Anda di halaman 1dari 6

SARAH JANE C.

REYES

MGA ALAMAT

Ang Alamat ng Butas sa Sarangani Bay

Ang alamat na ito ay tungkol sa pinagmulan ng butas sa Sarangani Bay. Ang


kwento ay nagsimula sa isang matahimik na lugar ng Sarangani. Ngunit, isang araw, ay
nagalit si Haring Nyna (Hari ng Sarangani) sa balitang may nagnanakaw na gulay galing
sa bukid niya. Sinabi ng kanyang bruha na ang magnanakaw ay taga-Cotabato kayat
dali-daling pumunta doon ang hari.

Sa pagsugod na ginawa ng Hari ng Sarangani ay nainis ang mga taga-Cotabato


at tinawagan din nila ang kanilang Hari at bruha. Kayat naging aksyon nito ay gisingin
ang higanteng natutulog sa sahig ng dagat na si Malakay. Dahil sa inis ni Malakay dahil
sa pagkakagising sakanya, siya ay naglakad ng isang hakbang papunta sa lupa. Ang
lupang ito ay lumubog sa tubig

Subalit, paglapit niya sa Sarangani, narinig niya ang mga dasal ng mga tauhan rito. Galing
dito niya nalaman na onesto ang hari sa kanyang mga kwento at bumalik sa dagat para
matulog uli. Ngunit nang siya ay pasugod na sa mga taga-Sarangani ay narinig niya ang
mga dasal nito at nalaman ang pagkawala ng mga gulay nito kaya hindi na tinuloy ni
Malakay ang pagwakasak sa buong bayan ng Sarangani.

Ang lupang lumubog sa hakbang ni Malakay ay ngayong tinatawag na Sarangani


Bay.

Buton the Magic Frog

Ito ay alamat ng Timog Cotabato. Ang orihinal na pamagat nito ay Salandungoy.


Ang alamat na ito ay nagmula sa panitikan ng mga Blaan na isa sa mga Lumad ng
Mindanao. Ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng mabuti laban sa masama ng mga
tauhan sa pamamagitan ni Salandungoy at Gamaw. Ang alamat na ito ay nadagdagan
ng katatawanan at kaunting drama sa pamamagitan naman ng pagkanta ni Buton na
isang palaka.

Alamat ng Palay

Pagkakakilanlan ng kulturang Blan ng Timog Cotabato Ang pagiging masipag at


mapagtiwala sa kapuwa.

EPIKO

Tuwaang

Ito ay pamagat ng epikong-bayan ng mga Manobo. Ito ay tungkol sa


pakikipagsapalaran ng bayaning si Tuwang. Sinasabing may mahigit sa 50 kanta ang
mga Manobo tungkol kay Tuwang ngunit dalawa pa lamang sa mga ito ang naital at
ipinalathala. Ito ay ang Mangovayt Buhong na Langit (Ang Dalaga ng Langit Buhong)
at Midsakop Tabpopowoy (Pagdalo ni Tuwaang sa Kasalan).

Mangovayt Buhong na Langit (Ang Dalaga ng Langit Buhong)

Sa Ang Dalaga ng Langit Buhong, pumunta si Tuwaang sa lugar ni Batooy upang


pakasalan ang kararating lmang na dalaga ng Langit Buhong. Matapos ang mahabng
paglalakbay, nagpahinga si Tuwang malapit sa dalaga, at naikuwento nit na may isang
higanteng binata ng Pangumanon na nais siyng pakasalan. Nang hindi pumayag ang
dalaga sa kahilingan ng binata, sinunog ng lalaki ang kaharian ng babae. Tumakas siy
sa kalupaan upang magtago. Nang matapos ikuwento ito ng dalaga ay dumating ang
binata ng Pangumanon, pinatay ang mga tao, at hinamon si Tuwang sa labanan. Natlo
ni Tuwang ang taga-Pangumanon.

Ang Pagdalo ni Tuwaang sa Kasalan

Naimbitahan si Tuwang sa kasalan ng Dalaga ng Manawon at ng Binata ng


Sakadna. Dumating si Tuwang sakay ng gungutan, isang malaking ibon. Nang
dumating ang lalaki sa Manawon, minasam ng binata ng Sakadna ang pagdalo ni
Tuwang. Sinabi ni Tuwang na isa rin siyng bagani kung kay nsa kasalan. Nang
sinimulan na ang paghahandog ng mga regalo, hindi naibigay ng Binata ng Sakadna ang
gintong gitara at plawta. Sinagip ni Tuwang ang binata at siy na ang nagbigay ng mga
ito. Lumabas ang dalaga at inutusan ang lalagyan ng kaniyang ngang na magbigay nit
sa mga bisita. Huminto ang mahiwagang lagayan ng ngang sa tapat ni Tuwang.
Tumabi pa ang dalaga kay Tuwaang. Nagalit ang binata ng Sakadna at hinamon si
Tuwang na maglaban. Matagal ang labanan at nahirapan si Tuwang bago natuklasan
ang lihim ng lakas ng kalaban. Sakay ng gungutan, umuwi si Tuwaang sa kaniyang
kaharian kasma ang dalaga ng Manawon.

BIDASARI

Ito ay hiram na katha lamang mula sa mga Malay. Ito ay naglalahad ng isang
matandang paniniwala na ang buhay ay napapatagal kung ang kaluluwa ay paiingatan
sa isang isda, hayop, bato o punongkahoy.

Ang epikong ito ay nagsimula sa pagkakaalam ng Sultan ng Kembayat na


nagdadalantao ang sultana. Ngunit lumusog ang salot na ibong Garuda kayat nang
manganak ang asawa ay napilitan silang iwan ang anak sa bangka upang mailayo sa
kapahamakan. Napulot naman ito ng mangangalakal na si Diyuhara na taga-Indrapura.
Inilaagaan niya ito at pinangalanang Bidasari. Samantalang ang sultan ng Idrapura ay
Mongindra, asawa ni Lila Sari na takot na mapalitan siya ni Mongindra kung may
makitang mas maganda sakanya.

Nang makita ng mga batyaw ng reyna si Bidasari na mas maganda sakanya ay


nilinlang ito ni Lila Sari. Sa halip na gawing dama ay ipiniit ito sa isang silid ng palasyo na
kapag wala ang sultan ay sinasaktan ni Lila Sari at Bidasari. Sinabi ni Bidasari sa Sultana
na ipakuha nito ang kwintas na may isdang ginto sa halamanan ng kaniya ama kung nais
niyang mamatay na siya. Isusuot ito ng reyna sa araw at ibabalik naman sa tubig ang
isda sa gabi. Si Bidasari ay mamamatay sapagkat ang buhay niya ay alaga ng isdang
ginto.

Ganoon nga ang ginawa ni Lila Sari. Sa takot na malaman ng Dyuhara na hindi
naman tuluyang namatay si Bidasari ay ipinagpagawa niya ng palasyo si Bidasari sa loob
ng kagubatan. Sa palasyong ito siya natagpuan ni Sultan Mongindra at nalaman niya ang
ginawa ni Lila Sari. Pinakasalan ni Mongindra si Bidasara at inihiwalay ng palasyo si Lila
Sari.
TUDBULUL

Mula sa pamayanang Tiboli ng lalawigan ng Timog Cotabato, Mindanao ang


epikong-bayang Tudbulul. Isinasalin ang salaysay nit sa ibat ibang pangkat at panahon
sa pamamagitan ng pag-awit o helingon. Ang mga awit o lingon na bumubuo sa epikong-
bayan ay tinatawag sa loob ng pamayanang Tiboli na Lingon Tuha Logi (Awit ng
Matanda). Malawakan naman itong kinikilla bilang Tudbulul dahil ito ang pangalan ng
bayaning tauhan.

Tinatayng may 20 hanggang 24 na lingon ang epikong-bayan, at bawat isa ay


nagsasalaysay ng isang buong kuwento. Nagsisimula ang epikong-bayan sa awit
na Kemokul Laendo nga Logi (Walang Anak si Kemokul) na nakatuon sa pagnanais ni
Kemokul na magkaroon ng anak na lalaki na siyng magtatanggol sa kanilang
pamayanan, ang Lemlunay. Ang kapanganakan ni Tudbulul ang magiging katuparan ng
kaniyang nais. Ipinahihiwatig ang kadakilaan ng sanggol ng mga kakambal nitng gamit
pandigma: sombrero, kalasag, mamahaling gong, at isang kabayo.

Ang pag-awit ng Tudbulul ang siyng pinakatampok sa anumang pagtitipon ng


pamayanan. Isinasagawa ito tuwing Klalak, ang bahagi ng pagdiriwang kung kailan tapos
nang kumain ang lahat at wala nang iba pang gagawin maliban sa pakikinig ng lingon.
Itinuturing na sagrado ang pag-awit ng epikong-bayan dahil ang kanilang diwata ang
nagsasabi kung ano ang kanilang dapat isalaysay. Ginagawa ang helingon hbang
nakaup at mahigpit na ipinagbabawal ang paghiga. Kaugnay nit, mataas ang pagtingin
ng mga Tiboli sa umaawit ng epikong-bayan at pinatutunayan ng paghahandog sa kaniya
ng mga pagkain at regalo sa katapusan ng pagtitipon.

MGA NAKILALANG MANUNULAT SA REHIYON 12

Eulogio M. Dua (1909-1999)

Isinilang sa Cotabato noong Marso 11, 1909.


Manunulat ng sanaysay tungkol sa napapanahong isyu na nilalagyan niya ng
bahid ng katatawanan
Simpleng wika ang kaniyang pagsusulat kayat madaling maunawaan
Unang artikulo ay lumabas sa Philippine Free Press noong 1928
Natuto ng journalism sa pamamagitan ng self study
Mga sanaysay:
Oshagtu Japans Festival of Festivals
Who Could Forget January 3?

Jaime An Lim

Makata, mananaysay at kwentista


Puna sa Noli Me Tangere ni Rizal
Pamumuna sa akda ni Bienvenido Santos
Akdang nagtamo ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature:
The Liberation of Mrs. Fidele Magsilang (isang maikling kwento)- Ikatlong
Gantimpala, 1973
The Changing of the Guard: Tree Critical Essays- Ikaltong Gantimpala, 1989

Christine Godinez-Ortega

Kwentista at makata
Naging editor ng Sanda and Corals, Technician, at CASSIBULAN ng ibat
ibang unibersidad.
Isa sa mga tagapagtatag at tagapangulo ng Literary Arts Committee of the Cultural
Center of the Philippines- Iligan Arts Council
Provincial Correspondent ng Philippine Inquirer
Ang kanyang tula ay natipon sa Lanterns in the Sun and other Poems noonh
1987

Sanggunian:

Casas, D. D. (2011). Filipino Folk Stories. California: ABC-CLIO, LLC.


http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/
https://www.slideshare.net/04Dhine/tuwaang-epikong-bagobo

https://bmitra15.wordpress.com/subjects/filipino/ang-alamat-ng-butas-sa-sarangani-bay/

Quiz:

1. Ano ang pangalan ng higante sa Alamat ng Butas sa Sarangani Bay?


Sagot: Malakay
2. Ano ang orihinal na pamagat ng Buton the Magic Frog?
Sagot: Salandungoy
3. Sino ang asawa ni Sultan Mongindra na sinasaktan si Bidasari tuwing wala
ang Sultan?
Sagot: Lila Sari
4. Magbigay ng isang manunulat na naging kilala sa rehiyon 12.
Sagot:
Eulogio M. Dua
Jaime An Lim
Christine Godinez-Ortega

Anda mungkin juga menyukai