Anda di halaman 1dari 1

Christopher H.

Pagador
Rashmal T. Guiapar
Richter George D. Demayo

Panahon ng Aktibismo

Ang panahon ng aktibismo ay uminit noong 1970-1972. Maraming kabataan ang


mga naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa pamahalaan. Karamihan sa mga
kabataang ito ay mga mag-aaral ng Unibersidad Ng Pilipinas. May tatlong salita na
kadalasang isinisigaw ng mga estudyante sa bawat pagmimiting o rally. Ito ay ang
imperyalismo, feudalismo, at facismo.

Ang imperyalismo ay ang pagpapalawak ng lakas o impluwensya; ang


feudalismo ay mga suliranin sa pagmamay-ari ng mga lupang sakahan; at ang facismo
ay ang pagiging diktador o paggamit ng kamay na bakal at hindi paggalang sa
karapatan ng kapwa.

Panahon ng Duguang Plakard, Panahong minsan pang pinatunayan ng


kabataang Pilipino na hindi laging pagyuyuko ng ulo at pag-ilag sa hangin ang bumubuo
ng kanyang pagkalahi at pagkabansa. -G. Panciano Pineda

Ang mga kabataan ay nagpahayag ng damdaming punong-puno ng


paghihimagsik. Maliban sa makinilya ay gumamit din sila ng pisel at isinulat sa
PLAKARD, sa PULANG pintura ang mga kaugnay na salitang nagpapahayag ng
karaingan at pikikibaka.

Ilan sa mga kabataang bumandila sa Panitikang Rebulusyonaryo: Rolando


Tinio, Rogelio Mangahas, Efren Abueg, Rio Alma, Clemante Bautista, atbp.

Nagkamit ng Gawad Palanca noong panahon ng Aktibismo

1970
Unang Parangal: Servando Magdamag ni Ricardo Lee
Pangalawang Parangal: Ang Bangkay sa Dalampagsigan ng mga Uwak
Ni Dominador B. Mirasol
Pangatlong Parangal: Dugo sa Kanyang Pagsilang ni Domingo G. Landicho

1971
Tanging Gawad:
Isang Araw sa Buhay ni Juan Lazaro
ni Jose Reyes Munsayac
Ipis sa Guhong Templo ni Edgardo B. Maranan
Maria, Ang Iyong Anak ni Wilfredo Virtusio

Anda mungkin juga menyukai