Anda di halaman 1dari 2

"Ang Lobo at Ang Kambing"

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang
maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining
ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo,
napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman
ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na
ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.
"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan
kung papaano nating gagawin iyon."
"Papaano?"
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas.
At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang
sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na
ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing,
"Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."
Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.
Gintong Aral: Walang manloloko kung walang magpapaloko.

ANG UWAK NA NAGPANGGAP (Ni G. Domingo)

Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan
niya iyon at nasiyahan sa ibat ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa
pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang
katawan.
Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala
bilang kauri ng mga ito.
Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal
ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.
Dahil dito, inalis ng mga pabo ang ibat ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan
ng uwak. Pagkuway pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito.
At sinabing, Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa
sariling anyo!
ANG ASO AT ANG KANYANG ANINO (Ni G. Domingo)

Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan
ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig.
Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na,
napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at dooy nakita niya ang
sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa
bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito.
Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa
ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.

ANG INAHING MANOK AT ANG KANYANG MGA SISIW (Ni G. Domingo)

Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman
ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at
sinabing, Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang
aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!
Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, Kailangang lumikas na
tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng
mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!
Huwag kayong mabahala mga anak, ang wika ng inahing manok. Kung mga kapit-
bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May
panahon pa tayo upang manirahan dito.
Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan ngay walang mga
kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.
Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako
lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!
Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang
ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, Kung sa mga kamag-
anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring
dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para
manirahan dito mga anak!
Kinabukasan ngay tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na
dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.
Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, Bukas
na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong
ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!
Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at
iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.
Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing,
Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong
maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang
sarili!

Anda mungkin juga menyukai