Anda di halaman 1dari 6

Ang Paglilitis sa Nakalimot ng Dekada 70

ni Marco Paulo R. Naoe


(Papasok na tila nagmamartsa ang mga karakter mula sa audience. Tahimik
ngunit rinig ang kaluskos at bulungan hanggang sa dumating sa entablado)
SHHHHHHHHHHHHHHHHH!
Sa mundo kung saan hindi na kakaiba ang magbulagbulagan,
Walang karapatang magingay ang gutom
(Wala din lang makikinig)
Walang karapatang makiusyoso ang hindi kasali
(Hindi ka pa naman ipinanganak noon! Wag makisali)
Nariyan na! Ihanda ang maso! Parating na ang paghuhukom
Inihahandog ng Kolehiyo ng Medisina
Ang paglilitis ng isang nakalimot sa sistema
(O baka siya ang nilimot ng Sistema?)
Mangalap ng ebidensiya at pagtagpitagpiin
Sino na nga bang dapat idiin?
Simulan na ang paglilitis!
Napuno ang korte, Pumasok ang abogado.
Hala! Sige't dalhin dito ang nasasakdal!
Hilahin, Pilitin, Hugutin, Kaladkarin!
Basta, Dalhin dito ang nasasakdal!
"Ho? Nasaan ako at sino kayo?"
Nagtaka ang abogado. Nagulat ang mga tao.
Nako ginoo... lumang estilo na yan!
Marami na kayong nagtangatangahan
Matapos magkasala eh nawalan ng ala-ala
Kunwari nalimot na... pero nalimot mo na nga ba!?
Tanggalin ang piring ng iyong mga mata!
At isalaysay ang nangyari noong gabing iyon!
Nasaan ka noong gabi ng makalawa?
Senyor! Inosente ako! Walang anumang krimen akong ginawa!
Eh kanina'y wala kang maalala
Swerte ka at di ka masyadong malala
May taong may lunas sa nasira mong ulo
Papasukin ang eksperto!
(988ANG EKSPERTO)
Mainam na lunas ang musika!
Para sa mga nakalimot at nagungulubot na
Tila kinakalabit ang mga nahimlay na kwerdas ng guniguni
Nagpapatigas ng mga lumambot nang tuhod ng kahapon
Kaya kung maaari.
Isabay ang salaysay sa indak ng kahapon

Sundin ang kanyang payo, kung maari!


Tawagin ang unang saksi.
Sino siya?
Siyam na buwan kang itinago ng puso
Hinele sa mga awitin ng bayan
Binusog ang iyong dunong at katawan
Niyapos ng pagmamahal
Ngunit, kailangan kong umalis
Nagpasakop sa mga Espanyol
Nagpakapapet sa mga Ingles
Nagpagahasa sa mga sakang
Narito parin ako
At kahit na malintiklintikan dahil sa mga bagay na hindi ko maibigay
Naroon parin ako para making
Narito ako anak
(Kakantahin ang MANILA-Hotdog )
Maraming beses ka na ding nilayasan
Iniwanan at ibang pinuntahan...
Mahirap talagang malimutan...
Ikaw lamang ang aking binabalikan.....
MANI.
Oh Anak!
Kung alam mo lang ang hirap mawalay sa iyo
Kinailangan maghugas ng toooot
Taga linis ng tooot-
Parausan ng mga tootot- ng iba at ng iba pa
Sa iba pa! Hindi ba pwedeng dito nalang..
Bakit kailangang humantong sa ganito anak?
Kasalanan ko ba?! Oh butihing senyor.
Ako nalamang ang inyong ikulong
Siya ba?

Hindi siya ang iyong ina.


Sapat na.
May naalala ka na ba?
Gumising ka!
Bawal matulog sa korte ng hukom
Paumanhin Senyor
Ngunit masarap na hele ang awitin
Paumanhin Senyor, dahil sa tulog akoy bitin

Wag kang makampante at baka ikaw ang ibitin!


Tawagin ang susunod na saksi.

ANG ASAWA
Paanong nagugutom ang lahat, ngunit may pagkain sa iyong hapag
Paanong makipagsapalaran ang iyong ina sa labas
Nalimot mo na ba ang mga himig ng pakikibaka.
Minsan sa harap ng altar, tayoy naging isa
(Kakantahin sa tono ng Mambobola- Zsa Zsa Padilla)
Bakit noong halalan, sabi nyo sa amin may pagasa!
At inaasahan na hantungan natin ay ginhawa!
Iyon pala'y bakal ang puso mo
At lahat naging biktima ng kamay mo
Mambobola boladas mo'y tigilan na!
Mambobola! Pagkat kami'y sawang sawa na!!
Mambobola! Boladas mo'y tigilian na!
Pagkat kami'y sawa na, kami'y sawang sawa na!!!
Magkasama tayo noon
Pinatunayan nating kaya natin magisa
Noon Pinapalaya ang bayan
Ikaw naman ang palalayain ko

Pigilan ang babaeng iyan!


Magmamaangan pa ba?
Ikaw ay nabulilyaso na!

Sa ano Senyor?! Anong sala ko?

Ang iyong pagkalimot.


Anot parang di sapat ang iyong lunas
Akoy nayayamot
Ipatawag ang Eksperto

Kung ako ang tatanungin


Sadyang nakakalungkot ang mga pangyayari
Na kung paanong hindi mo maalala ang mga naganap
Mabisang lunas ang mga musikang nakalap ko
Ngunit huwag akong pagdudahan
Narito ang huling saksi

ANG ANAK
(Papasok na humihikbi ang anak)
Lumakhi ako sa pangaral mo ama
At noong oras ko na, Hinayaan mo akong matuto sa iba
Namili ng mga sangang-daan
Lumusot, pumasok, at lumabas muli, malaya na ako sa wakas.
Ginapang ang bawat kontradiksyon
Sa ipinangako mong rehabilitasyon
Ngayoy pinagtutugis dahil naturingang suwail mong anak
Ninais kong magbago, ngunit babalik lamang din ako
Dahil hindi mo tinupad ang iyong pangako
Hangaan noong gabi ng makalawa

TOK TOK TOK TOK!!!


(Kakantahin sa tono ng Bongga ka Day! - Hotdog)
Lahat ay nagulat nang buksan ang pinto
Pumasok ang mga lalaking nakamaong.
Ika'y nasa list, Tigil na'ng paggamit
Baril ay tinutok sa taas... May humandusay sa sahig....
Ingat ka day! Ingat! Ingat ka day!
Sige Ka! Sige Ka!
Baka matokhang...

Hala! Hala! Hala! Hala! Ayyyyyy!

Itay! Gumising ka itay!


Dalhin ninyo sa ospital ang aking ama
Isinigaw ko sa mga saksing walang nagawa kung hindi tumingin
At dumaan ang araw na parang walang naganap
May isang mabuting taong namatay
Ngunit nagpatuloy lamang ang buhay
Ikaw ang biktima ama, ngunit ikaw din ang nasasakdal
At unti, unti Nakalimot ang lahat
Ako sana itay hindi ikaw

(Habang nagsasalita ang anak. Kumakanta ng Ikaw na May Baril ni Joey Ayala)

Nalimot mo na din ba ang Spolarium ni Juan Luna


(Ikaw na may baril)

Ang trak at trak ng mga bangkay na inilibing ng buhay


(Mabigat ang yong pasanin)

Ang pagpatay kina Emmanuel Lacaba,


(Pagpisil mo ng gatilyo)
Lean Alejandro,
(Ilang buhay ang kikitilin)
Maria Lorena Barros,
(Ilang anak ang iiyak)
Edgar Jopson
(O di kayay di maisisilang)

Si Macliing Dulag
Pagpisil mo ng gatilyo

Ang mga sundalo ng Mamasapano


Isip-isipin mo lang

Ang bangkay ni Jennifer Laude?


Ang balang tingga

Ilan lamang sila


Ay walang mata
Kung saan ka nakaturo
Doon siya pupunta
Si Jose
Si Maria
Si Juan....

Ikulong ang nsasakdal! Ikulong ang nasasakdal! Ikulong ang nasasakdal!


(close curtain)

Anda mungkin juga menyukai