Anda di halaman 1dari 1

ALAMAT NG CATARMAN HILAGANG SAMAR

ni: Unknown

Noong unang panahon may isang magsasaka na nasipag at sari-saring mga


malulusog na pananim ang tumutubo sa gilid ng baybayin. Ang mga produkto
niyang gulay at punong kahoy ay binabarter niya sa ibang pangpangunahing gamit
sa bahay. Isang araw habang masaya siyang naggagapas ng mga tumutobong damo
sa kanyang mga panamin may dumating na mga kastila na lulan sa barko at
dumaong sa dalampasigan malapit sa kanyang pananim. Siya ay kinaway ng isang
lunan ng bangka, at lumapit naman siya na nakangiti na dala ang kanyang bulo na
gamit saa paglinis ng kanya mga pananin. Anong lugar ito rito? tanong ng Espanyol
sa magsasaka sa salitang kastila? Ngunit narinig lang ng magsasaka pero hindi nya
naintindihan ang sinabi ng Espanyol sa kanya. Habang nagtatanong ang kastila ay
nakatitig ito sa talim ng kanyang itak kay ang akala niya ay iyong ang itinatanong sa
kanya at isinagot niya ay KATARUMAN na ibig sabihin na ang matalim sa parte ng
itak. Mula noon Kataruman na ang tawag ng mga Kastila sa lugar tuwing sila ay
pumupunta. At sa kalaunan ay naging bayan ng Catarman.

RRFP 2017