Anda di halaman 1dari 1

LOKAL LITERATURE

Ayon kay Leticia Pagkalinawan (2015), ang pagtatanong ay maituturing na malaking


pundasyon ng pagkatuto. Kaugnay nito ay ang paniniwala ng mga mananaliksik ukol sa uri at
kalidad ng pagkatuto ay laging nakadepende sa tanong at sa uri at kalidad ng paraan kung
paano ito masasagot.

Ang manwal ay isang gabay na nakasulat o nakalimbag, ito ay isang mabuting halimbawa
para masagot ang mga katanungan. (Acelajado 2009) Samakatuwid, maituturing na isang
paraan ang pagbabasa ng manwal upang masagot ang mga katanungan na susi sa pagkatuto.
Ang pagtanggap dito ay magkakaroon ng pagkatuto. (Pagkalinawan 2015)

FOREIGN LITERATURE

Batay kay Dan Ford (2017) ang pag-aaral ng pangalawa o iba pang wika ay nagbibigay ng
pagkakataon sa isang indibidwal upang mas maging ganap ang pagkatuto sa una o sariling wika.
Kasabay ng pagkatuto ng pangalawang wika ay ang pagiging mahusay sa unang wika.

Ayon kay Baker (2017) Students with strong literacy in their first language consistently
perform better in learning a second language. Sinasabing ang pagkakaroon ng mabisang
kaalaman sa unang wika ay mabuting simulain upang pag-aralan ang pangalawang wikang nais
at kailangang matutunan. Ito ay magiging kalamangan upang mas madaling maunawaan ang
wikang pag-aaralan.

Isinaad ni Ed Cooke (2017) Though we speak our own language all the time, we dont tend
to notice how it works until we learn another one. Sinasabi dito na ang pagtamo ng iba pang
wika ay naghuhudyat sa isang mag-aaral ng wika upang mas matutunan ang sariling wika lalo na
sa usaping panglinggwistika. Karadagdagan pa dito ay ang sinabi ng makatang si Goethe, Those
who know nothing of foreign languages know nothing of their own. Sapagkat ang pagtamo ng
iba pang wika ay hindi magiging posible nang walang agapay ng sariling wika.

FOREIGN STUDIES

Batay sa pag-aaral ni Shanahan (2015), ang pagtamo ng wika ng isang nag-aaral ng wika
kung ang pinagkukunan ng impormasyon at kaalamang tutugon sa pangangailangang pangwika
ay malaya at madaling naisasakamay ng indibidwal.

Bukod sa impormasyong makukuha sa manwal, ito ay madaling bitbitin at kadalasang


ginagamitan lamang ng simpleng mga salita kung kayat masasabing ang manwal ay isa sa
maaaring makatugon sa pagtamo ng wika.

Anda mungkin juga menyukai