Anda di halaman 1dari 1

Alamat ng Bulkang Taal

ni Antonio, Emilio Martinez

Ayon sa salit-saling sabi ng matatanda, ang mga bayan at lalawigan sa Gitnang


Luson, ay nahahati ng mga ilog at magubat na kabundukan. Bawat bayan naman ay
pinamumunuan ng isang makapangyarihang lalaki na iginagalang at sinusunod ng lahat
nasasakupan.
Sa bayan ng Tagaytay ay may makapangyarihang matanda, na kung tawagin ng
lahat ay si Lakan-Taal. Ang matandang ito ay siyang sinusunod ng mga tao, palibhasay
mabuti at matalino ang kaniyang pamamahala.
Ang mamamayan sa Tagaytay ay hindi lamang minsang nagkaroon ng pagpipista
dahil sa tinatamasa nilang masaganang kabuhayan. Lagging umaani sila ng saganang kape,
abukado at ibat-iba pang mga bungang kahoy.
Isang araw ay pinulong ni Lakan Taal ang lahat ng kaniyang kabig sa lilim ng isang
malagong punongkahoy sa kaparangan.
- Mga minamahal na nasasakupan ko, - malakas na pahayag ng
Makapangyarihan Lakan, - pinulong ko kayo ngayon upang sabihin sa inyo na mula sa araw
na ito, ay ipinagbabawal ko sa kaninuman ang pag-akyat sa ituktok ng bundok na iyo., - at
itinuro nito ang luntiang bundok na hindi kalayuan sa kanilang pinagpupulungan.
Napatingin ang lahat sa itaas ng magandang bundok.
- Tandaan niyong mabuti ang aking pagbabawal na ito, - pagwawakas
pa ng makapangyarihang Lakan.
Buong pagkakaisang sumang ayon naman ang madla at nagsipanumpang tatalimahin
nila ang utos ng kanilang puno.
Walang anu-ano ay bigla na lamang naglaho ang matandang puno, kayat nagtataka
at nagsipanggilalas ang lahat.
Mahigit na isang taon ang lumipas, ngunit ang makapanyarihan si Lakan Taal ay
hindi na nila nakita. Gayon man, sa loob ng panahong iyon, ang madla ay nabuhay nang
mapayapa at masagana na gaya rin nang dati.
Sa kasabikan ng marami na malaman kung ano ang hiwaga ng bundok na yaon, ay
napagkaisahan nilang akyatin ang taluktok ng nasabing bundok.
Gayon na lamang ang kanilang pagkamangha nang Makita nilang sa itaas pala ng
bundok na yon ay may malaking guwang na punong-puno ng mahahalagang perlas,
Esmeralda, brilyante at mga ginto.
- Naku! Kaya pala ayaw ipaakyat sa atin ang itaas ng bundok na ito, -
Anang isa sa kanila, - ay narito ang katakut-takot na kayamanan!
- Oo nga, ano! tugon ng isa pa. Ang mabutiy hakutin nating lahat
Ang kayamanang iyan upang iuwi sa ating bayan
- Subalit nang anyong kukunin na nila ang mga kayamanang iyon ay
Bigla na lamang nilang narinig ang malakas at makapangyarihang tinig ni Lakan-Taal na
anya:
- Sinuway ninyo ang aking utos! Naway magkaroon ng lindol, ng
kidlat, ng kulog at malakas na unos!... At
Halos hindi pa natatapos ang pangungusap ng Lakan, ay biglang kumidlat sa
kumulog! Bigla ring lumindol hanggang sa ang bundok ay magbuga ng tipak-tipak na apoy
na ikinasawi ng mga masuwaying tauhan ni Lakan-Taal.
Magbuhat noon, ang gayong pangyayari ay nagkasalin-salin sa bibg ng madla,
hanggang mabuo ang paniniwala ng marami, na ang bundok na yaon na naging bulkan ay
ari ni Lakan-Taal. Ngayon ay tinatawag ito na Bulkan ng Taal.

Anda mungkin juga menyukai