Anda di halaman 1dari 2

Anyo ng Panitikan

Ang dalawang anyo ng panitikan ay tuluyan at patula...


1. Tuluyan - maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob
ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap o pagpapahayag.
2. Patula - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng
salitang binibilang ng pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma at
nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at
pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong

PANITIKAN- ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

Uri ng Panitikan

1. KATHANG-ISIP (FICTION) -ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa


kanilang imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento,
nobela at .

2. HINDI KATHANG -ISIP- ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulad ng
talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.

KATANGIAN NG AKDANG DI-KATHA

Maraming impormasyong dapat intindihin at alalahanin sa akdang di-katha.


- May mga salitang hindi madaling intindihin sa akdang di-katha.
- May mga tsart, mapa, dayagram o retratong may pangalan ang di-kathang
akda para lalo itong maintindihan.
- Maaaring may mga salitang iba ang font (bold o italic) kung ang mga ito ay
mahalaga o dapat tandaan.
- Maaaring may pangalan ang mga seksiyon at kabanata ng di-katha.

May pinagkaiba nga ba ang pagbasa ng di-katha sa katha?


May pinagkaiba ba ang pagbasa ng isang kuwento sa pagbasa ng isang
recipe sa pagluto?
Sabihan din ang bawat grupo na magbahagi ng kanilang mga personal na
karanasan sa
pagbasa ng di-katha. Ano-anong uri ng di-katha ang kanilang regular na
binabasa? May
binasa ba silang di-katha kamakailan na lubos nilang nagustuhan o naging
kapakipakinabang
sa kanila?

Anda mungkin juga menyukai