Anda di halaman 1dari 17

Karl Wilfrid Daniels O.

Molles Komunikasyon

11 STEM DOST B July 3, 2017

Batayang Kaalaman sa Wika

Kahulugan ng wika

Hindi maitatanggi sa mga tao dito sa mundo ang kahalagahan ng wika. Ito ang naging
daan upang maibahagi sa isat isa ang kani-kanilang mga ninanais at niloloob. Ayon kina Espina
at Borja (1999:1), ang wika ay isang mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang
kanyang damdamin at kaisipan. Ang kakayahan sa paggamit ng wika na nasasalig sa isipan,
damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang dinamikong prosesong bunga ng kanyang karanasan
kabiguan, tagumpay, pakikipagsapalaran at maging ng kanyang mga pangarap at mithiin.

Kung hindi maipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya at niloloob, anong uri kaya ng
lipunan mayroon tayo? Walang makabuluhang gawaing pantao ang maaaring maganap kung
hindi niya maipababatid ang kanyang iniisip gayon din kung hindi niya mauunawaan ang nais
ipahayag ng iba.

Ano nga ba ang wika? Bakit itoy totoong napakakomplikado at tunay na may
kapangyarihan? Ilan lang ito sa mga katanungan na hindi karaniwang pinag-iisipan o
ipinaliliwanag dahil seguro sa pagiging natural lang sa tao ang pagkatuto, pagkakaroon at
tuluyang paggamit ng kanyang wika mula pagkabata. Ito ay kung wala siyang naging
kapansanan para hindi matuto ng wika o kayay para matigil ang kanyang paggamit ng wikang
kinagisnan.

Ang mga dalubhasa ay may ibat ibang pakahulugan sa wika.

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdain at mithiin.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na


binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming
dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay
tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa
ibat ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi itoy
sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito ay ayon sa
kanya, walang dalawang wikang magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga
tuntunin.
Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Ang wika raw ay
ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga
simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa
mga klase at pattern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga
simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitrayo at kontrolado ng lipunan.

Marami pang mga kahulugan ang mailalahad ng mga dalubhasa tungkol sa wika. At ang
mga kahulugang ito ay maiisa batay sa kahulugang ibinigay ni Gleason tungkol sa wika. Ayon sa
kanya, ang wika raw ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Katangian ng wika

Batay sa mga kahulugan ng wika na inilahad ng mga dalubhasa, matutukoy ang mga
pangunahin at unibersal na katangian ng wika na tatalakayin sa mga sumusunod na talata:

1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ano mang wika sa daigdig ay sistematikong


nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na
ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. Ponema ang tawag sa makahulugang tunog ng
isang wika samantalang ponolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng
mga ito. Kapag ang ponemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliliit na yunit
ng salita na tinatawag na morpema. Ang morpemang mabubuo ay maaaring isang
salitang-ugat, panlapi o morpemang ponema katulad ng ponemang /a/ na sa wika natin ay
maaaring magpahiwatig ng kasariang pambabae. Morpolohiya naman ang tawag sa
makaagham na pag-aaral ng mga morpema. Samantala, kapag ang mga salita ay ating
pinag-ugnay, maaari naman tayong makabuo ng mga pangungusap. Sintaksis naman ang
tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap. Kapag nagkaroon ng ng
makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon
na ng tinatawag na diskurso.

2. Ang wika ay binubuo ng mga sagisag o simbolo. Kapag nagsasalita tayo, ang bawat
salitang binibigkas natin ay isang serye ng mga tunog na kumakatawan sa isang bagay
(lapis, bag, papel), ideya (pag-aaral, katotohanan), damdamin (pag-ibig, kaligayahan) o
isang fangsyon (si, nang, ni).

3. Ang wika ay mga sagisag na binibigkas. Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi
lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa mga tao, ang makahulugang tunog na nalilikha
natin at kung gayoy kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat
ng pagkakataon ay ang tunog na sinasalita. Samakatwid, ang mga tunog na nalilikha ng
ating aparato sa pagsasalita ay nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o ang
pinanggagalingan ng lakas o enerhiya, nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng
tunog o artikulador at minomodipika sa resonador. Upang magiging makabuluhan ang
nabuong tunog, kailangan itong mabigkas nang mabuti upang makilala ng tagapakinig
ang pagkakaiba ng mga tunog. Ang paraang pasulat ay representasyon lamang ng mga
tunog na sinasalita.

4. Ang wika ay arbitraryong simbulo at tunog. Ang salitang arbitraryo ay


nangangahulugang walang tiyak na batayan. Ibig sabihin ang pagbuo ng mga simbulo at
tunog na kumakatawan sa kahulugan ng bagay, ideya at kaisipan ay walang tiyak na
batayan o tuntuning sinusunod. Itoy pinagkakasunduan ng mga tao sa tiyak na pook o
pamayanang gumagamit ng wika. Kaya magkakaiba ng mga salitang ginagamit ang ibat
ibang pook tulad ng salitang rice sa Ingles, arroz sa Kastila, bugas sa Cebuano, bigas sa
Tagalog, at abyas sa Kapampangan. Kung gayon, ang mga taong walang ugnayan sa
isang komunidad ay hindi matutong magsasalita kung paanong ang mga naninirahan sa
komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan.

5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba


pang kasangkapan, kailangang tuluy-tuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang
hindi na ginagamit ay nawawalan na ng saysay. Gayon din ang wika. Kapag ang wika ay
hindi na ginagamit, unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay.

6. Wika ay nakabatay sa kultura. Nagkakaiba ang wika sa daigdig dahil na rin sa


pagkakaiba ng kultura ng mga bansa at mga pangkat. Ito ang naging paliwanag kung
bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala
sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika. Katulad ng sa Ingles at
Filipino. Sa Ingles ay may ibat ibang formation ng ice na maaaring tumbasan sa Filipino
ng nyebe at yelo. Ngunit may maging panumbas pa ba sa glacier, icebergs, frozt,
hailstorm at iba pa? Wala, sapagkat hindi naman bahagi ng ating kultura ang mga
formations na ito. Samantala, ano naman ang katumbas sa Ingles ang ating palay, bigas at
kanin? Rice lamang dahil hindi ito bahagi ng kanilang kultura. Ano naman kaya ang
panumbas ng mga salitang karomata at nigo sa ibang kultura?

7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging hindi
magbabago. Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit
niyon. Ayon kina Paz (2003:6) lahat ng bagay ay nagbabago at sa panahon ngayon ng
makabagong teknolohiya at madaling paglalakbay ng mga tao, masasabing lumiliit na
ang mundo. Ang bunga ng pagliit na ito ng mundo na dala na rin ng midya ay ang
dumadaling ugnayan ng mga tao na maaaring nagdadala ng pagbabago sa kanya, sa
kanyang kultura at sa kanyang wika. Ang pinakamadaling maapektuhan ng pagbabago sa
wika ay ang bokabularyo nito. Sa kaso ng Pilipinas, ang matagal na ding impluwensya ng
ibang bansa ay nagdagdag sa bokabularyo ng ating mga wika ng mga salitang hiram na
galing sa Instik, Arabik, Kastila, Ingles at Hapon, halimbawa: pansit, lomi, syopaw,
swerte, sibuyas, mansanitas, magkodakan, kompyuter, siroks, sushi, tempura, Japayuki,
atbp. Sa mga nadagdag na salita, may mga nahinto ang gamit, at may mga napalitan o
nadagdagan ang kahulugan. Halimbawa, kerida na galing sa Kastila querida minamahal
na ang kahulugan ngayon sa Filipino ay kinakasama ng lalake na hindi niya asawa,
bawnderi ng taksi o ng jip na galing sa Ingles boundary hangganan na ang nadagdag na
kahulugan ay perang ibinayad ng drayber sa may-ari sa pagpasada ng kanyang taksi o
jip. Ano kaya ang naging kahulugan sa Filipino sa mga salitang Ingles na wheels, cats,
dogs, Indian? Ang mga ito ay mga patunay na ang wika ay nagbabago.

8. Ang wika ay pantao. Ang wika ay para sa, ukol sa, at gamit lamang ng tao. Iba ang wika
sa ungol o huni ng hayop. Ang aso ay tumatahol, ang pusa ay ngumingiyaw, ang leon ay
umaatungal, ang sisiw ay sumisiyap, ngunit ang mga ito ay hindi wika. Napag-aralan ng
isang tao na salitain ang isang wika, ang wika ng ibang pangkat etniko. Hindi mapag-
aaralan ng isang aso ang atungal ng leon o tilaok ng isang manok, ang pagtahol ng aso.
Ang wika ay pantao. Hindi magagamit ng mga hayop ang kani-kanilang sariling paraan
ng pag-ungol na gaya ng paggamit ng tao sa wika. Nagagamit ang wika sa pag-uusap
tungkol sa kanyang opinyon. At dahil sa ang wika ay may sistema, maaaring matutuhan
ng isang tao ang ibang wika o ang wika ng ibang pangkat etniko o pangkat kultural ng
ibang lahi at lipi.

Kahalagahan ng Wika

May malaking papel na ginagampanan ang wika sa bawat tao at maging sa lipunan. Sa
pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting relasyon sa kapwa, napapaunlad ng tao ang
kanyang sarili at nakatutulong din siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba. Dahil sa wika
nakatatanggap at nakikibahagi siya sa kapwa ng bisang dala ng pagbabago sa kultura at
kabihasnan. Ang realisasyon ng kanyang mga pangarap bilang tao at ang pagtupad ng kanyang
tungkulin bilang makabuluhang kasapi ng lipunan ay nakasalalay sa kanyang kakayahan sa
paggamit ng wika. Samakatwid, ang kahusayan ng tao sa paggamit ng wika na ipinakikita sa
kanyang kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat ay maituturing na isang
mahalagang katuparan at instrumento sa pansariling pag-unlad.

Narito ang ang ibat ibang kahalagahan ng wika.

1. Instrumento ng Komunikasyon. Ang wika pasalita man o pasulat, ay pangunahing


kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Sa micro level, ang
dalawang tao ay nagkakaunawaan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng wika. Ang
magkasintahan, halimbawa, ay nakapagpapanatili ng relasyon dahil may wikang nagiging
instrumento nila ng komunikasyon. Samantala, may mga nagkakagalit o nag-aaway
bunga ng miskomunikasyon o di-epektibong paggamit ng wika. Samakatwid, ang
mabisang paggamit ng wika ay mahalaga sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa
dahil tayong mga tao ay mga nilikhang panlipunan. Kung gayon, ang wika ang
pangunahin nating kasangkapan upang tayoy makaganap sa ating mga tugkuling
panlipunan. Ayon din sa macro-level, ang mga bansa ay nakakapag-ugnayan dahil sa
wika. Iba-iba man ang wika ng mga bansa, nakahahanap pa rin sila ng komong wikang
kanilang kinakasangkapan upang magkaroon ng unawaan.

2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman. Maraming kaalaman ang naisasalin sa


ibang salin-lahi at napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika. Ang mga nobela ni
Rizal halimbawa, ay naisulat ilang daang taon na ang lumipas ngunit patuloy itong
napakikinabangan sa ating panahon dahil may wikang nagkakanlong dito at nag-iingat
hanggang sa kasalukuyan. Ang mga mahahalagang imbensyong kanluran ay
napakikinabangan din sa ating bansa dahil may wikang nagkakanlong sa mga iyon at
naging sanhi upang iyon ay mapalaganap sa ibat ibang sulok ng daigdig. Dahil may
wika, hindi kasamang naililibing ang mga mahahalagang kaalaman sa pagyao ng lumikha
o tumuklas ng mga iyon. Paano na lang kaya kung hindi man lang naisulat o naipagsabi
ni Benjamin Franklin ang pagakatuklas niya sa kuryente bago siya namatay? Marahil ay
baka wala pa rin tayong kuryente hanggang sa ngayon.

3. Nagbubuklod ng Bansa. Sa panahon ng mga katipunero, wikang Tagalog ang naging


daan upang mapag-isa ang kanilang mga hinaing. Tagalog ang kanilang wikang opisyal,
sa kanilang pakikipaglaban sa mga Kastila, samantalang ang mga Propagandista naman
ay ng wikang Kastila, na naging wika nila sa pagpapahayag ng mga makabayang diwa sa
la Solidaridad. Ano mang wika, kung gayon, ay maaaring maging wika ng pang-aalipin,
ngunit maaari rin itong gamitin upang pagbuklurin ang isang bansa sa layuning
pagpapalaya. Tulad na lamang ng sa Edsa I at II, wika ang daan upang magtipon ang mga
Pilipino sa monumento ng EDSA upang isigaw ang nag-iisang mithiin ang pagtuldok sa
pamahalaang diktadorya at mandarambong.

4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o


nobela o di kayay kapag tayoy nanonood ng pelikula, parang nagiging totoo sa ating
harapan ang mga tagpo niyon. Maaaring tayoy napahalakhak o napapangiti, natatakot o
kinikilabutan, nagagalit o naiinis, naaawa o naninibugho. Ito ang nagpapagaan ng ating
imahinasyon. Sa ating isipan, nalilikha natin ang bawat larawan ng mga tagpo sa kwento
o nobelang ating binabasa o pelikulang ating pinapanood. Ang wikang nakasulat na ating
nababasa o wikang sinasalita ng mga tauhan sa pelikula na ating naririnig ang nagdidikta
sa ating isipan upang gumana at lumikha ng imahinasyon, at kung gayoy nalilinang ang
ating malikhaing pag-iisip.

Tungkulin ng Wika

Napakahalaga ng tungkuling ginagampanan ng wika. Napakahalagang katangian ng tao


ay ang pagkakaroon ng wika at ang kakayahang gumamit ng wika. Isipin natin. Ano kaya ang
magiging buhay ng tao at ng santinakpan kung nagkataong walang wika ang tao at hindi angkin
ng tao ang kakayahang gumamit ng wika? Paano ang pakikipagtalastasan? Paano maipapahayag
ang mga kaisipan at mga damdamin? Paano maitatala ang mga naganap na pangyayari na
tatawaging kasaysayan? Kung walang wika, lahat ng tungkuling binanggit ay hindi
maisasagawa.

Ang wika na ugat ng pakikipagtasalastasan o komunikasyon ay may mahahalaga at ibat


ibang tungkulin gaya ng sumusunod:

1. Pang-interaksyunal. May gamit interaksyunal ang wika kung ginagamit ito sa


pagpapanatili ng mga relasyong sosyal, katulad ng pagbati sa ibat ibang okasyon,
panunukso, pagbibiro, pang-iimbita, pasasalamat at paggamit ng mga salitang pang-teen-
ager, liham-pangkaibigan, lenggwahe ng mga bakla, propesyunal na jargon, palitang
ritwalistik, at dayalektong rehiyunal.

2. Pang-intrumental. May gamit na intrumental ang wika na tumutulong sa tao para


maisagawa ang mga gusto niyang gawin. Maisasagawa niya ang anuman at mahihingi
ang ibat ibang bagay sa tulong ng wika. Samakatwid, magagamit ang wika sa
pagpapangaral, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos,
pakikiusap at liham pangngalakal.

3. Panregulatori. May gamit ding regulatori ang wika na nangangahulugang nagagamit ito
sa pagkontrol sa mga sitwasyon o kaganapan. Kabilang dito ang pagbibigay ng mga
patakaran o palisi at mga gabay o panuntunan, pag-aaproba at/o di-pagpapatibay,
pagbibigay ng pahintulot at/o pagbabawal, pagpuri at/o pambabatikos, pagsang-ayon at/o
di-pagsang-ayon, pagbibigay ng direksyon, paalala, babala at pagbibigay panuto.

4. Pampersonal. Personal naman ang gamit ng wika sa pagpapahayag ng personalidad at


damdamin ng isang indibidwal. Nasa anyo ito ng ibat ibang pangungusap na padamdam,
pagmumura, paghingi ng paumanhin, pagpapahayag ng mga pansariling damdamin
(tuwa, galit, gulat, hinanakit, pag-asa, kagustuhan), at iba pang pansariling pahayag.

5. Pang-imahinasyon. Ito ang gamit ng wika kung ginagamit ito sa paglikha at/o
pagpapahayag ng malikhain, estetiko o artistikong kaisipan. Kasama rito ang verbal o
kayay pasulat na pag-awit, pagtula, pagkukwento, deklamasyon, akdang pampanitikan at
iba pang gawaing ginagamit ang wika para sa wika.

6. Pangheuristiko. May gamit heuristik ang wika kung ginagamit ito ng tao upang matuto
at magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko at/o
propesyunal na sitwasyon. Ito ay ang pagbibigay o paghahanap ng kaalaman. Kabilang
dito ang pagtatanong, pakikipagtalo, pagbibigay-depinisyon, panunuri, sarbey at
pananaliksik.

7. Pang-impormativ. Ang wika ay instrumento upang ipaalam ang ibat ibang kaalaman at
insight tungkol sa mundo. Ang wika ay ginagamit upang magbigay ng
impormasyon/datos. Tulad ng pag-uulat, pagtuturo, pagpapaliwanag, pagsagot, pagtuturo
at pamanahunang papel.

Antas ng Wika

Nagkakaroon ng antas ng wika ang isa pang mahalagang katangian nito. Tulad ng tao,
ang wika ay nahahati rin sa ibat ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Kung tutuusin, ang
antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang palatandaan kung anong
uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya kabilang.
Nahahati ang antas ng wika sa kategoryang Pormal at Impormal. Bawat kategorya,
napapaloob ang mga antas ng wika.

1. Pormal. Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit
na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

a. Pambansa. Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat


pangwika/pambalarila sa lahat ng mnga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang
ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.

b. Pampanitikan. Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa


kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog,
malalalim, makulay, talinghaga at masining.

PAMBANSA PAMPANITIKAN

Ina Ilaw ng tahanan

Baliw Nasisiraan ng bait

Magnanakaw Malikot ang kamay

2. Impormal. Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas


nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.

a. Lalawiganin. Ito ang mga bokabularyong pandayalekto. Gamitin ang mga ito sa
mga partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na
gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong
naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang
tinatawag ng marami na punto.

PAMBANSA LALAWIGANIN

Upo Tabayag

Kalamansi kalamunding

Talukbong pandong

Aba nga naman ala eh naman


Gabi gabi-i

Bote boti

b. Kolokyal. Itoy mga pang-araw-araw na mga salita ngunit may kagaspangan at


pagkabulgar, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang
nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita ay mauuri rin sa
antas na ito.

PAMBANSA KOLOKYAL

Saan naroon Sanaron

nasaan nasan

naroon naron

kani-kaniya kanya-kanya

aywan ewan

tayo na tana

tala na tana

c. Balbal. Ang mga salitang itoy tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito
noong una ay hindi tinatanggap ng mga magulang at may pinag-aralan dahil
masagwa raw pakinggan. Sa mga grupu-grupo nagsisimula ang pagkalat nito. Sila
ang umimbento, sa gayon, para nga namang code, hindi maiintindihan ng iba ang
kanilang pinag-uusapan. Pabagu-bago ang mga salitang balbal. Pana-panahon
kung mauso kaya karaniwan ay hindi tumatagal, agad nawawala. Ang mga
salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto, salitang lansangan, salita ng mga
estudyante, teen-age lingo at sa grupo ng mga bakla ay swardspeak.

PAMBANSA KOLOKYAL

Matanda Gurang
Kapatid Utol

Inom Toma/tagay

Security guard Sikyo

Original Orig

Amerikana Kana

Bata Atab

Pulis Lispu

Kotse Tsikot

Mama Ermat

Papa Erpat

Hiya Dyahi

Sigarilyo Yosi

Asawa Waswas

Nobya Chuvachuchu

Teorya ng Pinagmulan ng Wika

Malinaw na ipinahahayag sa Banal na Kasulatan ng mga Kristiyano na ang wika ay


kaloob ng Diyos. Sa mga relihiyoso, walang duda ito. Napakarami at napakasalimuot nga naman
ng mga wika at halos kung hindi man perpekto ang pagkakaayos ng mga wika sa daigdig.
Walang makagagawa nito kung hindi ang Maylalang ng lahat. Sa Bibliya pa rin, isinasalaysay
kung paanong mula sa iisang wika, ang mga tao sa daigdig ay nagkaroon ng ibat ibang wika.
Naaalala mo pa ba ang kwento kay Babel at sa kanyang tore (Gen. 11:1-9)?

Sa huling bahagi ng ikalabindalawang siglo, ang mga iskolar ay nagsimulang mag-usisa


kung paanong ang tao ay nagkaroon ng mga wika. Dahil dito, lumitaw ang mga sumusunod na
teorya ukol sa pinagmulan ng wika:

1. Teoryang Bow-wow. Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na
kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang
paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga
ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinawag ng tuko dahil sa tunog na
nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita.
Hindi bat nagsisimula sila sa panggagaya sa mga tunog, kung kayat ang tawag nila sa
aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit, para sa iba, kung totoo ito, bakit iba-iba ang
tawag sa aso halimbawa sa ibat ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa
Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?

2. Teoryang Pooh-pooh. Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito,
nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng
sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla, at iba pa. Pansinin nga naman ang
isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi bat siyay napapa-Aray! Samantalang ang
mga Amerikano ay napapa-Ouch! Anong naibulalas natin kung tayoy nakadarama ng
tuwa? Ng sarap? Ng takot?

3. Teoryang Yo-he-ho. Pinaniniwalaan ng mga nagmumungkahi ng teoryang ito na ang tao


ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga bat
tayoy nakalilikha din ng tunog kapag tayoy nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, anong
tunog ang nalilikha natin kapag tayoy nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayoy
sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?

4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Likha sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay
may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani,
pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at
pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon, ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o
mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na
kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalaunay nagpabagu-bago at nilapatan ng ibat
ibang kahulugan.

5. Teoryang Ta-ta. Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na
kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalaunay magsalita. Tinawag itong ta-ta na sa
wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao
nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng
pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.

6. Teoryang Ding-dong. Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang tao,
ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng bagay-bagay sa
paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi
maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may
sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang
ginagad ng mga sinaunang tao na kalaunay nagpabagu-bago at nilapatan ng ibat ibang
kahulugan.
Alin sa mga teoryang binanggit sa itaas ang masasabing totoo? Kaya nga tinatawag na
teorya dahil ito ay nagmumula sa mga haka-haka ng mga teorista at mahirap patunayan at
husgahan. Ang pagpipilit na ang isa ang tama ay tiyak na hahantong lamang sa walang-
hanggang pagtatalo. Bawat teorya ay may sari-sariling kalakasan at kahinaan na maaaring
maging batayan upang ating paniwalaan o di kayay tanggihan. Magkagayon man, mahalaga
ang bawat isa sa pagtalakay sa pinagmulan ng wika.

Karl Wilfrid Daniels O. Molles Oral Communication

11 STEM DOST B July 3, 2017

Dimensions of Intercultural Communication

Value-orientation

Cultural values of work-life

High and low context communication

Time orientation

Other dimensions
Value-orientation

According to value-orientation (Kluckhohn & Strodtbeck) the dominant attitude towards basic
things in life are reflected in communication. The key value-dimensions are collected in the
following table.

Bad Mixed Good

Most people can not There are both good Most people are
be trusted. People and bad people in the fundamentally good
are fundamentally world. People can be and good-willing;
bad and they have to changed with proper they are born as
be controlled. guidance. good.

Subordinate Harmony Dominant

Man can not change Man should try to


nature. Life is live in harmony with
predominantly nature.
determined by
external powers,
such as destiny and
genes.

Relation to Past Present Future


time:
Man should learn Planning and setting
about the past, and goals can make
build his values on miracles, change and
the basis of history growth possible. A
and transfer small sacrifice today
traditions to future. can bring a better
tomorrow.

Action: Being Becoming Doing


Social Hierarchy Cooperation Individual.
relations:
The best way for
organisation is group
work, where each
member participates
in decision making.
It is important that
significant decisions
are not made alone.

(Adopted from Kluckhohn & Strodtbeck; Kohls, 1981)

Cultural values in work-life Individualism - Collectivism


Power-distance
Tolerance vs. avoidance of uncertainty
Masculinity - Femininity
(Juuti 2005 => Trompenaars 1993)

High and low context communication

Read the following story.

An international tourist group arrives in the hotel after a sightseeing tour in an Asian
metropolis. The group is very happy with sightseeing and shows its gratitude to the guide.
The members of the group ask the guide if she could come with them the next day again to
make another tour, since a lot is still to be seen in the city. The guide smiles and says that
they forecasted rains for the next day.

In the morning the group gathers in the hotel lobby and sees that there is a beautiful sunny
day outside. Despite the nice weather, the guide does not show up.

High and low context dimension refers to the extent that communication is seen to be connected
to the situation and environment in which it takes place.
In low-context cultures verbal communication is emphasised, direct communication is preferred
and meaning is expressed explicitly. Word = meaning. Low-context communication is often
connected to individual cultures, e.g. the United States, Germany, Switzerland and Nordic
countries.

In high-context Time orientation

Cultures can also be examined according to how their members experience time and how time
and doing are interrelated. Orientation to time is also reflected to communication.

In different cultures past, present and futuremonochronic cultures people do one thing at a
time, orientate to one person at a time and exceptions to the script are not welcome. Time is
fragmented, timetables and punctuality are important. Time is considered very concretely: it can
be saved, used, spent and lost. Time can move slow or fast or even end.

In polychronic cultures the orientation is towards many things and persons at the same time. A
pre-set agenda is not necessary, exceptions and spontaneous situations are allowed.

Here are some countries/geographical areas grouped according to time orientation:

Very monochronic:Somewhat monochronic:Polychronic:

- Germany - Australia - Africa


- Switzerland - Southern / Eastern Europe- Arab world
- North-America - Northern - China - South / South-East
Europe - Hong Kong Asia
- Japan - Singapore - Latin America
- Taiwan
- South Korea

Imagine a customer service situation in an ice cream stand in Finland and Southern
Italy.

What kinds of differences can you think of?

Other dimensions

Many dimensions of intercultural communication are interconnected.


Task vs. relationship orientation reflects whether a person emphasises doing and achieving or
maintaining relationships. Task oriented communication is goal oriented, communication forms a
means for accomplishing a certain task. Relationship oriented communication emphasises
keeping up the relationship, and talking serves this purpose.

Formality vs. informality.


Karl Wilfrid Daniels O. Molles Earth Science

11 STEM DOST B July 3, 2017

Life cycles of stars

A star goes through a life cycle. This is determined by the size of the star. The diagram below
summarises the stages you need to know:

Stars about the same size as our Sun

These follow the left hand path:

Main sequence star red giant white dwarf black dwarf


Stars much bigger than our Sun

These follow the right hand path:

Main sequence star red super giant supernova neutron star or black hole

Red-shift

When an object moves away from an observer, its light is affected by the Doppler effect.

Spectra from distant galaxies

Our Sun contains helium. We know this because there are black lines in the spectrum of the light
from the Sun where helium has absorbed light. These lines form the absorption spectrum for
helium.

Spectrum of the sun

When we look at the spectrum of a distant star, we still see an absorption spectrum. However, the
pattern of lines has moved towards the red end of the spectrum, as you can see below.

Spectrum of a distant star

The positions of the lines have changed because of the Doppler effect. Their wavelengths have
increased (and their frequencies have decreased).

Astronomers have found that the further from us a star is, the more its light is red-shifted. This
tells us that distant galaxies are moving away from us, and that the further away a galaxy is, the
faster it's moving away.

Since we cannot assume that we have a special place in the Universe, this is evidence for a
generally expanding universe. It suggests that everything is moving away from everything else.