Anda di halaman 1dari 4

ANG PAGBABASBAS AT PAGSUSUGO NG MGA KASAPI NG

DALAW PATRON SA KAPITBAHAYANG KRISTIYANO


PARA SA MGA KABATAAN

Ang pagbabasbas ay gaganapin pagkatapos ng Panalangin Pagkapakinabang. Tatawagin


ng Tagapag-ugnay ang mga kasapi ng DPKK.

Tagapag-ugnay ng DPKK.
Hinihiling na lumapit ang mga kasapi
ng Dalaw Patron sa Kapitbahayang Kristiyano
para sa mga kabataan.
Lalapit sa harap ng kura paroko ang mga kasapi ng DPKK.

Minamahal naming Kura Paroko,


hinihiling po namin ang inyong pagbabasbas
sa ikatatagumpay ng aming misyon
upang higit pang ilapit sa Diyos at sa Simbahan
ang mga kapwa namin kabataan.
Kura Paroko.
Mga kapatid, isinugo ng Ama
ang ating Panginoong Hesukristo
upang ilapit muli sa Diyos
ang sangkatauhang nagkasala at napalayo sa kanya.
Noong kapiling pa natin
ang Panginoong Hesus dito sa lupa,
ninais niya na lumapit sa kanya
ang mga bata at kabataan.
Sinabi rin niya na siya ay dumating
upang muling ilapit ang kalooban ng mga anak
sa kanilang mga magulang.
Siya ay dumating
hindi upang alisin ang mga mahihina,
kundi upang palakasin ang kanilang pananampalataya.
Ngayon, isinusugo kayo ng Inang Simbahan
sa ngalan ng ating Panginoong Hesukristo.
Ang gawaing iniatas sa inyo ay muling ilapit sa Diyos
ang mga kapwa ninyo kabataan na napalayo sa kanya.
Gagawin ninyo ito
sa pamamagitan ng pagsama sa kanila sa pananalangin,
ngunit higit sa lahat,
sa pamamagitan ng inyong mabuting halimbawa.
Bago kayo isugo, ipahayag muna ninyo
ang inyong kusang pag-ako sa gawaing ito
sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga sumusunod na katanungan:
Lalapit sa harap ng kura paroko ang mga kasapi ng DPKK.

Nakahanda ba kayo
na maging mga saksi sa kabutihan at pag-ibig ng Diyos
sa mga kabataan at pamilyang pupuntahan ninyo
sa pamamagitan ng inyong mabuting halimbawa,
pagkilos, at pag-uugali?
Mga kasapi ng DPKK. Opo, nakahanda kami.
Kura Paroko.
Nakahanda ba kayo
na samahan sila sa pananalangin
at pagninilay sa Salita ng Diyos?
Mga kasapi ng DPKK. Opo, nakahanda kami.
Kura Paroko.
Nakahanda ba kayo,
tulad ng Panginoong Hesukristo,
na maka-isa ng mga kabataan at pamilyang
makakadaupang-palad ninyo
sa kanilang mga suliranin at pagsubok sa buhay?
Mga kasapi ng DPKK. Opo, nakahanda kami.
Kura Paroko.
Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos,
magbunga nawa ang gawain
na ngayon ay inyong inaako,
kaya tanggapin ninyo ang kaniyang pagpapala:
Mananalangin ang kura paroko na nalukob ang mga kamay sa mga babasbasan.

Panginoong Diyos,
pinagmumulan ng lahat ng mabubuting bagay,
isinugo mo ang iyong anak na si Hesukristo
upang makipamuhay sa amin
at ipahayag ang kanyang balita
ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig
sa lahat ng mga bansa.
Sa iyong kagandahang loob
basbasan mo ang aming mga kapatid
na may taglay na atas na ilapit muli sa iyo
ang mga kapwa nila kabataan.
Palakasin mo sila ng iyong mga kaloob
upang maibahagi nila ang pag-ibig
na nanggagaling sa iyo
sa pamamagitan ng salita at mabuting halimbawa.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
R. Amen.

Pagkatapos ng panalangin maaring bigyan ng krus ang bawat kasapi ng DPKK.

Anda mungkin juga menyukai