Anda di halaman 1dari 4

Alamat ng Bakunawa

Ang Pilipinas ay isa sa mayroong pinakamayaman na kultura sa buong

mundo. Noong unang panahon. Noong unang panahon, ang ating mga

ninuno ay maraming pinaniniwalaan na bagay bagay upang panakip bukas

sa mga bagay-bagay na di nila kayang ipaliwanag.

Isa rito ang bakunawa, ang bakunawa ay nagrugrupo sa kategorya ng

mga dragon. Napakaraming uri ng dragon na matatagpuan dito sa Pilipinas.

May ilan na ang katawan ay katulad ng sa ahas o mga buwaya at ang

kanilang mga ulo ay katulad naman sa mga leon, tigre at mga agila o banoy.

Pinaniniwalaang kumakain ng araw at buwan ang karamihan ng mga dragon

noon. Inakala noon ng ating mga ninuno na ang ahas at buwaya ay kabilang

sa grupo ng mga dragon.

Pinapaniwalaang nagmula sa Western Visayas ang mga bakunawa.

Mayroon itong katawan at palikpik ng isang malaking pating. Ang bunganga

nito ay kasing laki ng isang lawa na may mga malalaki at magagaspang na

mga balbas at may kulay pulang dila. Naninirahan ito sa mga pinaka

malalalim na parte ng karagatan.

Ang mga Bakunawa ay pinapaniwalaang kumakain ng araw at buwan.

Ang paniniwala ng mga katutubo na ang dahilan kung bakit nawawala ng


panandalian ang araw at ang pagbabago ng kulay ng buwan at sanhi ng

pagkain ng bakunawa sa mga ito.

Noong sinaunang panahon mayroong pitong buwan sa kalangitan na

gawa ni Bathala upang magbigay liwanag. Dahil sa kagandahan ng mga ito,

ay nabighani ang mga Bakunawa at nagsimulang lumusong mula sa ilalim ng

karagatan patungo sa mga buwan upang kainin. Nakain ng mga Bakunawa

ang anim sa mga buwan. Upang maiwasan na makain ng Bakunawa ang mga

buwan, ang mga katutubo natin ay magsisilabas sa kani-kanilang mga

tahanan, bitbit ang kanilang ma palayok at banga upang gumawa ng ingay

at bugawin ang Bakunawa sa pag asang mailuwa nito ang buwan at

manumbalik ang liwanag ng kanilang buwan. Nagwagi ang mga katutubo at

muli nilang naipabalik ang Bakunawa sa ilalim ng karagatan.


Ipinasa ni:

Efhraem T. Esparar

Grade - VI

Anda mungkin juga menyukai