Anda di halaman 1dari 4

ABSTRAK

Pangalan ng mga Mananaliksik: Miguel Adrian A. Yu

Wyona Marie C. Young

Micah Zamin E. Jainani

Paula Marie O. Borja

Jhanalyn H. Dela Cruz

Regine H. Reboquio

Jason C. Aguila

Charisse M. Socan

Alex Rhey V. Rogacion

Julia Gray B. Marquez

Pamagat ng Tesis: Isang Pag-aaral sa mga Dahilan ng Paglipat ng mga

UERMMMC Narsing na mag-aaral sa Ibang Kurso

Mga Layunin
Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang mga kadahilanan sa kabila ng

paglipat ng mga mag-aaral ng Narsing sa UERMMMC sa ibang kurso. Nais rin ng mga

mananaliksik na mabatid ang epekto nito sa paaralan na nilisan at sa kursong Narsing. Isa

rin sa mga layunin ng mga mananaliksik ang makita kung gaano kalaki ang epekto ng

paglipat ng Kurso ng mga dating mag-aaral ng Narsing, kung ano ang naging epekto ng

bagong tinahak na kurso sa mga mag-aaral. May layunin din itong malaman kung may

kaugnayan ba ang istilo ng propesor sa pagtuturo sa ginagawang paglisan ng mga mag-

aaral ng Narsing sa UERMMMC.

Metodolohiya

Ang ginamit na pamamaraan ay Deskriptiv o Palarawang Pamamaraan.

Tinatangka ng pananaliksik na ito na malaman ang mga kadahilanan sa likod ng mga

isinasagawang paglipat ng mga estudyante ng narsing sa UERMMMC.

Lahat ay kumalap ng datos at impormasyon sa silid-aklatan ng Pamantasan ng

Silangan, Manila at Ramon-Magsaysay Campus. Kumuha rin sila ng datos sa

pamamagitan ng pag-iinterbyu sa mga ilang mag-aaral ng UERMMC na lumipat ng ibang

kurso na nagmula sa kursong narsing. Kumuha rin sila ng mga importanteng datos tulad

ng ilang mga teoryang maiuugnay sa aming isinasagawang pag-aaral. Ang mga

mananaliksik ay kumalap ng impormasyon gamit ang mga libro at iba pang babasahin na

maaaring mapagkunan ng mga impormasyon o mga datos na may kaugnayan


sa kanilang mga pag-aaral. Gumamit rin sila ng internet upang gamiting karagdagang

sanggunian sa kanilang pag-aaral. Sila rin ay tila mga mag-aaral ng kursong narsing.

Sa Pamantasan ng Silangan, Manila Campus at Ramon Magsaysay Campus

isinigawa ang pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay isinigawa sa loob ng isang buwan

mula Pebrero 2009 hanggang Marso 2009.

Resulta:

Ang pinakamaraming naisaad na kadahilanan ng paglipat ay ang istilo ng mga

propesor sa pagtuturo. Tila napakahirap at komplikado raw ng mga asignatura nila dahil

sa estratehiyang ginagamit ng kanilang mga propesor. Ito ang naging dahilan ng

karamihan sa kanilang paglipat. Maiuugnay dito ang nararanasang brain drain ng ating

bansa kung saan ang ating mga de-kalibreng propesor sa larangan ng Narsing ay isa isa

ng umaalis ng bansa upang kumita ng dolyar. Ang mga natitira tuloy ay tila mga

baguhang walang sapat na ekspiriensiya upang maging epektibo sa pagtuturo. Isa rin sa

mga dahilan ng paglipat ng mga estudyante ay ang kahirapan o problemang

pangpinansyal. Sa taunang pagtaas ng matrikula at dami ng kailangan gastusin sa


pagkuha ng Narsing, nagiging mahirap na ito sa mga magulang kaya kahit hirap man ang

sasapitin ng kanilang mga anak ay wala silang magawa kundi ang palipatin ang kanilang

anak ng kurso, o kung hindi naman ay pinatitigil na ng pag-aaral.

Anda mungkin juga menyukai