Anda di halaman 1dari 1

ABNKKBSNPLAko?!

book review

I: Deskripsyon ng libro

Ang aklat na ito ni Bob Ong ay tungkol sa pag aaral ni Bob Ong mula bata bata hanggang kolehiyo at sa
kanyang pagtratrabaho. Binanggit din dito ang tungkol sa buhay ng mga guro at estudyante ng
pampublikong paaralan kung saan nanggaling ang may akda pati na rin ang pagpapahalaga ng
edukasyon.

II: Nagustuhang parte ng aklat

"Nalaman kong hinde pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification,
true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw.
Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga
naisulat o wala. Allowed ang erasures."

Nagustuhan ko ang linyang ito dahil nagawa nyang ikumpara ang buhay sa essay ng maayos at totoo sa
buhay. Nagawan nya ng flawless na pagkukumpara ang kahalagahan ng buhay sa isang essay, isang bagay
na di natin gaanong nabibigyan ng pansin dahil gusto natin makamit ang tamang sagot o yung layunin
natin sa buhay nang di man lang binibigyang halaga ang buhay. Live life to the fullest ika nga nila, di
mahalaga kung maganda ang ending ng essay mo o hinde, kung naging successful ka bang tao o hinde
kundi kung nabigyan mo ba ng kabuluhan ang buhay na ipinagkaloob sayo.

III: Kongklusyon/ Reaksyon

Ang librong ita ay para sa lahat, mga guro, estudyante, mga dating nakapag-aral at sa lahat ng Pilipino;
tulad ng nakalagay saunang parte ng aklat o yung dedication. Ang aklat ay madaling nakakuha ng
atensyon sa kabataan dahil sa paraan ng pagpapahayag nito, hindi pormal at hindi rin napakabalbal,
medyo matino at medyo may sayad ang tingin ng mangbabasa sa umpisa ngunit pagkatapos ng ilang
pahina ay magbabago ang tingin mo. Sa umpisa ay puro kalokohan ang mababasa mo. Mapapaisip ka
kung kinukuha nya atensyon mo o sadyang masochist lang ang nagsulat, anuman ang sagot ay nakuha
nito ang atensyon natin at tanggalin ang bagot sa pagbabasa. Kumabaga puro walang kabuluhan ang mga
nakalagay sa aklat pero ang mga walang kabuluhang bagay na yun ay nagawan ni Bob Ong ng paaran
upang maging sensible at kapupulutan ng aral. Para sa akin ang gustong ipahiwatig ng aklat ay ang papel
ng mga guro sa buhay natin at ang kahalagahan ng edukasyon, di lang ang edukasyong pang akademiko
kundi pati ang mga aral ng buhay natin.

Anda mungkin juga menyukai