Anda di halaman 1dari 4

Ang Alamat ng Bulaklak

Noong unang panahon, may isang batang babae na mahilig maglaro. Ang
kaniyang pangalan ay Lala. Halos buong araw siya nasa labas naglalaro.
Pumapasok lang siya sa bahay kapag kakain, maliligo at matutulog. Minsan
ayaw niya maligo dahil tinatamad kaya nagpapalit lang siya ng damit at
naglalaro ulit. May mga araw din naman na hindi siya pinapayagan ng mga
magulang niya maglaro dahil hindi na siya nakakatutok sa pag-aaral niya
pero hindi siya nakinig, tumakas siya at nakipaglaro sa mga kaibigan niya.
Bumaba ng bumaba and kanayang mga grade. Lagi na rin siya inaasar ng
kaniyang mga kaklase sa sobrang itim niya. Pero wala siyang paki kasi sabi
niya masaya naman daw siya sa ginagawa niya. Isang araw, pinatawag ng
punong guro ang kaniyang mga magulang dahil sa sobrang pagbaba ng
mga grade niya. Pinagsabihan siya at pinagbawalan na siya maglaro sa
labas habang hindi tumataas ang kanyang mga grade. Pero hindi niya ito
pinakinggan. Habang nasa trabaho ang kanyang mga magulang,
tinatakasan niya ang kanyang yaya. Habang naglalaro sila ay may
nakatingin sa kanila na babae at sinabihan ito na umuwi na pero ang sabi
niya ayaw ko. Nagkaroon ng usok sa kanyang paligid at sa isang iglap ay
naging bulaklak siya... Simula ngayon ay hindi niya na kailangan lumabas.
Hindi niya na rin kailangan maligo dahil ang mga tao na mismo ang
magpapaligo sakanya araw-araw. Natuto na rin ang kanyang mga kaibigan
kaya naglalaro na lang sila kapag walang pasok o kaya pinayagan sila ng
kanilang magulang.
Alamat ng Katana

Bago ang panahon ng mga metal na armas, ang ginagamit na


pang protekta sa kanilang sarili at mga pananim ng isang malayong nayon
ay espadang patpat. Si Kiru ang tinaguriang pinakamagaling na
mandirigma at guro sa sining ng patpat. Nakapangasawa si Kiru ng isang
magandang dilag na nagngangalang Katsume at nag bunga ang kanilang
pagmamahalan ng kambal na sina Kat at Ana. Ang kanilang ama ay
nanghinayang na puro babae ang kanyang mga anak at walang
magmamana ng kanyang posisyon bilang pinakamagaling na mandirigma
at guro sa nayon nila. Ngunit dahil sa kagustuhan ng kambal na ipagmalaki
sila ng kanilang ama ay nagsanay sila ng palihim.
Ang nayon ng Midea ay katabi ng isang baryo sa tabing dagat. Isang
kabilugan ng buwan ay tumakas ang kambal mula sa kanilang bahay at
natutulog nilang mga magulang upang magsanay gamit ang patpat. Sa
kalagitnaan ng gabi ay may dumakong barko sa baryo malapit sa Midea na
may dalng mga metal at sakay na mga pirata. Sinunog nila ang mga
kabahayan at nakita ng kambal ang ilaw mula sa apoy, ng makabalik sila
ay nadatnan ng kambal ang nasusunog nilang bahay. Sa kanilang galit ay
sinugod nila ang barko at nakitang walang tao rito kaya naisipan nilang ito
na ang kanilang pagkakataon na gumanti habang wala pa ang mga pirata.
Ninakaw at tinago nila ang mga metal na nasa barko at sinunog nila ang
barko bilang ganti sa kanilang bahay at mga magulang. Bago paman sila
maka takas ay naabutan sila ng mga pirata at hinabol sila patungo sa lugar
kung saan nakatago ang mga metal. Naiwan nila ang mga patpat sa
nasusunog na barko kung kayat naisipan nilang gamitin ang mga
mahahabang metal na ninakaw nila mula sa mga pirata at ginamit na
pandepensa sa kanilang mga sarili. Natalo nila ang mga pirata ngunit may
ilang mga nakatakas.

Nailigtas nila ang Midea at ang bayan at hinirang silang mga bayani.
Ipinangalan sa kanila ang mahahabang metal na ginamit bilang armas, at
ipinampalit ito sa kanilang mga patpat. Kalaunan, ang Katana ay pinatulis
upang mas medaling makasakit ng mga kalaban at binalot din ang dulo
nito upang gawing hawakan.

Mula noon, ang Katana na ang kanilang ginamit bilang pandepensa.


Alamat ng Pamaypay

Sa isang malayong lugar, may mag-asawa, tahimik at namumuhay. Biniyaan sila ng


malulusog na kambal at pinangalanan sila ng Pay at May. Pinaggigiliwan ng kambal.
Ngunit habang sila'y lumalaki, palagi silang nag-aaway. Ang mag-asawa ay nagkaroon
ng problema dahil sa kanila.

Isang araw, dumating ang isang kalamidad. Walang ulan. Ang kanilang lugar ay naging
tagtuyot. Ang mga tao ay nagdadasal upang magkaroon ng malakas na simoy ng
hangin at ulan. Ang Bathala ay nagsabi na magkaroon lamang ng malakas na hangin at
ulan kung angn lahat ng tao sa lugar nila ay magkakasundo. Ngunit ang kambal ay
nag-aaway at nag-aaway parin dahil sa inggit nila sa isa't isa, makasarili sila at ito ang
isa sa mga pinaka ayaw ng Bathala.

Sabi ng Bathala sa kanilang dalawa, "Kapag hindi pa kayo nagkakabati pagkatapos ng


tatlong parusa, mamamatay agad kayo hindi dahil sa init kundi sa mga kasalanan
ninyo." Pero hindi naniwala ang mga kambal sa Bathala. Patuloy parin silang nag
aaway.

Gabi na nang matapos ang kanilang pag-aaway. Natulog na silang dalawa pagkatapos
ng ritwal nila ng gabi. Kinaumagahan, dumating na ang kanilang unang parusa. Nang
dumatig ang kanilang unang parusa ay sobrang nagulat ang kambal dahil ang kanilang
buhok ay nawala. Kalbo na ang mag kambal. Dahil sa kanilang sitwasyon ngayon,
muling nag-away nanaman ang dalawang bata. Nag-aaway dahil sa suklay. Ang bunga
ng kanilang pag- aaway ay ang kanilang pangalawang parusa. Ang kanilang
pangalawang parusa ay nagiging butiki ng gabi si Pay at nagiging baboy naman si May
ng umaga. Naging kalahating-tao at kalahating-hayop na silang dalawa.

Nang nalaman ng kanilang ina ang sitwasyon ng kanyang mga anak na kambal ay
umiyak siya. Pumunta pa sila sa mga ospital, ngunit walang gamot para gumaling at
mailagay sa normal na pamumuhay ang kanyang mga anak. Nang makarating na sila sa
bahay nila, nagsalita ang ina, "Alam niyo mga anak, kung matagal na kayong
nagkabati, sana hindi nangyari ito."

Pangatlong parusa. Patuloy ang pag-aaway ng kambal dahil sa hindi na talaga titigil.
Kinausap sila ng Bathala, "Gusto ko sana kayong tulungan, kaya bibigyan ko kayo ng
isa pang pagkakataon. Mag-isip isip kayo ng isang bagay na ipaglaban sa init."

Napagisip-isip ang kambal at nagtutulungan. Kumuha sila ng maraming kawayan at


hinati nila ito ng pahaba at ginawang manipis. Pagkatapos, pinagdugtong-dugtong nila
ang mga ito at tinawag na "Pamaypay" galing sa mga pangalan nila 'Pay' at 'May'. At ito
na rin ang naging paraan para magkabati ang magkambal. At mula noon, natanggal na
ang kanilang sumpa na dumating sa kanilang buhay.
Alamat ng Kwintas

Sa isang malayong lugar, may mag-asawa, tahimik at namumuhay. Biniyaan sila ng malulusog
na kambal at pinangalanan sila ng Pay at May. Pinaggigiliwan ng kambal. Ngunit habang sila'y
lumalaki, palagi silang nag-aaway. Ang mag-asawa ay nagkaroon ng problema dahil sa kanila.

Isang araw, dumating ang isang kalamidad. Walang ulan. Ang kanilang lugar ay naging
tagtuyot. Ang mga tao ay nagdadasal upang magkaroon ng malakas na simoy ng hangin at
ulan. Ang Bathala ay nagsabi na magkaroon lamang ng malakas na hangin at ulan kung angn
lahat ng tao sa lugar nila ay magkakasundo. Ngunit ang kambal ay nag-aaway at nag-aaway
parin dahil sa inggit nila sa isa't isa, makasarili sila at ito ang isa sa mga pinaka ayaw ng
Bathala.

Sabi ng Bathala sa kanilang dalawa, "Kapag hindi pa kayo nagkakabati pagkatapos ng tatlong
parusa, mamamatay agad kayo hindi dahil sa init kundi sa mga kasalanan ninyo." Pero hindi
naniwala ang mga kambal sa Bathala. Patuloy parin silang nag aaway.

Gabi na nang matapos ang kanilang pag-aaway. Natulog na silang dalawa pagkatapos ng ritwal
nila ng gabi. Kinaumagahan, dumating na ang kanilang unang parusa. Nang dumatig ang
kanilang unang parusa ay sobrang nagulat ang kambal dahil ang kanilang buhok ay nawala.
Kalbo na ang mag kambal. Dahil sa kanilang sitwasyon ngayon, muling nag-away nanaman ang
dalawang bata. Nag-aaway dahil sa suklay. Ang bunga ng kanilang pag- aaway ay ang kanilang
pangalawang parusa. Ang kanilang pangalawang parusa ay nagiging butiki ng gabi si Pay at
nagiging baboy naman si May ng umaga. Naging kalahating-tao at kalahating-hayop na silang
dalawa.

Nang nalaman ng kanilang ina ang sitwasyon ng kanyang mga anak na kambal ay umiyak siya.
Pumunta pa sila sa mga ospital, ngunit walang gamot para gumaling at mailagay sa normal na
pamumuhay ang kanyang mga anak. Nang makarating na sila sa bahay nila, nagsalita ang ina,
"Alam niyo mga anak, kung matagal na kayong nagkabati, sana hindi nangyari ito."

Pangatlong parusa. Patuloy ang pag-aaway ng kambal dahil sa hindi na talaga titigil. Kinausap
sila ng Bathala, "Gusto ko sana kayong tulungan, kaya bibigyan ko kayo ng isa pang
pagkakataon. Mag-isip isip kayo ng isang bagay na ipaglaban sa init."

Napagisip-isip ang kambal at nagtutulungan. Kumuha sila ng maraming kawayan at hinati nila
ito ng pahaba at ginawang manipis. Pagkatapos, pinagdugtong-dugtong nila ang mga ito at
tinawag na "Pamaypay" galing sa mga pangalan nila 'Pay' at 'May'. At ito na rin ang naging
paraan para magkabati ang magkambal. At mula noon, natanggal na ang kanilang sumpa na
dumating sa kanilang buhay.

Anda mungkin juga menyukai