Anda di halaman 1dari 2

Republika ng Pilipinas )

Lungsod ng Maynila ) SS.

SINUMPAANG SALAYSAY NG PAGDEDEMANDA

Ako po si NURSARIYA AJAHUM LAMANI, nasa hustong taong


gulang, Filipino at kasalukuyang naninirahan sa 2934-19 M. Adriatico
St. Malate, Manila matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay
kusang loob na nagsasalaysay ng mga sumusunod:

1. Aking pormal na inirereklamo dito sa Office of the City


Prosecutor upang masampahan ng kasong
QUALIFIED TRESPASS TO DWELLING sina JUN
AGUILAR at apat (4) pang JUAN DELA CRUZ;
VIOLATION OF DOMICILE ang isang (1) pulis na
kanilang kasama;
INCRIMINATORY MACHINATIONS silang lahat; at
MALICIOUS MISCHIEF silang lahat;
na kanilang ginawa at isinakatuparan noong umaga ng
Setyembre 2, 2012 sa M. Adriatico St. Malate, Manila;

2. Sina Jun Aguilar at ang apat (4) pa niyang kasamahan ay


pawang mga crew ng MERALCO SMS Alabang at maaaring
padalhan ng subpoena at iba pang notice sa address ng
MERALCO sa 8th Floor, Lopez Bldg. Ortigas Avenue, Pasig City;

3. Noong nabanggit na araw, habang kami ng aking anak,


pamangkin, at tatlong (3) apo na menor de edad ay nasa loob
ng aming bahay, ay bigla at walang pahintulot na pumasok sa
loob ng aming bahay sina JUN AGUILAR at ang kaniyang mga
kasamahan;

4. Na laking takot at gulat namin sa kanilang walang agam-agam


na pagpasok, lalo na ng nakita ko na mayroong kasamang pulis
ang grupo, ay hindi ko na nagawa pang pumiyak;

5. Na kahit wala silang maipakitang search warrant ay biglaan,


walang pasintabi, at marahas nilang hinalughog ang aming
bahay, at pinakailaman ang aming mga appliance. Dahil dito ay
nasira ang ilan sa aming gamit na nagkakahalaga ng humigit
kumulang Apatnapung Libong Piso (Php40,000.00);

6. Dahil sa laki ng aking takot para sa kaligtasan namin ng aking


pamilya, kahit labag sa aking kalooban, sinunod ko lahat ng
pinagawa nila sa akin- ang paghawak sa mga gamit habang ako
ay kukuhanan ng litrato;

7. Pinaratangan din nila na ako daw ay mayroong illegal na


connection ng kuryente bago sila umalis. Kahit alam ko na wala
itong katotohanan, di ko na nagawang umalma;

Page 1 of 2
8. Ang di pangkaraniwang insidente ay aking ipinablotter (Copy of
Blotter is hereto attached as Annex A);

9. Di kalaunan, laking gulat ko namin dahil kami ay sinisingil ng


MERALCO ng halagang Isang Daan Labing-Isang Libo, Apat na
Raan Limamput-Dalawang Piso at Animnaput-Limang Sentimo
(Php111,452.65) dahil daw sa ako ay mayroong outside
connection;

10. Na ako ay nagsampa ng kaso sa Energy Regulatory Commission


dahil sa di makatarungang ginawa nila sa akin;

11. Ang kanilang ginawa ay nagdulot sa akin ng labis na


pagkatakot at pagkabalisa, lubos na pag-aalala, pagkataranta,
walang kapayapaang pag-iisip, at bahid sa aking pangalan;

12. Akin pong ginawa ang salaysay na ito ng kusang loob upang
ireklamo at pormal na masampahan ng kasong QUALIFIED
TRESPASS TO DWELLING sina JUN AGUILAR at apat (4)
pang JUAN DELA CRUZ; VIOLATION OF DOMICILE ang isang
(1) pulis na kanilang kasama; INCRIMINATORY
MACHINATIONS at MALICIOUS MISCHIEF silang lahat;

BILANG PATOTOO, ay nilagdaan ko ito ngayong ika-___ ng


_______________ 20___ dito sa ____________________.

NURSARIYA AJAHUM LAMANI


Nagrereklamo

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this ___ day of


_______________ 20___ at the City of Manila, affiant showing to me
_______________________________________________________________________.
I further certify that I have personally examined the Affiant I am satisfied
that he voluntarily executed his Complaint-Affidavit, he understood the
contents of the same and that the same is his voluntary act and deed.

Page 2 of 2

Anda mungkin juga menyukai