Anda di halaman 1dari 6

Mataas na Paaralang Nasyunal ng Ramon Avancena

Daang Yulo, Lungsod ng Iloilo

Taong panunuran 2016-2017

Noli Me Tangere

Kabanata XL: Ang Katwiran at Ang Lakas

Brenda Balana

Grade IX - Canopus

Josie J. Tabilona

Marso 22, 2017


Kabanata XL: Ang Katwiran at ang Lakas

Mag iika-sampu na ng gabi sinimulang sindihan ang mga kuwitis na hudyat ng

pagsisimula ng dula. Pinangasiwaan ni Don Filipo ang gabi ng pista ng mga oras na iyon

ay magkausap ang tinyente at si Pilosopo Tasyo tungkol sa pag-ayaw ni Don Filipo sa

kanyang tungkulin. Masama ang loob ng tinyente na hindi tinanggap ng Kapitan ang

kanyang pagbibitiw.

Nagsidatingan na ang mga malalaking tao sa bayan kung kaya't nagsimula na ang

palabas. Lahat ay nakatuon ang pansin sa dula samantalang si Padre Salvi ay lantaran

ang pagkakatitig kay Maria Clara.


Sinisimulan na ang ikalawang bahagi ng dula nang dumating si Ibarra. Nakatawag

pansin ito sa mga pari at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Tinutulan naman

ito ni Don Filipo sapagkat malaki ang abuloy ni Ibarra at higit siyang takot na suwayin

ang utos ng Kapitan Heneral kaysa sa utos nila. Sa inis ay umalis ang mga pari sa

kalagitnaan ng dula.

Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin si Ibarra sa mga kadalagahan lalo na kay Maria

Clara upang paroonann ang nalimutang tipanan. Nangako siya na babalik bago matapos

ang dula.

Sa kalagitnaan ng dula ay may lumapit na dalawang gwardya sibil kay Don Filipo at

iniuutos na itigil ang dula dahil nabubulahaw sa pagtulog nina Donya Consolacion at

alperes. Hindi ito mapagbigyan ni Don Filipo kung kaya't nagkaroon ng gulo.

Nang pagtangkaang patigilin ang mga musikero, hinuli ng mga kuwadrilyero sa

tribunal ang dalawang gwardiya sibil. Nagkataon na nakabalik na rin si Ibarra sa mga

sandaling iyon at hinanap kaagad si Maria. Kumapit naman kaagad ang sindak na

dalaga sa mga bisig ni Ibarra habang si Tiya Isabel ay naglitanya ng panalangin.


Sa galit ng mga kalalakihan doon ay pinagbabato nila ang mga gwardya sibil na

huminahon lamang sa pakiusap ni Elias, na inabisuhan naman ni Ibarra sapagkat wala

silang magagawa ni Don Filipo sa bagay na iyon.

Ang pangyayari ay hindi nakaligtas sa pagmamanman ni Padre Salvi at ibinalita rin

ito ng kanyang tauhan. Sa kanyang pangitain ay nawalan ng malay tao si Maria at si

Ibarra ang kumarga sa dalaga. Sa ganoong pangitain ay nagmistula itong baliw at

nagtatakbo papunta sa bahay ni Kapitan Tyago upang makasiguro na hindi totoo ang

kanyang takot. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita niya ang anino nina

Maria Clara at Tiya Isabel mula sa labas ng bahay ng Kapitan. Umuwi na ito ng

masigurong hindi kasama ng dalaga si Ibarra.


SARILING PANANAW

Ang ika-40 kabanata ng Noli Me Tangere, Ang Katwiran at Ang Lakas ay nagsasaad

ng mga kontekstong tungkol sa tama at wastong pangangatwiran. Sa aking pagbabasa

ay nahinuha kong tila pinapahayag dito ni Jose Rizal sa pamamagitan ng pagsusulat ng

kabanatang ito na, hindi lahat ng namamahala at nanunungkulan sa pamahalaan ay

nabibigyan ng tama at pantay na kapangyarihan. Pinapahayag din dito na hindi

pantay-pantay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga nanungkulan sa pwesto.

Mayroong kahit na tapat sa tungkulin na siyang mas karapatdapat na mabigyan ng

kapangyarihan ay siya pang minamaliit at hindi nabibigyan ng kapangyarihan. Kahit na

naisulat na ito ni Ibarra sa nakaraan ang mga pangyayari pa ring ito ay nangyayari sa

kasalukuyan.

Sa akin ding sariling pananaw sa kabanata ay naipakita ni Jose Rizal dito ang

kahinaan ng mga Pilipino at ito ay ang pagkakaroon ng mapupusok na damdamin at

masyadong nagpapadala sa emosyon. Ipinakita ito sa parte ng kabanata na tinangkang

sunugin ng mga pulutong ng mga tao ang kuwartel sanhi ng pagkagalit sapagkat

nalaman nila ang tunay na dahilan ng pagkakagulo sa dula. Ipinahahayag lang dito na

ang halos lahat ng mga Pilipino ay masyadong nagpapadala sa kanilang mga emosyon

at damdamin, lalo na sa emosyong tinatawag nating galit.


Pagkatapos kong mabasa ang kabanatang ito ay marami din akong natutunan isa sa

mga pinakamahalaga ay ang pangagatwiran, ang pangangatwiran ng wasto kung ikay

nasa tama at nasa katwiran. Dapat mong ipaglaban ang iyong katwiran upang

mapangalagaan mo ang iyong sarili at ang iyong mga karapatan. Huwag mong hayaang

matapakan ng kahit na sino ang iyong pagkatao sapagkat ikaw ay isang taong may

karapatan na siyang dapat na pangalagaan.

Anda mungkin juga menyukai