Anda di halaman 1dari 4

Nirmal Bhakti

r Chaitanya araswat Mat Philippines


U.P. Campus, Diliman, Quezon City

Agosto 12, 2017

Mabuhay si r Guru at si r Gaurga

Ang Makasama at Makausap ang mga Vaiavas


ay isa nang Pagpapala
Turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala
Om Viupd rla Bhakti Nirmal chrya Mahrj

Tanong: Ang sabi, dapat magpakita nang mabuting-halimbawa ang mga


nakakatandang deboto, ano-ano po ba ito?

rla chrya Mahrj: Ang tinatanong mo ba ay tungkol sa kanilang


pag-uugali? Alam ninyo, dapat maging mapagkumbaba, mapagtimpi o
matiisin at magalang ang isang nakakatandang deboto. Minsan ay
nagagalit din sila, maaari din nila kayong pagalitan, at itoy para sa inyong
kabutihan, itoy isang asirbad, , pagpapala nila sa inyo, dahil naaawa
sila sa inyo. Marahil nooy madalas ninyong marinig kay Gurudev ang
mga katagang, Sa lahat ng naging disipulo ko, iisa lamang ang maaari ko
talagang pagalitan. Pero ang iba, malamang akoy kanilang layasan pa.
May mga pagkakataon na, maging ang mga nakakatandang deboto ay
nagagalit din sa atin, subalit ang lahat ng itoy para sa ating kabutihan.
Tulad ng halimbawang ito.

Itoy nangyari noong panahon ni Nitynanda Prabhu. Kada taon, ang


mga deboto kasama si Nitynanda Prabhu ay naglalakbay mula Nabadwp

1
patugong Pur. Noong mga panahong iyon ay wala kang masasakyang
kotse, tren o kaya bus papunta sa nasabing lugar kundi lakad lamang.
Magmula sa Nabadwp, dalawang buwan bago dumating ang kapistahan
ng Ratha-yatra silang lahat ay nagsisimula nang maglakad patungo ng
Pur.

Isang araw, bago sila tumulak patungong Pur, kumain muna nang
prasdam sina Nitynanda at Kanyang mga kasamahan, sa bayan ng
Nabadwp. May isang lugar dito na kung tawagin ay Denur, ang lugar na
itoy malapit lamang sa sinilangang bayan ni Gurudev, rla Bhakti Sundar
Govinda Mahrj. Noong makarating sila sa lugar ng Denur, may nakita
silang isang malaking puno ng mangga at doon nila naisipang magpahinga
muna. May isang deboto sa lugar na iyon, si Ramachandra na
napakayaman, at nagmamay-ari nang napakalawak na lupain, at itoy
palaging nagdarasal kay Nitynanda. Si Ramachandra ay mabait at
magiliw na tao. Isang araw bago dumating sina Nitynanda, siyay
nanaginip. Ayon sa kanyang panaginip, darating sa kanilang lugar ang
kanyang Guru. Kinabukasan, napansin niyang maraming deboto ang
dumadating sa kanilang bayan, ibat-iba ang kasuotan, may kulay kahel,
asul, dilaw, at iba pa, at ang iba ay nakaupo sa batuhan sa ilalim ng
punong mangga at nagpapahinga. Ang mga debotong itoy naisipan
niyang puntahan, at nang malapit na siya sa mga nagtutumpukang deboto,
pansin niyang nandoon nga ang kanyang Guru, si Nitynanda. Itoy agad
niyang nilapitan, at pagkalapit siyay agad na dumapa sa lupa at nag-alay
ng panalangin. Pagkatapos, Itoy kanyang pinakiusapan, Prabhu, halika
po kayo at sumilip naman Kayo sa aking tahanan! Marami kami, sagot ni
Nitynanda, Tiyak na hindi Kami magkakasya sa loob ng iyong tahanan.
Masmabuti pa, magdala ka na lang dito ng makakain namin, tulad ng dahl,
kanin, at kami na lang ang magluluto dito ng kichuri. Tulad ng isang
malaking salu-salo, matapos makaluto, lahat ay masayang kumain ng
prasdam.

Pagkakain, tinawag ni Nitynanda Prabhu ang kanyang alalay. Kilala ba


ninyo siya? Sino siya? Hindi bat siyay si Vrndvan Ds hkur! Noong

2
mga panahong iyon, si Vrndvan Ds hkur ay mga labingtatlong-taong
gulang pa lamang, na talagang bata pa, alam ba ninyo siya ang sumulat
nitong r Chaitanya-bhgavat. Ang nanay niya ay si Nrya Dev. Alam
ba ninyo, noong tatlo at kalahating taong gulang pa lamang ang nanay
niya, itoy pinagpala na ni Mahprabhu. Alam ba ninyo kung papaano?
Itoy dahil natikman niya ang tirang-pagkain ni Mahprabhu. Nooy
kumakain ng prasdam si Mahprabhu at nang matapos, ang nanay
naman ni Vrndvan Ds hkur ang umubos.

Matapos magsikain ng prasdam sina Nitynanda sa ilalim ng puno ng


mangga, tinawag nito ang kanyang alalay, at ito nga ay si Vrndvan Ds
hkur, Vrndvan! Nasan na ang panghimagas natin? Agad may
inilabas si Vrndvan Ds hkur sa kanyang bulsa at iniabot sa Panginoon.
Alam ninyo, araw-araw, ugali na ni Nitynanda Prabhu na pagka-kain,
Itoy kumakain ng haritake, ang haritake ay isang uri ng prutas na
pampalinis ng bibig at mabuti din sa pantunaw ng kinain, lalu na kung
madami kang kinain. Kaya noong sinabi ni Nitynanda Prabhu na nasaan
na ang Kanyang panghimagas, alam ni Vrndvan Ds hkur na itoy
haritake. Subalit nagulat si Nitynanda Prabhu dahil meron kaagad na
naiabot sa Kanya si Vrndvan Ds hkur. Aba, ang bilis mo, Bungad ni
Nitynanda Prabhu. Kasi po kahapon noong nandoon po tayo sa
Nabadwp, sagot ni Vrndvan Ds hkur. At habang kumakain po
Kayo ng prasdam, may mga debotong nag-abot po sa akin ng haritake. E,
medyo po marami. Naisip ko po Kayo, tutal madalas po Kayong
maghanap sa akin ng haritake, naisipan kong magtabi ng ilan. Kasi, baka
wala po tayong makitang puno ng haritake sa daan, dagdag ni Vrndvan
Ds hkur. Subalit sa halip na matuwa, nagalit si Nitynanda Prabhu,
Hindi mo ba naisip, ikay isang brahmachr, dapat hindi ka nagtatago ng
kahit anupamang bagay sa katawan, at para ilaan sa darating na araw.
Itoy para lamang sa isang taong may pamilya. Siguro masmainam maiwan
ka na lang dito. Mag-asawa ka na lang at dito ka na tumira.

Ano sa palagay ninyo, totoo ba talagang nagalit sa kanya si Nitynanda


Prabhu? Hindi po. Itoy isang palabas lamang. Ang totoo, ang gusto ni

3
Nitynanda Prabhu ay ipagpatuloy ni Vrndvan Ds hkur ang
pangangaral sa Nabadwp, dito na siya pumirmis. At ito po ay isang uri ng
pagpapala sa kanya.

Ang insidenteng itoy nangyari sa lugar ng Denur, itoy mga isang


kilometro ang layo sa bayan ng Bamanpura, sa lugar kung saan
ipinanganak ni Gurudev. Kilalang-kilala ang lugar na ito. Doon sa lugar na
iyon sinulat ni Vrndvan Ds hkur ang kanyang aklat na r Chaitanya-
bhgavat. At hanggang ngayon ay naroroon pa rin at nakatago ang
orihinal na sipi nito, na kanyang sulat-kamay pa mismo.

Anda mungkin juga menyukai