Anda di halaman 1dari 4

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy kung paano nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano


b. Aktibong nakakalahok sa mga gawain at mailalahad ang mga mahahalagang
pangyayaring naganap sa Digmaang Pilipino-Amerikano sa paggawa ng graphic
organizer.
c. Magkaroon ng pagpapahalaga kung ano ang naging bunga ng Digmaang Pilipino-
Amerikano sa kasalukuyang panahon.

II. Pagsang-Aralin

A. Paksa: Ang Digmaang Pilipino - Amerikano


B. Sanggunian: Teaching Guide A.P.K-12 Curriculum
C. Kagamitan: Graphic organizer, strips, pentel pen

III. Pamaraan: Pabuod

A. Panimulang Gawain
Gawaing Guro Gawaing mag-aaral
1. Balik-aral

Klas, Sa nakaraang miting ay tinalakay natin ang


tungkol sa saligang batas ng Malolos.

Ano ba ang mga nakapaloob sa Saligang


Batas ng Malolos? Sir! Pagkilala sa mga karapatan ng
bawat tao.

Ano pa? Sir! Ang paghihiwalay ng tungkulin


ng simbahan at estado.

Tama! Isa lamang iyan sa mga batas na


nakapaloob sa saligang batas ng Malolos

2. Pagganyak

Klas may mga graphic organizer ako dito. Bibigyan


ko kayo ng mga strips, ang inyong gagawin ay idikit
ang mga strips sa tapat ng graphic organizer.
Maliwanag ba klas? Opo Sir!

Ngayon klas ano-anung pangyayari ang naganap


na nakasulat sa graphic organizer? Sir! Ang mga pangyayaring iyan na
naganap ay mga dahilan ng pagsiklab ng
Digmaang Pilipino-Americano.

Tama! Ano pa? Sir! Mga mahahalagang pangyayari


po na naganap sa Digmaang Pilipino-
Americano.
Magaling! At yan ating tatalakayin ngayon.

B. Paglalahad
Klas noong sinakop tayo ng mga Amerikano may
mga mahahalagang pangyayari na naganap ito ay
ang mga sumu-sunod.
1. Disyembrte 10, 1898 Naganap sa pagitan
ng United States at Spain ang kasunduan
sa Paris (Treaty of Paris)
2. Agosto 14, 1898 Hudyat ng simula ng dig-
maang Pilipino-Amerikano
3. Pebrero 4, 1899 Hudyat ng simula ng digma-
ang Pilipino-Amerikano.
4. Pepbero 5, 1899 Ipinag-utos ni Heneral Mac-
Arthur na umatake at ipagtabuyan ang mga Pilipino.
5. Marso 31, 1899 Bumagsak sa kamay ni Heneral
MacArthur ang Malolos, ang capital ng Republika
6. Agosto 20, 1899 Itinakda ang kasunduang
tinawag na Batas Treaty.
7. Hunyo 5, 1899 Pinaslang si Heneral Antonio Luna
ng kanyang kapwa Pilipino
8. Marso 23, 1901 Nabihag si Pangulong Aguinaldo na
naging daan upang magwakas ang unang Republika
ng Pilipinas

C. Paglinang ng Aralin

Klas ngayon naman ay magkakaroon kayo ng pang-


katang gawain. Papangkatin ko kayo sa tatlo. Ang
unang hanay ang magiging unang grupo na mag-uulat
sa mga sanhi at bunga ng digmaang Pilipino-Amerikano.
Ang pangalawang hanay ang magiging pangalawang
grupo na mag-uulat ng kahulugan ng Digmaan at ang
pangatlong hanay naman ang magiging pangatlong
grupo na mag-uulat sa mga dahilan ng pananakop ng
Amerika sa Pilipinas. Naintindihan ba klas? Opo Sir
Unang Grupo

Sanhi at bunga n g digmaang Pilipino-


Amerikano

Sanhi Bunga
1. Pagbaril at Lumaganap ang
pagpatay ng labanan sa ibat
isang ibang panig ng
Amerikanong bansa.
sundalo sa isang
kawal na
Pilipino.
Pagkatalo ng
2. Pinagtabuyan at puwersang Pilipino
sinanlakay ng at pagkahuli kay
mga Amerikano Emilio Aguinaldo.
ang mga
Pilipino.

Magaling! Bigyan natin ang unang grupo ng Yes Clap!

Pangalawang grupo
Kahulugan ng Digmaan ayon sa inyong
sariling pagpapakahulugan

kaguluhan
Pagkakamatay
Bagsak ng maraming
kabuhayan sundalo

Digmaan

Labanan sa
pagitan ng Pakikipaglaban
dalawang an sa mga
bansa Pakikipag- karapatan
away

Mahusay! Bigyan naman natin ang pangalawang


grupo ng magaling clap!

Pangatlong grupo

Dahilan ng Pananakop ng Amerika sa Pilipinas

Mapagdadalhan Magsisilbing base


Mapagkukunan
ng mga hilaw na ng sobrang sa pagpapalawak
produkto at ng kanyang
materyales
kapital kapangyarihan sa
Asia Pacific

Mahusay! Bigyan naman natin ang pangatlong


grupo ng wow clap!

D. Pagbubuod

Batay sa paksang ating tinalakay magbigay


nga kayo ng buod ukol sa ating paksa. Sir! Ang Estados Unidos ay
nakipagkasundo sa Espanya na ibibigay
ng Espanya ang Pilipinas sa Estados
Unidos sa halagang $20,000,000.
Pinaniwala ng mga Amerikano ang mga
Pilipino na puspusan ang
pakikipaglaban sa mga Espanyol para
mapalaya ang mga Pilipino sa
pamamahala ng Espanyol. Ngunit
nalaman ng mga Pilipino ang tunay na
dahilan at layunin ng mga Amerikano sa
Pilipinas na hudyat at simula ng
digmaang Pilipino-Amerikano. Natalo
ang puwersa ng mga Pilipino na dahilan
ng pagkakahuli kay Emilio Aguinaldo
na daan upang magwakas ang unang
Republika ng Pilipinas.
E. Pagpapahalaga

Klas! Mahalaga ba ang ginawang pakikidigma ng


mga Pilipino sa mga Amerikano? Bakit? Opo Sir!
Upang magkaroon tayo ng sariling
pamahalaan na Pilipino ang namumuno
sa atin.
Tama! Bilang mag-aaral anong mga aral ang
matatamo ninyo sa pakikidigma? Sir! Pagtutulungan at pagkakaisa.

Magaling! Meron pa ba klas? Katapatan sa bawat isa

Tama!

Kung ganon, maglabas ng kalahating papel at


maghanda para sa maikling pagsusulit.

IV. Ebalwasyon

Isulat ang T kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap. X kung mali.


1. Kailan man ay walang mabuting digmaan.
2. Sinang-ayunan ng mga Pilipino ang pananako png Amerikano sa bansa.
3. Nagtagumpay ang mga Pilipino sa kanilang pagkikipaglaban sa mga Amerikano.
4. Nadakip si Aguinaldo ng mga Amerikano.
5. Ang mga Amerikano ay nagtatag ng pamahalaang military sa Pilipinas.
6. Sa loob ng pamahalaang military itinatag ang katas-taasang hukuman.
7. Ang pagdadala ng sobrang produkto at capital ay dahilan ng pagsakop ng mga Amerikano sa
Pilipinas.
8. Ang pagpapaputok ni Grayson sa mga Pilipino ang nagpasiklab ng Digmaang Pilipino-
Amerikano.
9. Pagtatag ng Asemblea ng Pilipinas.
10. Pagsang-ayon sa mga mungkahi ng mga Pilipino.

V. Takdang Aralin
1. Sa loob ng 3-5 pangungusap, ilahad ang naging reaksyon sa pagpapatupad ng Amerika ng
tinatawag na Benevolent Assimilation.
2. Saliksikin ang papel na ginampanan ni Apolinario Mabini noong panahon ng himagsikan. Bakit
siya tinanggal bilang Pangulo ng Gabinete?

Sanggunian: Teaching Guide A.P. K-12 Curriculum


Pana-panahon, Kasaysayan ng Daigdig
ni Teofista L. Vivar

INIHANDA NI: G. BERNIE C. LECHUGA

Anda mungkin juga menyukai

  • Desamparados Prayer
    Desamparados Prayer
    Dokumen1 halaman
    Desamparados Prayer
    Born Campomanes Lechuga
    Belum ada peringkat
  • San Mig
    San Mig
    Dokumen2 halaman
    San Mig
    Born Campomanes Lechuga
    Belum ada peringkat
  • Document
    Document
    Dokumen1 halaman
    Document
    Born Campomanes Lechuga
    Belum ada peringkat
  • LET Reviewer Drill Test
    LET Reviewer Drill Test
    Dokumen10 halaman
    LET Reviewer Drill Test
    Born Campomanes Lechuga
    Belum ada peringkat
  • Holy Hour
    Holy Hour
    Dokumen71 halaman
    Holy Hour
    Born Campomanes Lechuga
    Belum ada peringkat