Anda di halaman 1dari 17

Pagbangon ng mga

Manggagawa at ang
Kilusang Manggagawa

Kailangan din ng mga


manggagawa ng isang
makauring pagkakaisa at
determinasyon upang
isulong ang kanilang mga
karapatan (tunghayan ang
Pigura 2.2). Kung ang mga
kapitalista ay mulat sa
kalakaran na maging dating
bawal na
kontraktuwalisasyon ay ligal
na. Kailangan maging mulat
bilang uri at maging alerto
ang mga manggagawa para
magapi ang patakarang mura
at flexible labor.
Kailangan ng pagkakaisa ng
hanay ng mga manggagawa
tungo sa isang marangal na
trabaho para sa lahat. Pag-
oorganisa ng hanay ng mga
manggagawa nang walang
itinatangi regular man o
hindi, kasapi man ng unyon o
hindi at may trabaho man o
wala, dapat isulong ang mga
isyung magiging kapaki-
pakinabang sa uring
manggagawa.
Mas paigtingin ang pag-
oorganisa at pagpapakilos sa
mga manggagawa sa bago at
mahirap na kalagayan.
Pagsulong sa ilang probisyon
ng DO 18-A, na angkop para
maisagawa ang bagong
kaayusan sa paggawa.
Pigura 2.2
Mga Karapatan ng mga
Manggagawa
Ayon sa International Labor
Organization (ILO)

- ang mga manggagawa ay


may karapatang sumali sa
mga unyon na malaya mula
sa paghihimasok ng
pamahalaan at
tagapangasiwa.

- ang mga manggagawa ay


may karapatang
makipagkasundo bilang
bahagi ng grupo sa halip na
mag-isa.

- bawal ang lahat ng mga


anyo ng sapilitang trabaho,
lalo na ang mapang-aliping
trabaho at trabahong
pangkulungan. Dagdag pa
rito, bawal ang trabaho
bungang ng pamimilit o
duress.
- bawal ang mabibigat na
anyo ng trabahong
pangkabataan. Samakatwid
mayroong minimong edad at
mga kalagayang
pangtatrabaho para sa mga
kabataan.

- bawal ang lahat ng mga


anyo ng diskrimasyon sa
trabaho: pantay na suweldo
para sa parehong na trabaho.

- ang mga kalagayan ng


pagtatrabaho ay dapat
walang panganib at ligtas sa
mga manggagawa. Pati
kapaligiran at oras ng
pagtatrabaho ay dapat
walang panganib at ligtas.
- ang suweldo ng
manggagawa ay sapat at
karapat-dapat para sa
makataong pamumuhay.

Anda mungkin juga menyukai