Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa mga pangarap mo?
Hanggang kailan mo gustong magsakripisyo at magtiis para maabot
ito?Ipagpapatuloy mo pa ba ang pangarap mo kahit sukong-suko ka na?
Madalas kong kinakausap ang aking sarili, Bakit ang saklap ng buhay
ko? Hindi man lang ako nabiyayaan ng masayang pamilya na magiging
sandalan ko sa pag-abot ng mga pangarap ko. Ah,marahil ayaw nila
ako. Baka hindi nila ako tanggap. Mga sagot na hindi ko alam kung ito
bay totoo o guni-guni ko lang.
Minsan ko na rin tinanong ang Diyos, Bakit ganito ang buhay ko? Bakit
ang hirap-hirap naman yata?Bakit kailangan kong pagdaanan ang
ganitong hirap? Bakit hindi buo ang pamilya ko? Iilan lang yan sa mga
tanong na hindi ko masagot-sagot. .Ah siguro nga, may plano ang
Diyos.Ito nalang ang tanging pinanghawakan kong sagot sa mga
tanong ko.
Subalit sa kabila ng lahat ng di pagkakaroon ng pamilyang buo, marami
pa rin akong pangarap.Gusto kong makapagtapos.Gusto kong
yumaman. Oo, gusto kong maging mayaman.Sa dami-dami ba naman
ng hirap at pighati na napagdaanan ko,gusto ko rin makaranas ng
marangyang buhay. Dati-rati, papasok ako sa paaralan na walang baong
pera at kung meron man,pasalamat na ko kung may dalawang pisong
ibibigay sakin. Naranasan ko ang kakain ng walang ulam,purong-puro
na kanin.Minsan,asin at asukal nalang para kahit papaano,magkalasa
man ang kinakain ko. At mga notebook ko, mga pinagtagpitagpi ng
mga pinaglumaan kong notebook dati.Yung bag kong nag-iisa na
lumang luma. Yung medyas kong lawlaw na at sapatos kong gutom na
gutom na at tuwing inaapak ko sa may tubig ay naku,baha na. Ilan lang
yan sa mga hirap na pinagdaanan ko.Ngayon, masisisi mo pa ba ako
kung bakit gusto kong maging mayaman. Subukan mong suutin ang
sapatos ko at iyong maramdaman kung gaano ang hirap ng buhay
ko.Lahat ng ito tiniis at pinagpasensyahan ko.
Sa gabing iyon, napagtanto kong bakit hindi ko kaya hanapin ang tatay
ko.Malay mo,matulungan niya ako. Napangiti nalang ako.Siguro nga sa
pagkakataong ito, kailangan kong hanapin ang ama ko kahit tinalikuran
ako bilang isang anak niya.Kapit sa patalim kumbaga. Pagkatapos ng
pagtalikod niya sa kanyang responsibilidad, hahanapin ko siya.Isa na
yatang malaking kalokohan to.Pero teka, may pangarap ako e.Hindi ko
pwedeng hindi matupad iyon. Bahala na. Usapang pangarap ito.