Anda di halaman 1dari 1

Ang Katotohanan

Sa mga nangyari sa ating buhay mayroon tayong gusto balikan ang mga nakaraan. Kung pwede nga
lang tayong bumalik sa nakaraan. Gagawin ko ang lahat upang baguhin ang pangyayari sa aking buhay. Kapag
ako ay may pagkakataon pangbumalik sa nakaraan ibabalik ko nung hindi ko pa alam ang mga katotohanan
tungkol sa aking ama.

Nung panahon na akala ko hindi totoo ang mga sinasabi nila nung ako pa ay bata pa. Na mayroon daw
akong kapatid sa ama. Eh! Nagiisa pa lang naman ako nun. Paano nangyari iyon sinabi ko kay mama pero ang
sabi nya sa akin niloloko lang daw ako nun wag ko iyon pansinin Di ko pinansin sinabi ko iyon nandoon si
papa pero parang walang siyang narinig. Isa araw sinabi sa akin ni mama na totoo ang mga sinabi ng aking
kamag- anak na meron nga akong kapatid. Nagulat ako dahil totoo nga meron talaga ako kapatid.

Lahat tayo ay nagawan ng mali at pagkasal ng tao sa isang yugto ng ating buhay sa nakaraan o maaaring
maging sa kasalukuyan nating buhay. Dapat sinabi nalang nila ang katotohanan yung pagkakamali ng aking
ama. Kaya ko naman mag patawad , ang diyos nga nagpapatawad paaano pa kaya ako. Ang kapatawaran ay
madaling ibigay sa mga taong humihingi ng kapatawaran at nagsisisi. Ang hindi pagpapatawad sa kapwa ay
pagpapakita ng sama ng loob , kapaitan ng damdamin at pagtatanim ng galit sa ating kawpa. Kaya dapat tayo ay
marunong pagpatawad at unawain nalang natin sila.