Anda di halaman 1dari 3

Agos ng Tubig...

Naririnig ko ang agos ng tubig.

Ang dalisay na agos na tubig na para bang tinatawag ang aking pangalan.

"Alena" sambit ng di ko mawaring tinig.

"Alena umari ka" tawag nya sakin. Hindi ko kilala ang tuwatawag sa akin ngunit pra bang
napakaamo ng kanyang tinig na hindi mo mahindi-an.

"S-i-n-o ka?" sambit ko. Ano ito. Bakit tila ba nagbago ang aking tinig. Para bang akoy isang
batang paslit. " Nasaan ako?" sambit ko sa aking sarili ng aking namataang hindi pamilyar sa
akin ang lugar na aking kinaroroonan. Ako'y nasa baba ng isang Talon. Napakagandang talon.

"Alena ako ito" sambit muli ng tinig.

" Nasaan ka, inuutusan kitang magpakita ka sa akin" - Alena

"Alena, narito ako, tumingin ka sa tubig"

Humakbang ako papalapit sa tubig at naaninag ko ang aking mukha. Teka sandali, ang mukhang
ito. Ito ang aking mukha noung ako'y paslit pa lamang. Hinawakan ko ang aking mukha at
tinignan ang aking mga kamay. Ako'y isang batang paslit. Ngunit papano? Kani-kanina lamang
ay ako'y nasa Adamya ako na may gulang na ngunit bakit ako naririto at sinakatawan ang aking
batang katawan.

"Wag kang matakot Alena" - Tinig

" Hindi ako natatakot, ako'y nagtataka lamang kung bakit ako nagkatawang paslit at... nasaan ka?
Magpakita ka sa akin" Mariin kung utos.

" Alena, ako ito. Ang tubig" Biglang gumalaw ang tubig sa ilalim ng talon at humubog ng isang
hubad na katawan ng babaeng nilalang. Ang kanyang anyo ay tubig ngunit bakat sa kanyang
kanyang hubog na syay isang babae.

" Tubig, ano ang iyong kailangan sa akin? Bakit mo ako tinawag, at bakit ako naririto? Sa
papaanong paraan ka nagkaroon ng hubog gayong ang tubig ay walang hubog at wangis? Ikaw
ba ang hubog ng aking brilyante?" Alena

Alena, ako ang tubig. Wala akong wangis o hubog o di kaya ay buhay sapagkat ako ay hindi
isang nilalang. Wala akong buhay subalit ako ay nagbibigay buhay
Kung gayon, bakit ako naririto at bakit tila akoy wangis isang bata

Sapagkat ikaw ay nasa aking presensya. Ako ang tubig na isa sa nagbibigay buhay at kabataan.
Kayat ang aking presensya ay nagbibigay ng kabataan

Ngayon ko lang nalaman ang kaalamang iyan. Ngunit tubig ano ang iyong kailangan sa akin?

Wala akong kailangan sayo Alena, ikaw ang may kailangan sa akin

Anong ibig mong sabihin?

Dalisay ng isip

Dalisay ng isip?

Tama ka aking Alena, dalisay ng isip ang iyong kailangan. Matagal ng natapos ang digmaan at
nagkaroon ng katahimikan sa Encantadia, ngunit ang digmaan sa loob mo ay tila ba walang
katapusan

Hindi ko mawari ang iyong ibig sabihin

Ang mga naganap na pangyayari sa iyong buhay ay nagpapabigat parin sa iyong kalooban
hanggang ngayon na tila ba isang warka sa gabi na ginigising ka sa takot at kalungkutan

Katahimikan.

Paano mo nalaman ang mga bagay na ito

Sapagkat ang buhay mo ang may tali na nagdudugtong sa amin at lahat ng iyong damdamin ay
aming nakikita. Dalisay ng isip Alena ang iyong kailangan upang malampasan na ito at ang
pagsubok na paparating sa susunod na mga araw ng iyong buhay." Humarap ang babaeng anyong
tubig sa magandang talon. " Tignan mong mabuti ang talon na ito, kung iyong napapansin, ang
tubig sa talon ay maraming pagsubok na pinagdadaan. Mula sa agos sa itaas, hinuhulog at
hinahampas ang tubig sa iba't ibang bato ngunit nanatiling dalisay ang tubig pagkatapos nyang
daanan ang talon at patuloy na umaagos para maging buhay sa iba't-ibang nilalang"

" Masyadong malalim ang iyong winika, hindi kita maintindihan"

" Hindi mo na kailangang intindihin Alena, pagmasdan mo nalang ang talon at maiintindihan mo.
Gaya ng iyong ginagawa mula ng ikaw ay paslit pa lamang."

" Paano mo nalaman ang bagay na iyan?"


" Alena, sa aking sinambit kanina sa iyo batid mo ng ang tubig ang karugtong ng iyong buhay.
Narito ako upang damayan ka aking kaibigan at bigyan ng lakas sapagkat ito'y iyong kailangan.
Lumapit ka sakin at sabay nating pagmasdan ang talon. Ang talon na simula't sapol ay
nagbibigay sa iyo ng ibayong lakas at dalisay ng isip. Manatili ka muna sa panaginip na ito
hanggat kailangan mo, bukas sa iyong pagising, nawa'y patnubayan ka ng espiritu ng talon at ni
Emre."

Maraming salamat aking k

Anda mungkin juga menyukai