Anda di halaman 1dari 5

Talumpati sa Inagurasyon ni Pangulong Rodrigo R.

Duterte (Isinalin
ng Komisyon sa Wikang Filipino)
Talumpati sa Panunumpa
ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte
Palasyo ng Malacaang 30 Hunyo 2016
Pangulong Fidel Ramos, sir, salamat po sa tulong ninyo upang
maging Pangulo ako; Pangulong Joseph Ejercito Estrada; Pangulo ng
Senado Franklin Drillon at mga miyembro ng Senado; Ispiker
Feliciano Belmonte at mga miyembro ng Kapulungan ng mga
Kinatawan; Punng Mahistrado Maria Lourdes Sereno at mga
Kawaksing Hukom ng Korte Suprema; Kagalang-galang Guiseppe
Pinto at mga miyembro ng Diplomatic Corps; mga bagong hirang na
miyembro ng Gabinete; mga kapuwa manggagawa sa pamahalaan;
mga kababayan.
Walang pinun, gaano man siya kalakas, ang magtatagumpay sa
anumang bagay na mahalaga o makabuluhan sa bansa kung wala
siyang suporta at kooperasyon ng mga mamamayan na tungkulin
niyang pamunuan at sinumpaang paglilingkuran.
Sa mamamayan kumukuha ng lakas ang mga pamahalaang
demokratiko at isa na rito ang administrasyong ito. Kay kailangan
nating pakinggan ang mga hinaing ng mamamayan, damhin ang
kanilang mga pulso, ipagkaloob ang kanilang pangangailangan, at
patibayin ang kanilang paniniwala at pagtitiwala sa atin na iniluklok
nil sa ating mga katungkulan.
Marami sa atin ang nagsabi na ang mga suliraning sumisira sa ating
bansa ngayon na kailangang matugunan kaagad ay korupsiyon,
kapuwa sa matataas at mabababng antas sa pamahalaan;
kriminalidad sa lansangan, at ang laganap na bentahan ng
ipinagbabawal na gamot sa lahat ng panig ng lipunang Filipino, at
ang kawalan ng pagglang sa batas at kaayusan. Totoo, bagaman
hindi ganap na totoo. Sapagkat para sa akin ang mga suliraning ito
ay mga palatandaan lmang ng isang malubhang sakt ng lipunan na
sumisira at dumudurog sa katatagang moral ng lipunang Filipino. Sa
palagay ko, may suliranin na mas malalim at mas mabigat pa kaysa
alinman sa mga nabanggit o kahit pagsama-samahin pa ang lahat
ng iyon. Ngunit mangyari pa, hindi na kailangan pang sabihin na
isasantabi natin ang mga iyon sapagkat kailangang masugpo ang
mga iyon sa anumang paraang ipinahihintulot ng batas.
Ang pagguho ng paniniwala at tiwala sa pamahalaaniyan ang
tunay na suliranin na dapat nating harapin. Nagbubunga ito ng
pagguho ng tiwala ng mamamayan sa liderato ng bansa; ng pagguho
ng tiwala sa sistemang hudisyal; ng pagguho ng kompiyansa sa
kakayahan ng mga lingkod-bayan upang mas maging maayos ang
bhay ng sambayanan, maging mas ligtas sil, at mas malusog.
Toto, ang problema natin ay problema ding nagpapahin sa espiritu
ng tao. Subalit hindi pa hul ang lahat. Alam ko na may hindi
sumasang-ayon sa aking mga paraan sa pagsugpo ng kriminalidad,
sa pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at sa
korupsiyon. Sabi nil ang ganitong pamamaraan ay lihis sa
karaniwan at nsa bingit ng pagiging ilegal. Nais kong sabihin ito
bilang tugon: Nakita ko kung paano sairin ng korupsiyon ang pondo
ng bayan, na inilaan upang iahon ang mahihirap mula sa lusak na
kanilang kinasadlakan.
Nakita ko kung paano wasakin ng mga ipinagbabawal na gamot ang
mga indibidwal at durugin ang mga relasyong pampamilya.
Nakita ko kung paanong ang kriminalidad, sa lahat ng paraang
magdaraya, ay hinahablot sa mga inosente at di-mapaghinala ang
maraming taon ng pagtitipid para makaipon. Mga taon ng
pagsisikap upang, bigla, bumalik sil kung saan nag-umpisa.
Tingnan natin ito mula sa ganitong pananaw at sabihin ninyo sa akin
kung ako ay mali.
Sa labang ito, hinahmon ko ang Kongreso at ang Komisyon sa
Karapatang Pantao at ang ib pa na mayroong kahalintulad na
gawain upang pahintulutan kami sa isang uri ng pamamahala na
umaalinsunod sa itinatadhana ng batas. Magiging malupit ang
labang ito at kailangang tuloy-tuloy.
Bilang abogado at dating tagausig, batid ko ang hanggahan ng
kapangyarihan at awtoridad ng pangulo. Alam ko kung ano ang legal
at kung ano ang hindi.
Ang katpatan ko sa wastong proseso at pananaig ng batas ay hindi
matitinag.
Gawin ninyo ang inyong trabaho at gagawin ko ang trabaho ko.
Malasakit. Tunay na Pagbabago. Tinud-anay nga Kausaban ang
mga salitng ito ang naghatid sa akin sa pagkapangulo. Ang mga
islogang ito ang nsa aking isip hindi lmang para sa tanging
layuning makuha ang boto ng mga botante. Tinud-anay nga
kabag-uhan. Mao kana ang tumong sa atong panggobyerno (Tunay
na pagbabago. Dito patungo ang ating gobyerno).
Higit pa kaysa pagkuha ng boto. Ito ang mga sigaw ko sa
pakikipaglaban sa ngalan ng mga tong uhaw na uhaw sa tunay at
makabuluhang pagbabago. Subalit ang pagbabago, kung nais na
maging permanente at makabuluhan, ay dapat na magsimula sa
atin at sa ating mga sarili.
Sa salita ni F. Sionil Jose, naging pinakamalupit na kaaway natin ang
ating sarili. Dahil dito, dapat na may tapang tyo at pagkukusang
baguhin ang ating mga sarili.
Ang pag-ibig sa bayan, pagpigil sa mga personal na interes
alang-alang sa kabutihan ng lahat, malasakit sa mahihin at
maralitakasma ang mga ito sa mga hlaghang naglaho na at
nagmaliw, at nais nating maibalik at mapalakas muli sa pagsisimula
ng ating paglalakbay tngo sa mas mabuting Filipinas. Magiging
mahirap ang paglalakbay na ito. Subalit halinat samhan pa rin
ninyo ako. Magkakasma, magkakabalikat, nating isagawa ang
unang mabubuway na hakbang sa hangaring ito.
May dalawang kasabihan mula sa mga pinagpipitaganang tao na
magsisilbing pundasyon ng administrasyong ito.
Ang pagskat sa gobyerno ay hindi kung nakapag-ambag tyo sa
kasaganaan ng mga mayaman; ang sukatan ay kung natulungan
natin ang mga naghihikahos. Franklin Delano Roosevelt.
Mula naman kay (Abraham) Lincoln, nais kong hugutin ang pahayag
na ito: Hindi mo mapalalakas ang mahin sa pamamagitan ng
pagpapahin sa malalakas; Hindi mo matutulungan ang mahirap sa
pamamagitan ng pagsira sa kalooban ng mayayaman; Hindi mo
matutulungan ang sumasahod sa pamamagitan ng paghila pabab sa
nagpapasahod; Hindi mo maitataguyod ang kapatiran sa
pamamagitan ng pagpukaw ng pagkamuhi sa mga uri sa lipunan .
Ang aking mga patakarang ekonomiko, pinansiyal, at politikal ay
nakapaloob sa mga pahayag na iyon, kahit pa isinalin sa
malawakang paraan. Matuto kayong magbas. Hindi ko na
kailangang magtungo sa mga detalye. Ibibigay ang mga ito sa inyo sa
takdang panahon.
Kay, inaatas ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at pun ng
ahensiya na bawasan ang mga rekisito at panahon sa pagproseso ng
mga aplikasyon, mula sa pagsusumite hanggang pagpapalabas.
Inaatas ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at pun ng
ahensiya na alisin ang mga nag-uulit na rekisito at ang pagtalima sa
isang kagawaran o ahensiya ay sapat na para sa lahat.
Inuutos ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at pun ng
ahensiya na umiwas sa pagbago at pagbaluktot ng tuntunin sa mga
kontrata, transaksiyon, at proyekto ng pamahalaang pinagtibay na
at naghihintay ng pagpapatupad. Ang pagbabago ng mga tuntunin
hbang nangyayari ang laro ay mal.
Kinamumuhian ko ang paglilihim at sa halip ay isinuslong ang
transparensi sa lahat ng mga kontrata, proyekto, at transaksiyon sa
negosyo mulang pagsusumite ng mga panukala hanggang negosasyon
tungo sa perpeksiyon, at sa wakas, sa pagpapatupad.
Gawin ninyo ito at magtatrabaho tyo nang magkasma. Huwag
ninyong gawin, at maghihiwalay tyo nang mas maaga sa inaasahan.
Hinggil sa gawaing internasyonal at sa komunidad ng mga nasyon,
hayaan ninyong ulitin ko na igaglang ng Republika ng Filipinas ang
mga kasunduan at internasyonal na obligasyon.
Sa gawaing domestiko, nangangako ang aking administrasyon na
ipatutupad ang lahat ng pinirmahang kasunduang
pangkapayapaang umaalinsunod sa mga repormang konstitusyonal
at legal. Nagagalak ako sa pahayag ng pakikiisa ng ating mga kapatid
na Muslim at mga pinun nil, at sa tugon ng lahat sa aking
panawagan para sa kapayapaan.
Umaasa ako sa pakikilahok ng ib pang stakeholder, lalo na ang ating
mga lumad, upang matiyak ang pakikibahagi ng lahat sa prosesong
pangkapayapaan.
Sa pagtatapos ng aking talumpati ay hayaan ninyong ipaalala ko sa
inyo na inihalal ako sa pagkapangulo upang pagsilbihan ang buong
bansa. Hindi ako iniluklok upang pagsilbihan ang interes ng kahit
sinong tao, o anumang pangkat, o anumang uri. Pagsisilbihan ko ang
bawat isa at hindi ang isa lang.
Kung kayt hinango ko bilang gabay sa sarili ang sumusunod na
pangungusap na isinulat ng tong hindi ko na maalala ang pangalan.
Sinabi niya: Wala akong kaibigang pagsisilbihan, wala akong kaaway
na sasaktan.
Mula roon, hinihiling ko sa bawat isa, at ang tinutukoy ko ay ang
lahat, na samhan ako sa pagsisimula ng krusada para sa mas
mabuti at maliwanag na kinabukasan.
Ngunit bago ako magtapos, hayaan ninyong ipahayag ko, sa ngalan
ng mga Filipino, ang pakikiramay sa Republika ng Turkey dahil sa
nangyari sa kanilang lugar. Ipinaaabot namin ang aming mataos na
pakikiramay.
Bakit ako narito? Narito ako dahil mahal ko ang aking bansa at
mahal ko ang mga mamamayan ng Filipinas. Narito ako. Bakit?
Dahil handa na akong simulan ang paglilingkod sa bansa.
Maraming salamat at magandang hpon sa inyo.

Anda mungkin juga menyukai