Anda di halaman 1dari 3

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Aralin 1

Bilang ng araw ng Pagtuturo: 5 araw (30 minuto bawat araw)

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa


mga tamang hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat.

Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para
sa ikabubuti ng lahat.

Pamantayan sa Pagkatuto:

I. Layunin:
1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon
na makabubuti sa pamilya
1.1. pagsusuri nanag mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at
pangyayari
1.2. pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito
1.3. paggamit ng impormasyon

Code: EsP6PKP-Ia-i-37

II. Paksa: Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya


a. Sanggunian: EsP-K to 12 CGd81
b. Kagamitan:
c. Pagpapahalaga: Pagkamapagpasensya/Pagkamapagtiis

III. Pamamaraan

Unang Araw
A. Panimulang Gawain

B. Panlinang na Gawain

Alamin Natin
1. Basahin nang tahimik ang kwento sa loob ng 5 minuto The Prodigal Son(Bigyan ang
pangkat ng Activity sheet na may nakasulat na kwento)
2. Itanong:
a. Ano ang pinag-usapan sa kwento?
b. Ano ang masasabi mo sa nakababatang kapatid?
c. Ano naman ang katangian ng ama? Paano ito ipinakita?
d. Kung ikaw ang ama, tatanggapin mo rin ba ang nagkasalang anak? Bakit?
e. Tama ba ang desisyon ng ama na tanggapin muli ang nagkasalang anak?
Ipaliwanag.
f. Ano ang dapat nating isaalang alang kapag tayo ay nagdedesisyon?

(Pangwakas na tugon ng guro: (Awit)

Ikalawang Araw

Isagawa Natin
1. Pagbalik tanaw sa kwento.
2. Ipakita sa mga sumusunod na paraan ang tamang pagpapasya na nakabuuti sa
pamilya o nakararami.(Ayon sa rubrics)

Pangkat 1 pag rap


2 tula
3 dula-dulaan
4 pagguhit
5 panalangin
3. Sagutin ang mga tanong:
1. Anong pangkat ang nagpakita ng tamang pagpasya na nakabubuti sa pamilya o
sa nakararami?
2. Sa palagay ba ninyo, kailangan bang magbigay ng desisyon sa isang
pangyayari? Bakit?
3. Ano kaya ang mangyayari sa isang tao kung hindi siya marunong magdesisyon
sa mga pangyayari na nararanasan niya sa buhay?

Ikatlong Araw
Isapuso Natin
1. Balik-aral sa nakaraang gawain.
2. Talakayin ang tamang pagdesisyon.
a. Ayon sa inyong pangkatang gawain kahapon, anu-ano ang mga isinaalang-alang kapag
ikaw ay magdesisyon?
b. Ano ang epekto ng iyong desisyon?
3. Pangwakas na Gawain :Awit- Pamagat: Panangutan
Ikaapat na Araw

Isabuhay Natin

Panuto: Basahin ang sitwasyon. Isulat sa journal/notebook ang iyong desisyon. Ipaliwanag ito sa
4 hanggang 5 na pangungusap.

Apat kayong magkakapatid sa pamilya. Sa kasalukuyan ay pareho kayong nag-aaral.


Biglang nawalan ng trabaho ang iyong tatay dahil sa kanyang sakit. Napagkasunduan ng
inyong mag-anak na dapat ay may isang titigil muna sa pag-aaral dahil hindi kayang
tustusan ang inyong pag-aaral at ikaw ang napili. Ano ang dapat mong gawin? Ipaliwanag.

Ikalimang Araw

Subukin Natin?
A. Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat kung tama o mali.
1. Nag working student ka upang makapagpatuloy ng pag-aaral.
2. Nag walk out ka dahil ibang proyekto ang napagkasunduan ng inyong pangkat.
3. May proyektong ipinagawa ang inyong guro hindi mo nagustuhan ang kinalabasan ng
iyong proyekto kaya,t pinagawa mo ito sa iyong tatay.

B. Maglista ng dalawang sitwasyon o pangyayari sa buhay na nagpapahiwatig ng


pagkamapagtiis o pagkamapagpasensya.

C. Ano ang dapat isaalang alang kapag ikaw ay nagdedesisyon?

Pangwakas na Gawain:
1. Iwawasto ng guro ang mga sagot.
2. Ipaalam ng guro ang magiging resulta sa pagsubok sa susunod na araw.

Naihanda sa pagtutulungan nina:

REX U. CELOSIA - Region VII, Division of Tagbilaran


FEBIAN J. ZOROLLA - Region VI, Division of Aklan
TERESITA B. MANZANADES - Region VII, Cebu City
JOCELYN D. POLINO - Region VIII, Ormoc City

Anda mungkin juga menyukai