Anda di halaman 1dari 5

ACT 2-1

Pepang: Ang idolo ng ating kabataan Manolo

Manolo: Higit pa sa idolo ang papa

Pepang: Ang ating diyos ama

Manolo: Ang mundo at langit

Pepang: Buwan at araw at ang mga bituin

Manolo: Ang buong uniberso

Pepang: Kay sarap magkaron ng amang isang henyo

Manolo: Ang lupit sabihin mo

Pepang: Masakit din talikuran ang idolo ng nakaraan

Manolo: Langhok si don emilyo karga karga ang sariling ama

Pepang: yan ba ang ibig ipahiwatig ng papa na iwanan natin siya at magkakarga sa
sarili niya

Manolo: Magtigil ka hindi natin siya pinapabayaan, andiyan sina paula at candida

Pepang: Namalengkeng pihado ang dalawa

Manolo: Lalo nang nagiging loka loka HAHAHAHA

Pepang: Kailangang kausapin natin mga mukhang magmamatigas na. Nasaan si


Don Peluco

Manolo: Nasa kwarto nga ng papa, nagdadaldalan pa ang dalawa

Pepang: Pakikinggan siya nina Candida

Manolo: Noong senador siya

Pepang: Dahil buhay pa siya

Manolo: Noong araw pa, ano ka ba?

Pepang: At dahil di lang kita kailangan makumbinsi silang umalis na sa bahay na ito

Manolo: May buyer na nga ako

Pepang: Sinabi ko sayo ako ang may buyer na

Manolo: Huwag kang makialam, ako ang panganay niyo


Pepang: Wala akong kumpiyansang may huno sa negosyo mga lalake sa pamilya

Manolo: Paano ang mga muwebles?

Pepang: Sa akin na ang araniya, ang mesang marmol sa studio, sayo ang muwebles
sa sala pwera lang ang piano. Sakin din ang lasa kumigar, paghatian natin mga
kubyertos at plato

Manolo: Bakit pa? Kamkamin mo na ang lahat

Pepang: Haha eh di salamat

Manolo: Sayo na pati ang suelos at ang mga hagdanan, sayong mga ding ding at
pati ang bubong sayong sayo

Pepang: Pag aawayan ba natin ang mga lamesa at silya?

Manolo: Ipagpaumanhin mo, ibinigay mo na sa akin ang mga silya, kailangan pa


bang makipag away sayo para iyon ay makuha ko

Pepang: Alam mong ikakasal sa isang taon ang anak kong si Mila kailangan niya ng
muwebles

Manolo: Ikakasal ang aking si Rodi sa taong ito mismo at magkakamuwebles siya.
Sa akin ang nasa sala, ang nasa komidor, nasa ??.. silid tulugan pati mga libro at
aparador sa studio. Ang malaking salamin sa ibaba ang ??apamatrimonyal???

Pepang: Kay Mila ko ang kama

Manolo: Subukan mong maglabas ng kahit ano ditto na wala akong permiso

Pepang: At bakit kailangan kailanganin ang permiso mo? Sino ba ang bayad ng
bayad para sa bahay na ito sa loob ng nakaraang sampung taon?

Manolo: Wag mong sabihing hindi ako pumaparte sa mga pagbabayad

Pepang: Ipaalala mo

Manolo: Paminsan minsan (long pause) nakakalimutan ko

Pepang: Anong paminsan minsan? Kailangan kitang tawagan ng tawagan buwan


buwan pag oras na ng bayaran. Kung hinayaan kitang magisa, matagal ng namatay
sa gutom ang papa. Hiyang hiya na ako sa aking asawa. Tuwing itatanong niya kung
bakit hindi ikaw ang nagaasikaso ng mga kapatid at ama

ACT 2-2

Paula: Matagal na kasi kayong hindi bumibisita


Don Pelico: Kaming mga nasa gobyerno wala ng oras para sa aming sarili

Paula: binabati ko kayo para sainyong pagkapanalo sa nakaraang eleksiyon

Don: Matutulungan ko na kayo ngayon ni Candida

Paula: Salamat ninong hindi naming kailangan ang kahit anong tulong

Don: Ayaw raw ng papa niyo humingi ng pensiyon

Paula: Hindi siya kailanman tatanggap ng pera

Don: Eh kung ayaw niya, hindi siya maaaring pilitin ngunit paula handa ba kayong
magsakripisyo para sa bayan?

Paula: Anong klaseng sakripisyo?

Don: Ang larawan, ang huling obra ng inyong papa. Kung ihahandog niyo sa bayan,
magagawan ng gobyerno bilang tanda ng pasasalamat na mag ??? ng pondo
kayong magmamaneho kayo ni candida at sa inyong papa habang nabubuhay
siya. Hindi makatututol ang inyong papa dahil hindi sakaniya kundi sainyo ibinibigay
ang perang itinutugon sainyong handog. Nako ang laki namang biyaya para sa ating
bayan hindi nagkaroon ng kahit isang obra ang Don Lorenzo y Magnifico nagkalat
ang mga obra sa mga museleyo sa espanya at italya.

Pepang: Anong masasabi mo Paula?

Manolo: Siyempre Don Pelico Kailangan pang pagusapan niyo nila Paula at Candida

Candida: Wala kaming dapat pagusapan.

Manolo at Pepang: Candida!

Don: Ito ba si Candida, Kumusta iha? (Candida magmamano) Natatandaan mo pa ba


ako?

Candida: Natatandaan ko kayo, ikinalulungkot ko nagaaksaya kayo ng panahon,


hindi namin ibibigay larawan kahit kalian

Pepang: Manahimik kat making

Candida: Narinig ko na ang lahat ng nais kong marinig

Don: Sandali lang Candida, galit ka ba sa matanda mong ninong

Candida: Kayo ang huling taong aakalain kong maghahangad na mailayo sa amin
ang larawan ng papa

Don: Naiintindihan ko na pinilit kayo para sainyo ngunit kung may malasakit kayo sa
inyong papa at kapakanan niya ang isipin niyo, may sakit siya at kailangan niya ng
araw at masarap na hangin, kailangan niya ng doctor, kailangan niya ng magapa
hospital, magastos siyempre iyon kung tatanggapin niyo ang handog ng gobyerno
magagawa niyong ibigay sa inyong papa ang klase ng pagaalagang kinakailangan
niya

Candida: Wala siyang sakit, hindi niya alam

Paula: Walang ospital ang makakagamot sa kaniya

Manolo at Pepang: Ano ang ibig niyong sabihin?

Candida: Na hindi naming maaaring tanggapin ang ano mang iaalay sa amin

Paula: ??... ang papa kailangan niyang dumito

Candida: na kasama naming

Manolo: hindi ba ninyo alam na malapit nang magka giyera at ang intramuros nga
ang pinakapeligroso sabihin niyo senador, sabihin niyo sa kanila

Candida: Sige sabihin niyo, talikdan na namin ang bahay na ito tulad ng pagtalikod
niyo sa inyong promesiya sige na ninong pagsabihan niyo kami

Paula: Susundin naming ang ano mang ipayo ninyo

Candida: Pero magisip kayong mabuti, nasa kamay niyo ang buhay namin ngunit
bakit kailangan pang magisip uli kayo, tinalikuran niyo na ang bahay na ito nang
talikuran niyo ang...?

ACT 2-3

Don Pelico: Baon sa sarili niyang buhay ano ang maipakikita niya? Bunga ng taong
nakaraan, isang larawan isang obra maestra sapat na ba iyon para ipangatwiran sa
ginawa niya sainyo ni Paula hindi ako ang dahilan ng galit ninyong magkapatid ano
ba ang nagawa ko sainyo

Candida: Wala senador, ngunit ano ang ginawa niyo sa sarili niyo

Don: Nako Candida may mga pumipigil sa ating desisyon, ang mundong
ginagalawan natin, ang mga taong minamahal natin, ang mga pangyayari sa ating
panahon akala ko inaakay ko ang aking prinsipyo mula sa aking kabataan yun pala
may mga kamay na umaakay sa akin ng diko namamalayan. Hindi simple ang
buhay katulad ng sining may puwersang humuhubog sa ating landasin. Hindi
tayong may hawak sa kinabukasan nag?... sa iyong kapalaran. Hindi ko sinabi
kailanman ayoko maging makata hindi ko nagging ambisyon ang pulitika non, akoy
bata. mga riyal ang hanap ko hindi ko inisip yumaman hindi kailanman hinangad na
maghawak ng kapangyarihan. Ngunit hindi simple ang buhay katulad ng sining may
puwersang humuhubog sa ating landasin. Hindi tayo ang may hawak sa
kinabukasan nagbibiro ka lamang sa iyong kapalaran. Nagbibiron ka lamang
saiyong kapalaran.

Candida: Patawarin mo kami ninong

Don: Ako ang patawarin niyo, alalahanin niyo na lang hindi ko pinatay ang makata
sa dibdib ko namatay siya ng kusa dahil nakatadhana ang kaniyang pagkamatay.

Donya?: Sinong namatay? Ola manolo, ola pepang kung alam ko lang nandito na
kayo kanina pa sana ako, aba ito ba sina Candida at Paula. Oh kaibigan kaibigan ko
ang nasira niyong ina, natatandaan niyo pa ba ako?

Candida at Paula: Opo donya loleng???

Donya: Ito ang bunso kong si patsi

Anda mungkin juga menyukai