Anda di halaman 1dari 6

COMMISION ON HIGHER EDUCATION

REGION V

DIVISION OF ALBAY

POLANGUI COMMUNITY COLLEGE

Polangui Albay

SURING BASA SA IBONG

ADARNA

Isinumete ni:

EUNICE A. OLITOQUIT

BSED-IV FILIPINO

Isinumete kay:

Gng: Losantas
IBONG ADARNA

Noong unang panahon sa sang-ayon sa kasaysayan sa Kaharian ng Berbanya . May

hari ngalan ay Fernando at kabiyak nitong Reyna Valeriana. Sila ay may tatlong

anak na prinsipe sina Donn Pedro, Don Diego, Don Juan. Sinanay ang mga anak na

humawak ng patalim.

Isang gabi naidlip ang hari diumano si Don Juan bunso niyang anak ay pinaslang

mula noon nagkasakit ang mahal na Hari . Nagpatawag ng mangagamot na ang

ating lunas ay ang awit ng Ibong Adarna.

Inutusan si Don Pedro para maglakbay at hanapin ang Ibong Adarna. Sa

kasamaang-palad nakatulog sa awit ng Ibong Adarna at nagging Bato matapos

mahulugan ng ipot ng ibon. Sa ikalawang paglalakbay inatasan ng hari hanapin si

Don Pedro at hulihin ang Ibond Adarna ngunit ganun din ang naging kapalaran ni

Don Diego.

Ang bunsong anak na una ayaw payagan ng hari ay naglakbay dahil sa tagal ng

pagbabalik ng mga kapatid. Hiningi ang basbas ng mahal na hari at humayo. Sa

kanyang paglalakbay ay nakasaubong niya ang matandang Ermitanyo na nagturo

sa kanya ng Ibong Adarna. Humingi ito ng makakainn at binigyan niya ng tinapay.

Itinuro ng Ermitanyo ang kinaroroonan ng ibon at nagbilin ng mga payo sa paghuli

ng ibon.

Nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna sa pagsunod ng ipinayo ng matandang

Ermitanyo. Sa tulong rin ng Ermitanyo nagging tao muli sa pagiging bato ang

kanyang mga kapatid. Nagbalik ang tatlong prinsipe ngunit ang taksil na si Don
Pedro ay plinanong bugbugin si Don Juan dulot ng inggit . Sa pagbabalik sa kaharian

di kasamang bumalik si Don Juan at ayaw umawit ng Ibong Adarna .

Sa pagakakabugbog kay Don Juan muli may ermitanyo na tumulong kay Don Juan.

Bumalik sa kaharian ng Berbanya si Don Juan at doon ay umawit ang Ibong Adarna

at nagkwento ng mga pangyayari. Nagalit ngunit nagpatawad ang hari alang-alang

sa bunsong anak. Nakawala ang Ibong Adarna . Umalis si Don Juan at doon ay may

natagpuang balon. Sa ilalim ng balon ay may kaharian doon nakatira si Donya Juana

. Dumatin ang higante ang kinalaban ng prinsipe.

Kasama ang kapatid na babae ni Donya Juana na si Donya Leonora ang kasama

pupunta sa kaharian ng Berbanya . Ikalawang pagtataksil ni Don Pedro ay inhulog si

Don Juan sa Balon at umuwing kasama ang dalawang prinsesa sa kaharian. Ang

lobo at si Don Juan ay nagging magkaibigan. Natagpuan ni Don Juan ang Ibong

Adarna at nagpayong limutin si Donya Leonora at hanapin ang Reyno Delos Crystal

at si Maria Blanka.

Sa tulong muli ng ermitanyo tinulungan makapunta sa kaharian sakay ng Agila.

Doon nakita si Maria Blanka. Si Haring Salermo ay marami pagsubok sa pagiibigan

ng kanyang anak tulad ng: pagpupunla ng trigo at gawing tinapay, ipunin ang itang

pinakawalan at ilagay sa bote, iurong ang bundok , magpagawa ng kastilyo sa gitna

ng dagat, ang paghahanap ng singsing, paamuin ang kabayo at pinakahuli ang piliin

ang mapapangasawa na kanyang anak. Dahil sa masamang binabalak ng hari

nagtanan ang dalawa.

Sa pagbabalik sa Berbanya umuwi si Don Juan na di kasama si Maria Blanka. Ngunit

bitbit ang pangakong magbabalik at magpapakasal. Sa kanyang pagdating inihanda

ang pagpapakasal ni Donya Leonora . Sa pagtatanghal ay pinalala ni Maria Blanka

ang pangako ni Don Juan na magpapakasal. At dahil sa pangyayaring iyon naikasal


si Donya Leonora kay Don Pedro at kay Don Juan kay Maria Blanka

Mga Tauhan:

Haring Fernando- magiting na hari ng Berbanya

Donya Valeriana- Kabiyak ng Hari

Ermitanyo- Malaking nagging tulong kay Don Juan

Donya Leonora- nagging asawa ni Don Pedro

Donya Juana- naipakasal kay Don Diego

Maria Blanka- nangako na papakasalan ni Don Juan

Haring Salermo- Ama ni Maria Blanka

Mga anak ni Haring Fernando

Don Pedro - ang panganay. May pag-inggit kay Don Juan.Don Diego - ang

pangalawa.Don Juan - ang bunso at determinadong anak.

Mga Tagpuan:

Bundok Tabor- dito naninirahan ang Ibong Adarna

Berbanya- Kaharian ni Haring Fernando

Bundok Armenya nanirahan si Don Juan

Mahiwagang Balon- may kaharian ng dalawng magkapatid na prinsesa

Reyno Delos Crystal- Kaharian ni Maria Blanka at Haring Salermo


Kasukdulan ng Kwento:

Maraming kasukdulan ang kwento pero para sa akin ang Paghuli sa Ibong Adarna

ang siyang Sukdulan Ng kwento. Dahil ditto naranasan ni Don Juan ang mga sugat

dulot ng Dayap at labaha.

Tungalian:

Ang pagtataksil ni Don Pedro ang siyang tungalian ng kwento makadalawang ulit na

nagtaksil ang panganay na anak dala ng inggit sa

Bunsong anak.

Napiling Tularan sa Korido:

Si Don Juan likas ang pagiging mabait at masunuring anak sa magulang.

Mapagkumbaba at madasalin sa Birhen kaya pinagpapala.

Mapagbigay sa mga nagugutom na tao. Mas iniintindi ang kapakanan ng

nakararami kayasa ang sarili.

Rekomendasyon:

Maganda ang kwento Ng Ibong Adarna Kapupulutan ng aral Dapat na basahin ng


mga Anak upang malaman ang mga kagandahang asal. Mapagtuunan ng pansin

ang pagmamahal ng magulang, pakikipagkapwa tao at higit sa lath pag kakaroon

ng takot sa Diyos.

Komento:

Maraming pagkakataon na tumulong ang ermitanyo kaya di malaman kung isa lang

ba ang gumanap sa mga ito.

Anda mungkin juga menyukai