Anda di halaman 1dari 5

Ang buhay ni Dr.

Jose Rizal

(Rizal Musuem)

-Educational tour ng high school students. Pumunta sila sa rizal museum.

Teacher: Sa tingin ko ay lahat naman kayo rito ay kilala kung sino ang ating
pambansang bayani di ba?

Lahat: Opo!!! Si Dr. Jose Rizal.

Student1: Maam, bakit nga po ba siya tinaguriang pambansang bayani?

Student2: Oo nga po maam, sabi nga nang iba hindi naman sya ang dapat na
maging national hero.

Teacher: Gusto nyo ba talagang malaman? At ikukukwento ko sa inyo ang buhay ng


ating pambansang bayani.

Lahat: Opo!

Teacher: Sige.... Nung bata pa si Rizal....(flashback)

....

(bahay ng mga Mercado)

-tinuturuan si Rizal ng kanyang ina

Pepe: Inang kwentuhan naman ninyo po ako.

Teodora: Ano po bang kwento ang gusto mong marinig Pepe?

Pepe: Kahit ano po.

Teodora: Oh sige.... May isang munting gamugamu na palipadlipad sa paligid ng


apoy na nagmumula sa lampara. Sobra syang manghang mangha sa liwanag na
nagmumula sa lampara. Tila ba inaakit sya nito na lumapit dito. Naalala niya ang
bilin ng inang gamugamu na 'wag na 'wag lalapit sa apoy na nagmumula sa
lampara dahil ito ay mapahamak. Ngunit matigas ang ulo ng munting gamugamu at
di nagdalwang isip na lumapit sa apoy. Kaya nahagip ng apoy ang kanyang muning
mga pakpak at sya ay nasunog.

Pepe: Kawawa naman po ang gamugamu inang.

Teodora: Kaya nga pepe isang aral na yun na 'wag maging mapusok at makinig sa
bilin ng ina 'pagkat ito ay para lamang sa kaligtasan ng anak.

....
(bahay ng mga mercado)

- pilit na pinapapasok si Pepe ng kanyang ama sa eskwelahan

Pepe: (umiiyak) Amang ayaw ko po talagang mag-aral sa paaralan. Natuturuan


naman po ako ni inang dito sa bahay.

Francisco: 'Wag nang matigas ang ulo mo Pepe. Iba pa rin ang nakakapasok ka sa
eskwelahan. Mas marami ka pang mga bagay na dapat matutunan.

Pepe: Inang 'wag po kayong pumayag nang... dito lang ho ako...(patuloy na umiiyak
palapit sa kanyang ina)

Teodora: Pepe makinig ka nalang sa amang mo.

Pepe: Ngunit inang ayaw ko po talaga dun.

Francisco : (Pilit na hinila si Pepe) Halika na Pepe at baka mahuli ka pa.

....

(paaralan)

- sa klase habang nagtuturo ang kanilang guro

Guro: ikaw Pepe basahin mo ito..(sabay turo sa pisara)

Pepe: Ahora, explica a tus compaeros como es el caracter de una de estas


personas basandote..

Guro: basandote!

Pepe: basandote.. en su aspecto fisico y su ropa.

Guro: Bien!

....

(labas ng silid)

- mga batang kastila

Bata1: Hoy indio! (turo kay Pepe) ano bang ginagawa mo dito?

Pepe: Syempre para mag-ral.

Bata2: Walang karapatan kayong mga indio na mag-aral.

Bata1: Mga mangmang!

Bata2: Mga pandak!


Bata1:Los tontos!

Pepe: Abong sabi nyo?(sabay suntok sa isang bata hanggang sa nag kagulo)

Guro: Hoy ano ba yan? Bumalik na nga kayo sa mga klase nyo!

....

-ang pagbitay sa tatlong pari (Gomburza) kung saan ay nasaksihan ni Paciano

....

(Ateneo)

- sa klase

(Sto. Tomas)

- naglalakad si Rizal pauwi

Jose: (malalim ang iniisip nang may maaninag syang taong nakatayo ngunit patuloy
na naglakad)

Gwardya Sibil: (hinampas sya sa likod) Walang galang!

Jose: ugh! Ano po bang kasalanan ko?

Sibil: Hindi mo ba ako nakita? Bakit hindi mo ako binati, isa akong guradiya sibil?
Bulag ka ba ha?!

Jose: Pasensya na ho at malalim lang po ang aking iniisip ko hindi ko kayo napansin.

Sibil: Ang iyong pangangatwiran ay baliko! Halika dapat mong pagbayaran ang
iyong pagiging walang galang!

Jose: Po? Hindi naman po ata makatarungan yan.

Sibil: At sasagot ka pa! Sumama ka na(pilit na dinala si Jose)

Narration: Kinulong si Rizal kahit sya na ang nasugatan. Ramdam nuon ni Rizal ang
labis na pagmamalupit ng mga kastila.

....

(Ateneo)

- gurpo ng mga pilipinong estudyante

Jose: Hindi dapat tayo minamaliit ng mga kastila. Sila ay mga dayo lamang!

Pilipino1: Ngunit ano ba ang magagawa natin? Sila ang batas. Sila ang nasusunod.
Pilipino2: Kahit nga dito sa paaralan iba na ang turing sa atin paano nalang kung
gobyerno na mismo ang kalalabanin natin

Jose: Ngunit papayag nalang pa tayong habang buhay tayong sunod-sunuran?


Alipinin? Tapakpakan?

(Dumating ang mga estudyanteng kastila)

Kastila1: Mga Indio!!!

Kastila2:(binato si Rizal)

(nagsimula ang kaguluhan)

....

(bahay nila Leonor)

Antonio: Ang tapang mo talaganag bata ka. Wala kang takot sa liit mong yan.

Jose: Kailan ma'y walang kaduwagan na nananalaytay sa dugo natin tiyo. Walang
kahit na ano man ang makakasindak sa akin.

Antonio: Kung ganoo'y sa susunod na makipagbasak ulo ka ay 'wag mong palapatan


ng kahit amo mang sugat ang iyong mukha. Sayang naman ang mga mukhang
tatak ng atik pamilya.

Jose: Huwag kang mag-alala tiyo at hinding-hindi mababawasan ang kagisigang


kong ito.

(dahan-dahan na bumaba si Leonor)

Antonio: Sandali lang Jose ate may aasikasuhin pa ako. Halika ka dito Leonor at
alagaan mo muna ang pinsan mo.

Leonor: Ho? Ahh.. oh sige po Amang.

(Umalis si Antonio)

Jose: Halika rito at maupo ka.

Leonor: Ha ehh bakit may kailangan ka pa ba?

Jose: Aray! (hawak sa ulo)

Leonor: Hala! Ayos ka lang ba? Masakit? Saan? (Lumapit kay Jose)

Jose: Ang sakit dito. (hawak sa ulo at hinawakan naman ni Leonor ang kanyang ulo)

Leonor: Dito ba? San pa ang masakit?


Jose: Masakit rin dito (Sabay kuha sa kamay ni Leonor at dinala sa kanyang dibdib)
at saka dito (idinampi ang kanyang mga kamay sa labi nito)

(nabigla si Leonor ngunit batid sa mukha nito ang kilig)

Leonor: Napakapilyo mo talaga Jose!

Jose: Meron akong inihandang tula para sayo.

Leonor: Siguraduhin mong maganda yan ha.

Jose: Ganda mo'y parang isang himig. Dulot mo'y liwanag sa aking dibdib. Sana'y
tanggapin mo aking yaring pag-ibig. Na tanging alay sayo o aking binibini.

Anda mungkin juga menyukai