Anda di halaman 1dari 2

r Chaitanya Sraswat MahPhilippines

Isang Sulyap sa Kanyang Kadakilaan

Bilang paggunita sa banal na araw nang pagpanaog sa mundo


ni Sri Sankaracharya, hinanda namin ang siping ito bilang
isang paggalang at pagkilala sa kanyang kadakilaan.

Walang-alinlangang lahat tayo ay


nagkakamali subalit ang mga pagkakamaling
itoy nagsisilbing-aral para sa mga matatalinong-
tao, samantalang ang mga boboy hindi
matuto-tuto. At dahil ang mga pagkakamaling
itoy paulit-ulit nilang ginagawa tuluy-tuloy
Adi Sri Sankaracharyya din silang naghihirap. Ang mga taong tulog ay
788AD-820AD madaling gisingin kaysa mga nagtutulug-
tulugan. Ganito ang kalagayan ng mga
mangmang. Subalit dahil sa kabaitan at kababaang-loob nang mga
dakilang tao tulad ni Sri Sankaracharya at nang ibang Maestro, ang mga
taong nagtutulug-tulugan ay matyaga nilang pinapangaralan upang silay
mabiyayaan. Sa kanyang panawagan, sinulat ni Sri Sankaracharya ang
isang aklat na punung-puno ng ibat-ibang tula, ang Bhaja Govindam,
upang gisingin ang natutulog na isipan ng sambayanan. Ang aklat na itoy
binubuo ng tatlumput-isang tula, ibat-ibang slokas mula sa turong-aral ng
Vedanta, ang pinakamataas na kaalaman na may halimuyak ng debosyon.
Ang mga tulang itoy nabuo dahil sa isang pangyayari.

Isang araw, habang naglalakad si Sri Sankaracharya itoy napadaan


sa tapat ng bahay ng isang magaling na mag-aaral na noong oras na iyon
ay abalang-abala sa pagmemorya ng ibat-ibang talatang Sanskrit mula sa

1
ibat-ibang Banal na Aklat. Nakita niya sa mukha ng taong ito ang labis na
paghihirap habang pilit na kinakabisa ang mga talatang binabasa. Nooy
isang damdamin ang kumurot sa puso ni Sankaracharya, at sa kanyang
habag itoy mahinahon at magiliw niyang kinausap, aniya, Naku, ginoo,
isang kabaliwan ang ginagawa mo, bakit hindi mo na lang ilaan ang oras
mo sa pagbigkas nang Banal na Pangalan ni Govinda, sa halip na kung
anu-anong talata ang iyong minimimorya. Papaano kung dumating na ang
sandaling ikay mamamatay na, ikaw bay maliligtas pa nito? Kaya sa halip
na ganito ang gawin mo, awitin mo na lang o kaya bigkasin sa tuwi-tuwina
ang Banal na Pangalan ni Govinda, dahil ikay tiyak na maliligtas pa.

Ang mga pangungusap na ito na binitiwan ni Sri Sankaracharya ay


tinawag na Bhaja Govindam nang kanyang mga tagasunod. At ito ay
kilala din sa tawag na Moha Mudgara Stotra, na ang ibig sabihin, itoy
isang uri ng mudgal, palo-palo ng maruming labahan. Samakatuwid, ang
Moha Mudgara Stotra ay isang uri ng pamalo upang gisingin ang
nagtutulug-tulugan nating isipan. Isipang labis na nakatuon sa ating
yaman at ari-arian, lakas at karangyaan noong ikay bata pa, kung kayat
pagdating ng kamatayan, lahat silay natataranta, takut na takot, dahil
hindi alam kung ano ang gagawin.

Ayon sa mga slokas ng aklat na ito, paulit-ulit nitong


pinapaalalahanan at pinagsasabihin ang lahat na, ang tanging paraan
upang maputol na ang paulit-ulit at walang-katapusang siglo na tayoy
ipinapanganak at mulit-muling namamatay, ay sa pamamagitan ng
matinding pagkatig sa Banal na Pangalan.

Anda mungkin juga menyukai