Anda di halaman 1dari 3

Ang Cognitive Academic Learning Approach (CALA)

MGA ESTRATEHIYA

1. Ang estratehiyang metakognitib. Itoy tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at


kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-unawa (Royo,1992). Itoy
pagpaplano para sa pagkatuto, pagmomonitor at produksyon, sa pagtataya kung paano natamo
ang layunin sa pagkatuto.
2. Ang estratehiyang kognitib. Itoy interaksyong may kasamang materyal (pagpapangkat-
pangkat, pagtatala, pagbubuod) o paggawa ng imaheng mental, pagbabahagi ng bagong
impormasyon sa dati nang natutuhang mga konsepto o mga kasanayan. Itoy estratehiyang
gingamit ng mga manmbabasa sa pagkatuto ng mga akademikong disiplina.
3. Ang Estratehiyang sosyo-apektib. Itoy interaksyon sa iba pa upang makatulong sa kanyang
pagkatuto.

PARAAN/TEKNIK

Pagkatutong Tulung-tulong (Cooperative Learning)


Itoy isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya ng edukasyon na
humihikayat sa mga mag-aaral na gumawa nang sama-sama bilang isang pangkat upang
matutuhan ang aralin. Natutuhan ng pangkat ang isang partikular na konsepto o nilalaman kung
saan inaasahan ang pakikibahagi ng bawat isang miyembro sa diskusyon/usapan.
Ang Apat na mga kasanayan sa Pagkatutong tulung-tulong na nilahad nina Johnson at
Johnson (1986):

1. Pagbuo ng pangkat
2. Paggawa bilang isang pangkat
3. Paglutas ng suliranin bilang isang pangkat
4. Pagbuo ng magkakaibang ideya.

GA BAGONG PANANAW SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO

a) Muling pagtingin at pagsusuri sa mga layunin ng wika at ang kaugnayan ng mga


ito sa nagbabagong layunin ng edukasyon
b) Pagbibigay-diin sa pagtuturo ng wika para sa mabisa at makatotohanang
pakikipagtalastasan.

c) Pag-angat nang kaunti sa istruktural na pamamaraan at paggamit ng


alternatibong pagdulog sa pagtuturo ng wika na batay sa pangangailangang
komunikatib.

d) Pagbibigay-halaga sa gamit ng wika sa ibat ibang sitwasyong komunikatib

e) Higit na malawak na pagkaunawa sa pagkakaugnay-ugnay o integrasyon ng mga


kasanayang pangwika tulad ng pagbasa at pagsulat, pakikinig at pagsasalita .

f) Pokus sa paglinang ng mga programang pangwika na tutugon sa ibat ibang


antas ng pangangailangan.

g) Interes sa mga pinagsanib na programa tulad ng wika at araling panlipunan.

h) Pokus sa pangangailangan, interes at motibasyon ng mag-aaral; pagbibigay-diin


sa proseso ng pagkatuto at ang mga estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

i) Pagbabagong-pananaw sa kaayusan ng mag-aaral sa silid-aralan. Pagbibigay-


diin sa tambalan at pangkatang interaksyon at sa peer teaching.

j) Pagbuo sa pamamaraang eklektik at pragmatic tulad ng pagdulog na


komunikatib.

Anda mungkin juga menyukai