Anda di halaman 1dari 2

Ang Tigre at ang Lobo

Isang araw ay nahuli ng Tigre ang isang Lobo sa kasukalan.


Kakainin na sana ng mabangis na Tigre ang kaniyang huli nang
itaas ng Lobo ang kaniyang leeg at nagwikang, Teka, teka.
Alam mo bang kaproproklama lamang ng mga Bathala na ako
na raw ngayon ang Hari ng Kagubatan?
Ikaw? Hari ng mga Hayop? hindi makapaniwalang sabi ng
Tigre.
Kung hindi ka naniniwala ay sumama ka at maglakad tayo sa
buong kagubatan. Tingnan mo lang kung hindi matakot ang
lahat makita lang ako!

Hindi malaman ng Tigre kung paniniwalaan ba o hindi ang


tinuran ng Lobo.
Mayabang na lumakad sa harapan ng Tigre ang Lobo. Nang
ayain ng Lobo ang Tigreng umikot sa kagubatan ay napasunod
ito.
Malayo pa lamang sa mga Usa ay kumaway-kaway na ang Lobo
sa mga hayop na may mahahabang sungay. Takot na
napatakbong papalayo ang mga Usa. Ganoon din ang naging
reaksiyon ng mga Kambing, ng mga Kuneho at ng mga
Tsonggo.
Takot ding nagsilayo ang mga Baboydamo at mga Kabayo.
Takang-taka ang Tigre.
Nang magtakbuhan sa sobrang takot ang mga hayop ay
mayabang na nagsalita ang Lobo, Kaibigan, naniniwala ka na
bang ako na nga ang Hari ng Kagubatan?
Napansin ng Tigre na kapag lumalapit na silang dalawa sa mga
hayop ay lagi at laging nasa likod niya ang tusong Lobo.
Napag-isip-isip niyang hindi sa Lobo takot ang Usa, ang
Kambing at Kuneho. Hindi rin dahil dito kaya kumaripas ng
takbo ang Tsonggo, ang Baboyramo at Kabayo. Nang manlisik
na ang mga mata ng Tigre at magsitayo na ang mga balahibo
nito sa galit ay mabilis pa sa alaskwatrong nagtatakbong
papalayo ang takut na takot na Lobo.

Aral: Dapat na maging mapanuri upang malaman ang layunin ng


mga taong nakapaligid sa atin.

Anda mungkin juga menyukai