Anda di halaman 1dari 2

PAANO KAYA?

Paano kaya kung mabigyan ka ng pagkakataon na makasama yung taong matagal mo nang hinihintay?
Pero may hangganan lang. Sapat na ba yon para mapunan ang mga panahong ginugol mo sa
pagkalumbay?

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pang bigyang hanggan ang pagkakataong nakalaan upang makasama
ang taong matagal ko ng hinihintay.

Hind ko alam kung bakit, sino, o ano ang pumipigil sakin maalis ang limitadong oras sa pagkakataong
maipadama ang pagdaramdam ko para sakanya.

Bakit nga ba?

Bakit nga ba tila pinaglalaruan ako ng tadhana?

Bakit nga ba tila may pumipigil sa akin tungo sa aking kaligayahan sa kanya?

Ako ba?

Siya ba?

Ewan.

Ngunit kung ganon nga naman talaga ang sitwsyon, gagawin ko ang lahat upang ang limitadong oras ay
magmarka ng walang hanggang pag-irog.

Ipapadama ko ang aking pag-ibig sa paraang alam kong mahirap kumawala sa ala ala mo patungkol sa
akin, sa atin.

Ako ang magsisilbi mong gabay sa araw araw,

Nariyan ako pag kailangan mo ng mga kamay na mahahawakan,sa tuwing bababa ka ng hagdan na tila
kilometro ang layot nanghina na ang tuhod mo.

Hahawakan kita, gaya ng paghawak mo sa aking mga kamay nung akoy natututo pa lamang maglakad.

Ako ang magsisilbi mong gabay sa araw araw,

Nariyan ako sa tuwing kailangan mo ng tagaluto, dahil tila nanunusok nusok na ang kamay mo sa tuwing
gagawin ito.

Ipagluluto kita gaya ng paglto mo sa mga baong bitbit ko patungong paaralan at kahit saan man.
Ako ang magsisilbi mong gabay sa araw araw,

Nariyan ako sa mga pagkakataong di mo na mabuhat ang sang tabong tubig para sa pagligo mo sa
kadahilanang hirap ka na sa bigat nito.

Papaliguan kita, gaya ng pagpapaligot alaga nung akoy musmos pa lamang.

Ako ang magsisilbi mong gabay araw araw,

Nariyan ako sa tuwing

Ako ang magsisilbi mong mga mata,

Nariyan ako upang ipamulat ang mas malawak na mundo na ating ginagalawan.