Anda di halaman 1dari 2

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA

SA MGA KINAUUKULAN NITO

Ang kasunduang ito ay ginawa at nilagdaan ng dalawang panig ngayong ika-7 ng Mayo,
2014, dito sa Marawoy, Lipa City, nina CARMEN, may sapat na gulang, Pilipino, at naninirahan
sa Crsytal Mansion, South AA Street, Paligsahan, Quezon City 1103 na siyang
tatawaging NAGPAPAUPA, dito kina PILITA, Pilipino, may sapat na gulang, at naninirahan sa
Marawoy, Lipa City na siyang tatawagin UUPA o UMUUPA.

PA G PA PAT U N AY

Na ang NAGPAPAUPA ay siyang tunay at ganap na nagmamay-ari ng isang PAUPAHANG


BAHAY, na matatagpuan sa 123 SAN VICENTE, LUNSON NG MALOLOS,
BULACAN. Na ang NAGPAPAUPA at ang UUPA o UMUUPA ay nagkasundo na uupahan at
papaupahan ang nasabing bahay sa ilalim ng patakaran at alituntunin na gaya ng mga
sumusunod:

1. Na ang nasabing bahay ay gagamitin lamang bilang tirahan sa loob ng isang (1) taon na
magsisimula sa ika- 11 ng Nobyembre, 2014, at magtatapos sa ika-6 ng Mayo, 2018, at
maaring paupahang muli sa bagong kasunduan.

2. Na ang kasunduang ito ay maaaring baguhin kung nais ng NAGPAPAUPA sa ilalim ng


bagong kasunduan.

3. Na ang UUPA ay magbibigay ng ISANG (1) BUWANG DEPOSITO at ISANG


(1) BUWAN na PAUNANG KABAYARAN sa upa bago lumipat sa inuupahang bahay.

4. Na ang UUPA ay magbabayad ng halagang DALAWAMPUNG LIBONG PISO (Php


20,000.00), bilang kabayaran o upa sa loob ng isang (1) buwan at dapat bayaran tuwing
ika-isa (1) ng bawat buwan.

5. Na ang nasabing isang (1) buwang deposito ay hindi ibabalik ng NAGPAPAUPA bagkus
ay dapat tapusin ng UMUUPA at ang nasabing deposito ay magagamit lamang sa huling
buwang UPAHAN.

6. Na ang buwanang singil sa KURYENTE at TUBIG ay sa sariling gastos o gugol ng


UMUUPA, gayundin ang pagpaparekonekta kung sakaling maputulan ng serbisyo nito,

7. Na kung sakaling ang UMUUPA ay hindi makakabayad ng kaukulang UPA sa loob ng


dalawang (2) buwang magkasunod, ang kasunduang ito ay mababaliwala at ang
UMUUPA ay pumapayag na lisanin ang inuupahan sa maayos at matahimik na paraan.

8. Na ang nasabing PAUPAHAN ay gagamitin sa anumang uri ng negosyo na labag sa


batas tulad ng sugal at iba pa.

9. Na ang UMUUPA ay hindi pauupahan sa iba ang nasabing bahay ng walang nakasulat na
pahintulot o pag-sangayon ng NAGPAPAUPA o MAY-ARI ng nasabing BAHAY
PAUPAHAN.

10. Na ang UMUUPA ay susunod at tatalima sa mga kautusan at patakaran ng


PANGKALINISAN at PANGKALUSUGAN.

11. Na pananatilihin ng UMUUPA ang maayos na kundisyon ng BAHAY PAUPAHAN.

12. Na tinitiyak ng UMUUPA na siya ay hindi gagawa ng anumang pagbabago


at pagsasaayos sa lugar ng pinangungupahan ng walang pahintulot ang NAGPAPAUPA;
na anumang pagyayaman at pagbabagong kanyang gagawin ay tanging sa sarili niyang
gugol at walang anumang pananagutan ang NAGPAPAUPA; at anumang pagyayaman at
pagbabago na kanyang gagawin ay mapupunta sa NAGPAPAUPA sa katapusan ng
kasunduang ito.
13. Na kung sakaling aalis o lilipat ang UMUUPA, kailangang may paunang abiso sa loob ng
tatlumpung (30) araw bago isagawa ang kaukulang pag-alis o pag-lilipat.

At sa katunayan ng lahat ng ito, ang mag-kabilang panig ay nagkasundo at lumagda ngayong


ika-11 ng Nobyembre, 2014, dito sa LUNSOD NG MALOLOS, BULACAN sa tulong ng
Poong Maykapal.

N I LA G D AA N :

__ CARMEN__ ____ _____ _PELITA______


May-ari ng Paupahan Uupa sa Paupahan

S I NA K S I H A N N I N A:

____XXXXXXXXXX____ _ __MAJA__ _

PA G PA PAT U N AY

SA HARAP KO, na isang NOTARYO PUBLIKO, ay dumulog ang mga sumusunod:

CARMEN, CTC NO. 12344 Gawad sa Lundod nang Malolos Nuong 1/3/2013

PELITA, CTC NO. 12344 Gawad sa Lundod nang Malolos Nuong 2/4/2013

Na siyang nagsagawa ng naunang kasulatan na pinatunayan nila sa harap kong malaya at sarili

nilang pagpapasya ngayong ika- 11 ng Nobyembre 2014 sa Lunsod ng Malolos, Bulacan.

SAKSI ANG AKING LAGDA AT SELYONG PANATAK sa petsa at lugal na nabanggit.

Kas. Blg. _______


Dahon _______
Aklat Blg. _______
Taong 20___

Anda mungkin juga menyukai