Anda di halaman 1dari 2

Ang wika at komunikasyon

Ang Depinisyon ng Komunikasyon:

Ayon sa ilang manunulat, ang komunikasyon ay isang sining at paraan ng paghahatid at paglilipat ng
imformasyon, ideya at kaalaman ng isang tao sa kanyang kapwa tao.Ito ay tinatawag ding proseso ng paghahatid ng
mensahe o pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan at mga saloobin.

Ayon naman kay Lorenzo et al. (1994: 2), ang komunikasyon ay isang paraan ng paghahatid at pagtatanggap ng lahat ng
uri ng mensahe na kinasasangkutan ng magkakambal na proseso ng pagsasalita at pakikinig at pag-unawa.

Sinabi naman ni dance (sa Agravante 1989) na ang komunikasyon ay isang prosesong dinamiko, tuloy-tuloy at
nagbabago. Ito ay nangangahulugan na ang komunikasyon ay walang tiyak na simula at katapusan sapagkat ang
nagaganap na komunikasyon sa isang particular na sandali ay maaaring magbago at maapektuhan ng interaksyong
nagaganap sa bawat elemento gaya ng pinagmulan at tumatanggap ng mensahe, mensahe at kasangkapan sa
paghahatid ng mensahe.

Sang-ayon naman kay webster, ang komunikasyon ay mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan at pakikipag-unawaan;
komunikasyon ang nagbibigkis sa mga tao para sila magkaisa at magkaunawaan.

Kahalagahan ng komunikasyon:

Ang tao ay nilikha hindi para lamang sa kanyang sarili kundi bilang kabahagi ng isang pamayanan. Sinabi nga sa
isang awit Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang namamatay para sa sarili lamang.
Samakatuwid, likas na katangian ng tao ang makikipag-ugnayan sa kanyang kapwa tao. Sa kanyang pakikipag-ugnayan sa
ibang tao, isinasagawa niya ito sa pamamagitan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan, maaaring sa paraang pasalita o
pasulat.

Sa pamamagitan ng komunikasyon, natugunan at nagampanan niya ang kanyang pang araw-araw na


pangangailangan at obligasyon.
Napataas at napanatili niya ang pagkilala sa kanyang sarili.
Nalinag ang kakayahang mapaghusay ang kanyang pakikipag-ugnayan at makikipagpalitan ng imformasyon o
kabatiran sa ibang tao.
Ang komunikasyon ang nagpapakilos sa tao.
Ang komunikasyon ang pinagmulan ng karunungan, pagbabago at pag-unlad ng sangkatauhan.

Component ng komunikasyon;

May limang component, ang transakyonal na prosesong komunikasyong ay ang sumusunod:

1. Konteksto. Ito ay tumutukoy sa mga kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon.
2. Participants. Ito ang mga taong kalahok sa komunikasyon at umaaktong tagahatid at tagatanggap ng
imformasyon.
3. Mensahe. Tumutukoy ito sa pinag-uusapan at ideyang isinalin sa pamamagitan ng sa paglalapat ng wika at
galaw.
4. Tsanel/ midyum. Ito ay ang rutang dinaraanan ng mensahe. Karaniwang ginagamit na daluyan ng paghahatid ng
mensahe ang paraang pasalita o pasulat.
5. Fidbak. Ito ang tugon ng tagatanggap sa mensaheng inihatid ng nagpasimula ng komunikasyon. Makikita sa
fidbak kung nauunawaan ba o hindi ng tagatanggap ang inihatid na mensahe.
Uri ng komunikasyon:

Komunikasyong Verbal. Ito ang uri ng komunikasyong pinakagamitan sa lahat ng pagkakataon at larangan, at ito
rin ang komunikasyong gumagamit ng wika.
Komunikasyong Di Verbal. Ito ang komunikasyong hindi gumagamit ng wika. Sa pamamagitan ng galaw ng
katawan, pagtingin, tikas o tindig, ekspresyong mukha at para language, naihahatid ang mensahe sa kausap.

Ang wika at Wikang Filipino

Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa kung paano ito nagsimula bilang Tagalog (kung
saan umalma ang mga Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na.

Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito
ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na
mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng
Filipinas."

Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa
Artikulo 14 Seksiyon 3 na, Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3)

Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang
pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng
wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili
nito ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa."

Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang
batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na
magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang Ama ng Wikang Pambansa."

Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa
pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng
Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa.

Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino
ang opisyal na tawag sa wikang pambansa.

Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15
Seksiyon 2 at 3 na ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hanggat hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling
mga wikang opisyal ng Pilipinas."

Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago
ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang mga wika."

Anda mungkin juga menyukai