Anda di halaman 1dari 7

Alamat ni Tungkung Langit

Hindi makapaniwala ang mga tao noon na wala naman talagang langit at lupa. Ako, si Alunsina, at ang
asawa kong si Tungkung Langit ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Kaming dalawa lamang ang pinag-
ugatan ng buhay. Mula sa kaibuturan ng kawalan, itinakda ng aming kasaysayan ang paglitaw ng daigdig
ng mga tao.

Nabighani si Tungkung Langit nang una niya akong makita. Katunayan, niligawan niya ako nang
napakatagal, sintagal ng pagkakabuo ng tila walang katapusang kalawakan na inyong tinitingala tuwing
gabi. At paanong hindi mapaiibig si Tungkung Langit sa akin? Mahahabat mala-sutla ang buhok kong
itim. Malantik ang aking balakang at balingkinitan ang mahalimuyak na katawan. Higit sa lahat, matalas
ang aking isip na tumutugma lamang sa gaya ng isip ni Tungkung Langit.

Kaya sinikap ng aking matipunot makapangyarihang kabiyak na dalhin ako doon sa pook na walang
humpay ang pag-agos ng dalisay, maligamgam na tubigan. Malimit kong marinig ang saluysoy ng tubig,
na siya ko namang sinasabayan sa paghimig ng maririkit na awit. Napapatigalgal si Tungkung Langit
tuwing maririnig ang aking tinig. Alunsina, aniya, ikaw ang iibigin ko saan man ako sumapit!
Pinaniwalaan ko ang kaniyang sinambit. At ang malamig na simoy sa paligid ang lalo yatang nagpapainit
ng aming dibdib kapag kamiy nagniniig.

Napakasipag ng aking kabiyak. Umaapaw ang pag-ibig niya; at iyon ang aking nadama, nang sikapin
niyang itakda ang kaayusan sa daloy ng mga bagay at buhay sa buong kalawakan.

Iniatang niya sa kaniyang balikat ang karaniwang daloy ng hangin, apoy, lupa, at tubig. Samantalay
malimit akong maiwan sa aming tahanan, na siya ko namang kinayamutan. Bagaman inaaliw ko ang sarili
sa paghabi ng mga karunungang ipamamana sa aming magiging anak, hindi mawala sa aking kalooban
ang pagkainip. Wari ko, napakahaba ang buong maghapon kung naroroon lamang akot namimintana sa
napakalaki naming bahay.

Madalas akong gumawi sa aming pasigan, at manalamin sa malinaw na tubig habang sinusuklay ang
mababangong buhok. Ngunit tuwing tititig ako sa tubig, ang nakikita koy hindi ang sarili kundi ang
minamahal na si Tungkung Langit.

Sabihin nang natutuhan ko kung paano mabagabag. Ibig kong tulungan ang aking kabiyak sa kaniyang
mabibigat na gawain. Halimbawa, kung paano itatakda ang hihip ng hangin. O kung paano mapasisiklab
ang apoy sa napakabilis na paraan. O kung paano gagawing malusog ang mga lupain upang mapasupling
nang mabilis ang mga pananim. Ngunit ano man ang aking naisin ay hindi ko maisakatuparan.
Tumatanggi ang aking mahal. Dito ka na lamang sa ating tahanan, Alunsina, di ko nais na makita kang
nagpapakapagod!

Tuwing naririnig ko ang gayong payo ni Tungkung Langit, hindi ko mapigil ang maghinanakit. Kaparis
ko rin naman siyang bathala, bathala na may angkin ding kapangyarihan at dunong. Tila nagtutukop siya
ng mga tainga upang hindi na marinig ang aking pagpupumilit. Nagdulot iyon ng aming pagtatalo. Ibig
kong maging makabuluhan ang pag-iral. At ang pag-iral na yaon ang sinasagkaan ng aking
pinakamamahal.
Araw-araw, lalong nagiging abala si Tungkung Langit sa kaniyang paggawa ng kung ano-anong bagay.
Makikita ko na lamang siyang umaalis sa aming tahanan nang napakaaga, kunot ang noo, at tila laging
malayo ang iniisip. Aaluin ko siya at pipisilin naman niya ang aking mga palad . Mahal kong Alunsina,
kapag natapos ko na ang lahat ay wala ka nang hahanapin pa! At malimit nagbabalik lamang siya kapag
malalim na ang gabi.

Sa mga sandaling yaon, hindi ko mapigil ang aking mga luha na pumatak; napapakagat-labi na lamang
ako habang may pumipitlag sa aking kalooban.

Dumating ang yugtong nagpaalam ang aking kabiyak. Alunsina, may mahalaga akong gawaing
kailangang matapos, ani Tungkung Langit. Huwag mo na akong hintayin ngayong gabit maaga kang
matulog. Magpahinga ka. Magbabalik din agad ako. . . . May bahid ng pagmamadali ang tinig ng aking
minamahal. Lingid sa kaniya, nagsisimula nang mamuo sa aking kalooban ang matinding paninibugho sa
kaniyang ginagawa. Umalis nga si Tungkung Langit at nagtungo kung saan. Subalit pinatititikan ko siya
sa dayaray upang mabatid ang kaniyang paroroonan. Ibig ko siyang sundan.

Natunugan ni Tungkung Langit ang aking ginawa. Nagalit siya sa dayaray at ang dayaray ay isinumpa
niyang paulit-ulit na hihihip sa dalampasigan upang ipagunita ang pagsunod niya sa nasabing bathala.
Samantala, nagdulot din yaon ng mainit na pagtatalo sa panig naming dalawa.

Ano ba naman ang dapat mong ipanibugho, Alunsina? asik ni Tungkung Langit sa akin. Ang
ginagawa koy para mapabuti ang daloy ng aking mga nilikha sa daigdig ng mga tao! Napoot ang aking
kabiyak sa akin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang paglalagablab, at lumalabas sa kaniyang bibig ang
usok ng pagkapoot. Dahil sa nangyari, inagaw niya sa akin ang kapangyarihan ko. Ipinagtabuyan niya ako
palabas sa aming tahanan.

Oo, nilisan ko ang aming bahay nang walang taglay na anumang mahalagang bagay. Nang lumabas ako
sa pintuan, hindi na muli akong lumingon nang hindi ko makita ang bathalang inibig ko noong una pa
man. Hubad ako nang una niyang makita. Hubad di ako nang kamiy maghiwalay.

Alam kong nagkamali ng pasiya si Tungkung Langit na hiwalayan ako. Mula noon, nabalitaan ko na
lamang na pinananabikan niya ang paghihintay ko sa kaniya kahit sa gitna ng magdamag; hinahanap niya
ang aking maiinit na halik at yakap; pinapangarap niyang muling marinig ang aking matarling na tinig;
inaasam-asam niya na muli akong magbabalik sa kaniyang piling sa paniniwalang ibig kong makamit
muli ang kapangyarihang inagaw niya sa akin. Ngunit hindi.

Hindi ko kailangan ang aking kapangyarihan kung ang kapangyarihan ay hindi mo rin naman magagamit.
Hindi ko kailangan ang kapangyarihan kung magiging katumbas iyon ng pagkabilanggo sa loob ng bahay
at paglimot sa sariling pag-iral.

Ipinaabot sa akin ng dayaray ang naganap sa dati naming tahanan ni Tungkung Langit. Sinlamig ng bato
ang buong paligid. Pumusyaw ang dating matitingkad na palamuti sa aming bahay. Lumungkot nang
lumungkot si Tungkung Langit at laging mainit ang ulo. Mabuti naman, sabi ko sa dayaray. Ngayon,
matututo rin si Tungkung Langit na magpahalaga sa kahit na munting bagay.

Umaalingawngaw ang tinig ni Tungkung Langit at inaamo ako dito sa aking bagong pinaghihimpilan
upang akoy magbalik sa kaniya. Ayoko. Ayoko nang magbalik pa sa kaniya. Kahit malawak ang puwang
sa aming pagitan, nadarama ko ang kaniyang paghikbi. Oo, nadarama ko ang kaniyang pighati. Lumipas
ang panahon at patuloy niya akong hinanap. Ngunit nanatili siyang bigo.

Ang kaniyang pagkabigo na mapanumbalik ang aking pagmamahal ay higit niyang dinamdam. Nagdulot
din yaon sa kaniya upang lalong maging malikhain sa paghahanap. Akala niyay maaakit ako sa kaniyang
gawi. Habang nakasakay sa ulap, naisip niyang lumikha ng malalawak na karagatan upang maging
salamin ko. Hindi ba, aniya, mahilig si Alunsina na manalamin sa gilid ng aming sapa? Nababaliw si
Tungkung Langit. Hind gayon kababaw ang aking katauhang mabilis maaakit sa karagatan.

Pumaloob din si Tungkung Langit sa daigdig na nilikha niya na laan lamang sa mga tao. Naghasik siya ng
mga buto at nagpasupling ng napakaraming halaman, damo, palumpong, baging, at punongkahoy.
Marahil, maiibigan ito ni Alunsina, ang tila narinig kong sinabi niya. Gayunman, muli siyang nabigo
dahil hindi ako nagbalik sa kaniyang piling.

Humanap pa ng mga paraan ang dati kong kabiyak upang paamuin ako. Halimbawa, kinuha niya sa dati
naming silid ang mga nilikha kong alahas. Ipinukol niya lahat ang mga alahas sa kalawakan upang
masilayan ko. Naging buwan ang dati kong ginintuang suklay; naghunos na mga bituin ang mga hiyas
kot mutya; at naging araw ang ginawa kong pamutong sa ulo. Kahit ano pa ang gawin ni Tungkung
Langit, hindi na muli akong nagbalik sa kaniyang piling.

Namighati siya. At nadama niya kung paanong mamuhay nang mag-isa, gaya lamang ng naganap sa akin
dati doon sa aming tirahan. Lumuha nang lumuha si Tungkung Langit, at ang kaniyang pagluha ay
nagdulot sa unang pagkakataon ng pag-ulan. Kapag siyay humahagulgol, nagbubunga yaon ng malalakas
na pagkulog at pagkidlat. May panahong tumitindi ang kaniyang pighati, kaya huwag kayong magtaka
kung bakit umuulan. Ang mga luha ni Tungkung Langit ang huhugas sa akin, at sa aking kumakawag na
supling.
Sandosenang Sapatos ni Luis P. Gatmaitan, M.D.

Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami ang
pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay
ang mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga
sapatos.

Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!

Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.

Parang may madyik ang iyong kamay!

Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay. Bihirang magsalita.

Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay kinaiinggitan ako ng mga kalaro at
kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag
pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa niya ako ng
ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.

Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko. Sa kin napupunta
lahat ng pinagkaliitan nya, himutok ng isang kaklase.

Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay na magkaroon ako ng
kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang matagal nilang dasal na masundan ako.

Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa na kaming igagawa ni
Tatay ng sapatos ngayon.

Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.

Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak natin!

Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet . Gusto kong magkaanak ngballet dancer ! Ngayon pa
lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang- ballet .

Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang makita ang bago kong
kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang dalawang paa!

Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko. Siguro raw ay binalak na
ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga
mapinsalang gamot ang kanyang mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal
na itong sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika.

Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?


Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measleshabang ipinagbubuntis ko pa
lang ang kapatid mo. At.iyon ang naging epekto, malungkot na kuwento ni Nanay.

Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganun ang naiisip ko
kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet
school (dati kasi, ayaw kong mag-ballet). Pero.

Misis, bakit hindi nyo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa banduria class? Hindi
yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw, sabi ng titser ko sa Nanay ko.

Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga pangarap na
masyadong mailap.

Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay Bunso.
Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mama na nakakita kay Susie.

Tingnan nyo o, puwedeng pang-karnabal yung bata! turo nito kay Susie.

Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang nakitang nagsalubong ang
mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito. Anong problema mo, ha?

Mabutit napigilan siya ni Nanay.

Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama , narinig kong kinakausap ni Tatay si Susie.

Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo na lumaki kang
mabuting tao.at buo ang tiwala sa sarili. Masuyo niya itong hinalikan.

Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag sinusukatan niya ang
paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa kuna.

Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni Tatay. bulong ko sa
kanya.

Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isat isa. Hindi naging hadlang ang kawalan niya ng paa para
makapaglaro kami. Marami namang laro na di nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa
sungka, jackstone ,scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag may nanghaharot sa
kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!

Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang aming kamay kaysa aming
mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang
magaling sa kanya!

Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang sapatos. Napakaganda raw
nito sa kanyang mga paa.

May paa siya sa panaginip? gulat na tanong ko sa sarili.


Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may dekorasyong
sunflower sa harap!

Magbebertdey siya noon . At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang kaarawan, nananaginip siya
ng mga sapatos.

Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may malakingbuckle sa tagiliran.

Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri niya. Ang
sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa maong na may
burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na may
nakadikit na bilog na kristal sa harap.

Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na detalye ng mga
sapatos ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins ,beads , o buckle . Inaangkin niya ang mga
sapatos na yon.

Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na napapanaginipan ko. Ikaw ang
magdodrowing, ha?

Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos. Gumagawa na lamang siya
ng sapatos para sa mga suking di matanggihan. Noong nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng
isa kong painting na may nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos. Binigyan
naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet dancer .

Pinasaya nyo ang Tatay nyo, sabi ni Nanay.

Pagkatapos noon , naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang pumanaw si Tatay.

Isang araw, hindi sinasadyay napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng mga lumang sapatos na
puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong
mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na
maingat na nakasalansan!

Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver? tanong ko sa sarili.

Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na yon, nagulat ako. Taglay ng mga sapatos ang
pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. May sapatos na pang-baby. May sapatos
na pambinyag. May pang- first communion . May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May
pangsimba. May sapatos na pang-dalagita.

Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:

Para sa pinakamamahal kong si Susie,

Alay sa kanyang unang kaarawan


Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie. Diyatat iginagawa ni Tatay
si Susie ng mga sapatos?

Para kay Susie, lugod ng aking buhay

Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan

Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos ng kaarawan si Susie!
Sandosenang sapatos lahat-lahat.

Handog sa mahal kong bunso

Sa kanyang ika-12 kaarawan

Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganun pala kalalim magmahal si Tatay.
Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at Susie.

H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa yo, Susie. Namuo ang luha sa mga mata ni
Nanay. Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.

A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko. Hindi makapaniwalang sabi ni Susie habang isa-isang
hinahaplos ang mga sapatos.

Ha?

Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.

Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na may malaking buckle sa
tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at
may ribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na
parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.

Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa kanya ang
mga sapatos?

Hindi ko tiyak.

Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid
ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang
sapatos para kay Susie.

Anda mungkin juga menyukai