Anda di halaman 1dari 2

Proyekto

sa
Filipino IV
Ikatlong Kwarter

Ipinasa ni:

Esguerra, Philine Yvonne B.


IV-St. Peter

Ipinasa kay:

Gng. Adorinda M. Narzabal


"Pagtutulungan, Kabayanihan, Kaunlaran"

Madalas kong napapakinggan ang salitang "nangingibabaw" sa isang patalastas ng kape


sa telebisyon. Minsan ako'y napatanong sa aking sarili, maliban sa produktong nais nilang ibenta,
ano o sino pa nga ba ang pinakamarapat sa salitang ito? Ako'y napaisip at napagtanto kong
tayong mga Pilipino at ang ating kaugalian ay higit na naaakma para sa salitang ito. Ang ating
pagiging Pilipino ay nangingibabaw saan mang panig ng mundo tayo ay mapadpad dahil ang
ating kaugalian ang siyang naipapamalas natin. Isa ang pagiging matulungin sa kaugaliang pinoy
na hindi maipagkakailang likas na nangingibabaw anuman ang sitwasyon.

Masasabi kong isang karangalan ang aking pagiging Pilipino. Tanyag ang ating lahi saan
mang lupalop ng mundo dahil ang ating mga kaugalian ay bukod tangi. Walang pinipiling tao
ang ating tinutulungan, mahirap man o mayaman. Hindi rin hadlang ang estado natin sa buhay
upang maipamahagi ang ating tulong sa iba. Sa oras ng sakuna, tulad na lamang ng pananalasa
ng bagyong Yolanda sa kabisayaan, ang bawat isa ay sama-samang tumulong at patuloy pa rin sa
pagtulong upang maibalik ang nasirang buhay ng karamihan. Sa ibang bansa naman, usap-
usapan rin ang pagiging matulungin nating mga Pinoy. Napapabalita ang paggawad ng
Presidente ng Amerika sa isang nars bilang isang bayani matapos nitong sagipin ang
dalawampung sanggol sa kalagitnaan ng isang malakas na bagyo.

Ang ating pagkamatulungin ay siyang nagiging kasangkapan upang makabuo tayo ng


mga bayani. Mga bayaning handang ibigay ang serbisyo anumang oras at ng walang kapalit. Ang
mga doktor, guro, sundalo, abogado, pulis at marami pang iba ay maituturing na mga bayani
sapagkat hindi matatawaran ang kanilang kadakilaan at determinasyon sa kani-kanilang mga
trabaho.

Hindi ba't ang ating pagiging matulungin ay sadyang dapat na ipagmalaki


? Ito ang siyang nagpapanatili ng ating magandang relasyon sa isa't isa at ito ang nagbubuklod
sa ating lahat. Ang kaugalian nating ito ang siyang magdadala sa atin sa mas matagumpay na
bayan na nangangahulugan ng mas matiwasay na pamumuhay. Bawat Pilipino ay nagiging
ehemplo hindi lamang sa kapwa nating mga Pilipino kundi pati na rin sa mga banyaga. Sila'y
nahihikayat na gayahin tayo dahil itong ating kaugalian ay nagsisimula sa pagtutulungan patungo
sa kabayanihan na siyang tulay natin sa kaunlaran.

Anda mungkin juga menyukai