Anda di halaman 1dari 8

PANITIKAN SA REHIYON

II

IPINASA KAY:
DR. REMDIOS DALIPE- FUENTES

IPINASA NINA:
BALUYUT, CLEO ANN
CUARES, STEPHEN ALIGARES
HERMOSA, MARIA GEMMA LOU
REHIYON II: CAGAYAN VALLEY

Ang Cagayan ay nasa lambak ng Cagayan sa Luzon. Matatagpuan ito sa hilagang

silangan ng pulo ng Luzon. Ang rehiyon ito ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa

hilagang Luzon, na kung saan nasa pagitan ito ng kabundukan ng Cordillera Sentral at ng

Sierra Madre. Tuguegarao ang kabisera ng Cagayan.

Ang kanilang wikang ginagamit ay Ibanag, Ilawit, Malaweg, at Ilokano. Ang mga

sumusunod ay ang lalawigan ng Cagayan at ang mga kabisera nito:

1. Batanes Basco

2. Cagayan Tuguegarao

3. Isabela Ilagan

4. Nueva Vizcaya Bayombong

5. Quirino Cabarroguis

A. Mga Katutubo sa Rehiyon II:


1. IVATAN ang tawag nila sa kanilang mga sarili ay isa sa mga pinakamatanda sa

buong Pilipinas.
2. Gaddang at Ibanag sa Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya

3. Dumagat ang dumagat ay isa sa pinakamahalagang pangkat etniko sa rehiyong ito.

- sila ang pinagmulang lahing Kayumanggi ng mga Pilipino.

- sila din ang unang pangkat na naglakbay lamang sa lupa at gumamit ng tulay.

Hindi sila naglakbay sa kahit anong uri ng anong tubig.


4. Isneg

B. Likas na Yaman Mineral ng Rehiyon

1. Bakal

2. Pilak

3. Ginto
4. Limestone

5. Manganese

6. Graba at bato

C. Mga Produkto ng Rehiyon

1. Tabako, palay, mais

2. Gulay at prutas

3. Kape

4. Cacao

5. Sibuyas

6. Rattan at kawayan

D. Mga Anyo ng Literatura sa Rehiyon II

1. EPIKO

Ang literatura ng Ibanag, tulad ng iba pang literatura sa ibang rehiyon ay

nagpapakita ng mga nararamdaman ng mga Cagayanos. Ang isa sa pinaka tanyag

na epiko sa Cagayan ay ang kuwento ni Biuag at Malana o "Biuag anni Malana"

sa lokal na dayalekto.

* Ayon kay E. Arsenio Manuel, ang mga epiko ay karaniwang nagtataglay ng

sumusunod: a.) kuwentong may kahabaan

b.) base sa tradisyong pasalita


c.) umiikot sa mga di-natural at kagilagilalas na pangyayari o

kabayanihan

d.) nasa anyong berso

e.) maaaring chanted o kinakanta

f.) mayroong ganap at seryosong pakay, kumakatawan o

nagpapatunay sa mga paniniwala, tradisyon, o mga gabay sa buhay ng mga tao.

2. AWIT

Ang mga awit ay mga kantang para sa pag-ibig at madalas ang mensaheng

dinadala nito ay pangako, pagtatapat, paninigurado, mga pagtuturo at pag-alalay

Ang paglawig ng mga kantang galing sa mga Ibanag at ang kumakanta nito

ay umabot sa pinakamataas nitong antas noong panahon kung saan ang mga lalaki

o "babbagitolay" ay nanghaharana sa mga babae o "magingnganay" na

natitipuhan nila.

HAL. PAGAYAYA

Pagayaya ay a metallugaring

I pattaradde tam ngamin,

Pagayaya I palu paggia

Pangawanan ta zigariga,

Pare nakuan tu yao nga gayam,

Makeyawa tam mulamuagang


Kegafuanan na kapawan

Na ziga nganufulotan.

3. SALAWIKAIN

Ang mga salawikaing Ibanag o "unoni" sa lokal na dayalekto ay pwedeng

isang prosa o maaari rin itong tula. Ito ay paturo at kinapupulutan ng aral.

HAL. Mamatugu ka ta gayan nga manututtu ta matam. (You rear a crow that

pecks your eyes.)


4. BUGTONG

Ang "palavvun" o bugtong ay ginagamit nang mga Ibanag bilang isang

anyong pang-kasiyahan o kung sa ibang kaso, maaari rin itong isang anyo ng

tagisan ng talino.
HAL. Nu magitubang atannang, nu manaddak, alinno. (When it sits, it is tall,

when it stands it is small). Sagot : aso

Anda mungkin juga menyukai