakaroon ng mas kakaunting pagbabalik mata

Kasanayan sa Pang-unawa

- Paglilinang ng talasalitaan
- Pag-unawa ng talata
- Pagsunod sa hudyat o pahiwatig na palimbag
- Pagbasa namg pahapyaw at pasuri
- Pagbasa at pag-unawa sa mahihirap na babasahin

Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng mambabasa sa


pagbabasa ng teksto. Ito ay ang bilang ng salitang nabasa sa loob ng isang minuto. Ang
mambabasa na may katamtamang bilis ay nakababasa ng 250 salita bawat minuto. Ang
mahusay na mambabasa nakababasa ng 500 600 salita bawat minuto. Ang napakahusay
na mambabasa na may bilis ay nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto. Ang bilis sa
pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon sa layunin ng mambabasa at kahirapan ng
binabasa.

Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi mauunawaan ang binabasa, kaya
pang-unawa ang siyang mahalagang bagay na isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa.
Ang pang-unawa ay karaniwang inilalahad sa bahagdan kung ilang bahagdan ang pang-
unawang natamo ng mambabasa sa pagsusumikap niyang maunawaan nang husto ang
binabasa. Ang isang mahusay na mambabasa ay nakatatamo ng 70 90% na pag-unawa
sa teksto at 90 95% sa mga tekstong nasa malayang antas.

Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka babasa at kung
ano ang gusto mong malaman. Kapag may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat
ding magkaroon ka ng lubos na pagkakakilala sa babasahin at antas ng kahirapan nito. Ang
kuwento, editoryal, ang isang kolum; ang pagbasa sa pahayagan, sa panitikan, sa agham,
matematika, pilosopiya ang bawat isay naglalahad ng ibat ibang suliranin. Bukod pa
riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo, talasalitaan at pamaraan ng paglalahad.
Dahil dito, makabuluhan ang pag-aakma ng bilis sa pagbasa sa uri ng teksto.

Mga katangian ng Mahusay na Mambabasa

Ang isang mambabasa ay hindi lamang marunong kumilala ng mga salita. Ang isang
mahusay na mambabasa ay nakakakuha rin ng mas malawak na kahulugan ng salita;
natatanto niya ang gusting buuing konsepto ng isang tao; ang parirala, sugnay,
pangungusap at kahit na ang sanaysay, kabanata o ang mismong buong aklat.

Ang galaw ng mga mata sa pagbasa ay mahalaga rin. Nakapokus ang paningin sa
unang bahagi ng pangungusap. Titigil doon ng ilang saglit; pagkatapos ay
magpapatuloy; titigil na naman sa ibang bahagi ng pangungusap ng ilang saglit at
saka uli magpapatuloy sa susunod pang mga pangungusap o mga pahina. Ito ang
karaniwang tinatawag na fixations. Ang pagbabalik sa naunang bahagi ay tinatawag
na regression. Sa paghinto ng mata nagkakaroon ng pagpapakahulugan sa
binabasa. Kung gaano ang pagtatagal ng pagtigil ng mata ay siya ring tagal ng
pagbibigay-kahulugan ng isipan sa binabasa. Habang gumagalaw ang mata, ang
mga anino o imahe ay Malabo at hindi mabibigyang-kahulugan ng isipan.

Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa


glory ann molina Filipino 2

Ano ba ang pagbasa?

Ang pagbasa ay nagtataglay ng maraming kahulugan, depende sa sitwasyon. Iba-iba ang


pagpapakahulugan nito batay sa mga manunulat at dalubhasa bagamat iisa ang kaisipang
nakapaloob dito. Narito ang ilan:

Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa


mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor
sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang ibat ibang kasanayan
ng isang indibidwal. Ang pagbasa kung gayon ay napakahalaga sa isang indibidwal
sapagkat ito ang tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa mas malawak na kaalaman sa
kanyang kapaligiran, sa bansa at marami pang iba na nahuhubog ng kanyang pagkatao.

Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang
mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may
malaking kaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at
panonood ng isang tao dahil nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan at
makapagpahayag ng damdamin at maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina
o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan ng pagbasa,
pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin upang maibahagi sa iba.

Batay sa maraming pananaliksik, ang pagbasa ay isang kompleks na gawaing pangwika at


pangkaisipan na kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon ng mambabasa at ng teksto.
Ipinaliwanag ni Johnston(1990) na itoy isang kompleks o masalimuot na gawaing
nangangailangan ng konsyus at di-konsyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan
gaya ng paglutas ng suliranin upang makabuo ng kahulugang ninanais ipahatid ng awtor.
Bilang isang kompleks na prosesong pangkaisipan, ang mambabasa ay aktibong
nagpaplano, nagdedesisyon at nag-uugnay ng mga kasanayan at estratehiyang
nakatutulong sa pag-unawa.

Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o


ng anumang wikang nakasulat. May kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anomang
binabasa natin ay maaaring isulat at ang anomang naisusulat ng kamay ay nababasa ng
mata na kakambal ng pagpapakahulugan gayundin sa pagkatuto sapagkat ang kakayahan
sa pagbasa ay daan tungo sa kaalaman.

Ayon naman kay Baltazar(1977), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga


kabatiran ukol sa ibat ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan
ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa.

Ang isang estudyanteng palabasa ay mas may malaking posibilidad na maipasa niya ang
mga pagsusulit na ibibigay ng guro kumpara sa isang hindi palabasa sapagkat sa kanyang
pagbabasa mas nadaragdagan ang kanyang kaalaman, lumalawak ang talasalitaan at mga
karanasan. Mas nahahasa ang kaisipan ng estudyanteng palabasa na umunawa nang mas
malalalim na ideya, mga argumentong pangangatwiran at nababatid ang implikasyon ng
kanyang binabasa. Sa ganitong paraan, masasabing ang pagbasa ay isang masalimuot na
proseso sapagkat nasasangkot dito ang maraming kasanayan.

Sa pamamagitan ng pagbabasa, nakatutuklas ng maraming kaalaman at


karunungan tutugon sa kanyang pangangailangang pangkabatiran sa ibat ibang
disiplina tulad ng agham, panitikan, teknolohiya, at iba pa. Higit sa lahat, mahalaga
ang pagbasa sa isang tao para hindi mapag-iwanan ng nagbabagong panahon gawa
ng mga makabagong teknolohiyang nagsusulputan ngayon.

Estratehiya sa PagbasaHabang Nagbabasa-dito nakakaranas ng mga ibat-ibang


pahiwatig sa teksto na may kaugnayan samensahe ng teksto.-kaya
nangangailangan ito ng pag-uunawa sa pamamagitan ng
pagtatanongPalinawag:Sa bahaging ito, ang mga estudyante ay nagsasagawa ng
mga gawain naipinakikita ang interaksyon nila sa teksto.Mga
Estratehiya:1.Pagsagot sa mga tanong na nakasulat sa pisara o aklat habang
nagbabasa.2.Pagbuo ng mapa o direksyon ayon sa binasa.3.Pagpupuno ng
balangkas, talahanayan o grap.4.Pagsusuri sa organisasyon ng teksto at pagbuo ng
diyagram ng mga kaisipan(semantic map/ graphic map).5.Pagsasalungguhit sa mga
mahahalagang kaisipan o impormasyon na nakikitahabang nagbabasa.6.Pagtatala
ng mahahalagang impormasyon at pansuportang detalye.Balangkas ng
Estratehiyang pangkomprehensyon*Pagbuo ng mag-aaral ng layunin sa bawat
seksyon.*Interaksyon sa teksto (pagmomonitor ng sarili).*Talakayan ng guro at
mag-aaral ng nilalaman, estratehiya at paksa.* Talakayan ng paksa at mga
estratehiyang ginamit.

Anda mungkin juga menyukai