Anda di halaman 1dari 2

Nagtraining, Nagsikap, Nagtagumpay

Mga simpleng salita na maaaring sa facebook ninyo lamang nababasa. Pero ang tatlong

salita na iyan ang mga deskripsyong maaari kong maibigay bilang balik-tanaw sa mga

kaalamang ating natutunan kahapon mula kay Sir Vasil. Bilang balik-tanaw ay malinaw pa sa

aking isipan na tayo ay nagsimula sa malikhaing pagpapakilala ng bawat isa. Tayo ay natanong

kung ano nga ba ang pananaw at mga katanungang bumabagabag sa ating mga isipan

pagkatapos ng oryentasyon noong umaga hinggil sa asignaturang malayuning komunikasyon.

Nailatag ng ating guro ang kanyang mga tuntunin sa loob ng kanyang bahay, ang TOR

(Tanong, Oras, Rekisito). Bahagi rin ng talakayan kahapon ang mga gawaing dapat nating

mapunan upang tayo ay makatanggap ng certificate of completion bukado sa 80% na gradong

dapat nating matamo. May mga reakyong papel na siyang isusulat sa tuwing makatatapos ng

isang mahalagang paksa ang ating klase. Magkakaroon naman tayo ng dalawang beses na

pagkakataon upang tayo ay mag-ulat. May mga ilang gawain ang nakaatang bilang pangkatan

tulad ng tekstong multimodal, PSA o Public Service Announcement, kalakip ang proposal nito

at indibidwal na aktibidad tulad ng ekstempo, pasalitang presentasyon, pagsulat ng papel

pampolitikal at ang bahagi ng ating pinal na gawain ay ang pakitang-guro na siyang malinaw

na nailatag ang mga pamantayan gayundin ang mga paksang naitalaga sa bawat isa sa atin.

Sa nilalaman naman ng ating silabus ay naisa-isa ng klase ang mga kahalagahan at

layunin ng bawat paksang nakapaloob dito. Naibigay rin ang deskripsyon nito bilang isang

kurso. At kung ano nga ba ang malayuning komunikasyon bilang isang asignatura na

nakabatay sa CMO 20, s. 2013 na nagsasaad na ito ay isang kursong may tatlong yunit na

naghahasa sa kahusayan sa pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral at nagpapataas sa


kanilang kamalayang kultural at interkultural sa pamamagitan ng mga gawaing multimodal na

nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mabisa at wastong pakikipagkomunikasyon sa isang

multicultural na audience sa lokal at global na konteksto. Parte rin ng ating talakayan ang

Pagninilay bilang pagpulso sa ating mga damdamin at reaksyon bilang mga guro sa Filipino

hinggil sa malayuning komunikasyon. At bilang pagtatapos n gating balik-tanaw, gusto kong

tandaan natin na walang bagay na imposible. Kahit na nakikinita nating mahirap ang mga

gawaing nakapaloob sa kursong ito ay sumugal pa rin tayo para matuto kung kayat andito

tayo ngayon at nagkakaisa upang mas mabigyang-linaw ang mga katanungan at agam-agam sa

ating mga isipan.

Tulad ng lagi kong sinasabi sa aking mga mag-aaral Kaya yan. Tandaan: Hindi natin

matatakasan ang realidad sapagkat ito ay parte na naten bilang isang indibidwal. Hindi ka

buhay kung hindi mo nalalasap ang hagupit ng katotohanan na minsan ay masarap minsan ay

sobrang saklap.

Anda mungkin juga menyukai