Anda di halaman 1dari 26

ANG KONSEPTO NG

PAMILIHAN
-ay mahalagang bahagi ng
buhay ng prodyuser at
konsyumer
- lugar kung saan nakakamit ng
isang konsyumer ang sagot sa
marami niyang pangangailangan
at kagustuhan sa pamamagitan
ng mga produkto at serbisyong
handa at kaya niyang ikonsumo.
2 Tauhan ng Pamilihan
ang konsyumer at prodyuser.
ayon kay Gregory Mankiw,
Markets are usually a good way
to organize economic activity.
Ayon kay Adam Smith ang
ugnayan ng konsyumer at
prodyuser ay naisasaayos ng
pamilihan. invisible hand
siyang gumagabay sa ugnayan
ng dalawang aktor na ito ng
pamilihan ito ay ang presyona
siyang instrumento upang ma-
ging ganap ang palitan sa pagi-
tan ng konsyumer at prodyuser.
2 Palangkas ng Pamilihan
1. Pamilihang May Ganap na
Kompetisyon Ito ang estruktura
ng pamilihan na kinikilala bilang
modelo o ideal.
Sa ilalim ng ganitong sistema,
walang sinoman sa prodyuser at
konsyumer ang maaaring maka-
kontrol sa takbo ng pamilihan
partikular sa presyo. Ito ay
nangangahulugang hindi kayang
idikta nang isang prodyuser at
konsyumer ng mag-isa ang
presyo.
Mga katangian:
Maraming maliliit na
konsyumer
at prodyuser
Magkakatulad ang produkto
(Homogenous)
Malayang paggalaw ng
sangkap ng produksiyon
Malayang pagpasok at
paglabas sa industriya
Malaya ang Impormasyon
ukol sa pamilihan
2. Pamilihang May Hindi Ganap
na Kompetisyon
Tinatawag na pamilihang may
hindi ganap na kompetisyon ang
estruktura kung wala ang
anumang kondisyon o katangian
na matatagpuan sa pamilihang
may ganap na kompetisyon.Sa
pangkalahatan paglalarawan,
ang lahat ng prodyuser na
bumubuo sa ganitong estruktura
ay may kapangyarihang
maimpluwensiyahan ang presyo
sa pamilihan
katangian ng monopolyo ay ang
Iisa ang nagtitinda
Produkto na walang kapalit
Kakayahang hadlangan ang
kalaban
Malayang pagpasok at
paglabas sa industriya
Malaya ang Impormasyon
ukol sa pamilihan
Monopolyo Ito ay ang uri
ng pamilihan na iisa lamang ang
prodyuser na gumagawa ng
produkto o nagbibigay serbisyo
kung kayat walang pamalit o
kahalili. halimbawa ay ang mga
kompanya ng koryente sa
aspekto ng transmission, tubig,
at tren. Ang katangian ng
monopolyo ay ang sumusunod:
Iisa ang nagtitinda
Produkto na walang kapalit
Kakayahang hadlangan ang
kalaban
Samantala, ang patent naman
ay pumoprotekta sa mga
imbentor at kanilang mga
imbensyon. Ito ay ipinagkaka-
loob ng gobyerno sa isang
imbentor upang mapagbawalan
ang iba na gawin, gamitin,
ibenta, iangkat, at iluwas ang
imbensiyon niya kapalit ng
pagsisiwalat sa publiko ng mga
detalye ng kaniyang imbensiyon.
Ang trademark naman ay ang
paglalagay ng mga simbolo
o marka sa mga produkto at
serbisyo na siyang nagsisilbing
pagkakakilanlan ng kompanyang
may gawa o nagmamay-ari nito.
ang copyright ay isang uri ng
intellectual property right na
tumutukoy sa karapatang pag-
mamay-ari ng isang tao
(literary works) o (artistic works).
Monopsonyo iisang
mamimili ngunit maraming
prodyuser ng produkto at
serbisyo.
Oligopolyo iilan lamang na
prodyuser ang nagbebenta ng
magkakatulad o magkakaugnay
na produkto at serbisyo.
kartel ay nangangahulugang
pagkakaroon ng alliances o
sila ay nagkakaroon ng
pagkakaunawaaan sa
pamamagitan ng sabwatan
sa pagtatakda ng presyo ng mga
produkto at serbisyo sa
pamilihan. Halimbawa nito ay
Organization of Petroleum of
Exporting Countries (OPEC)
pandaigdigang kartel sapagkat
sila ang nagtatakda ng supply at
presyo ng produktong petrolyo
sa buong daigdig. May 5 found-
ding countries Iran, Iraq, Kuwait,
Saudi Arabia,at Venezuela
mayroon itong kabuuang 12
bansang kasapi
Monopolistic Competition
maraming kalahok na prodyuser
ang nagbebenta ng
mga produkto sa pamilihan.
Sila ay nagkakaiba-iba sa
packaging,labeling,presentasyon
at maging sa lasa o flavor.
Ang advertisement o ang pag-
aanunsiyo ay isang mabisang
pamamaraan upang maipakilala
ang kanilang mga produkto at
serbisyo.

Anda mungkin juga menyukai