Ang kabanatang ito ay naglalaman ng pamamaraang ginamit sa pag-aaral
pamamaraan sa pagpali ng respondante, instrumentong ginamit sa pananaliksik, ginawang pagpapatibay ng instrument at estadistikong ginagamit.
Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng deskriptibong paraan ng pag-aaral. Ang
kaangkupan ng pamamaraang ito na masuri ang epekto ng social media sa mga mag- aaral sa Rizal Technological University na nasa kursong Accountancy.
Ayon kay Sanchez sa aklat ni Alipio Garcia (2003), ang deskriptibong
pananaliksak ay kinabibilangan ng lahat ng mga pag-aaral na magpapakahulugan sa kasalukuyang katotohanan na may kinalaman sa kaligiran at kalagayan ng anumang paksa.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pamamaraan sa
pamamagitan ng isang talatanungan. Pinananindigan ng mga mananaliksik na ito ang mabisang paraan upang matukoy ang epekto ng social media sa mga mag-aaral sa Rizal Technological University na nasa kursong Accountancy.
Pagpili ng Respondante
Ginamit ng mga mananaliksik ang paraang sistematiko sa pagpili ng mga
respondante. Ang sistematikong pamamaraan sa pagpili ng respondante ay isang metodolohiya kung saan sila ay galing sa isang malaking populasyon at pinili ayon sa ninanais na bilang ng respondante.
Instrumentong Gagamitin
Ang mga mananaliksik ay gagamit ng mga instrumentong naglalaman ng ibat
ibang katanungan na siyang magiging sukatan ng kabuuang resulta. Ito ay sariling gawa ng mga mananaliksik. Pagpapatibay ng Instrumento
Ang mga mananaliksik ay hihingi ng konsultasyon sa ilang mga guro sa
Accountancy. Magbibigay at magpapasagot ng ilang katanungan sa mga mag-aaral ng Rizal Technological University ng kursong Accountancy upang magamit ang mga makukuhang datos sa pagpapatibay ng instrumento.
Pangangalap ng datos
Ang pananaliksik na ito ay magkakaroon ng limampung (50) kabuoang? bilang
ng mga respondanteng kukunin. Magsisimula ang pag-aaral sa pagbibigay ng mga instrumentong naglalaman ng mga katanungan na magsisilbing pagtataya ng resulta. Matapos itong masagawa ang mga mananaliksik ay magtataya ng resulta upang malaman ang epekto ng social media sa mag-aaral.
Estaditikang Gagamitin Pormula sa Porsyento ng bawat Epekto ng Social Media
Gagamit ang mga mananaliksik ng pormula upang malaman ang porsyento ng
bawat epekto ng social media sa mga mag-aaral. Babatayin ito sa pormulang nabuo ng mga mananaliksik