Yu
Sa unang mga bahagi ng artikulo, pinakita na ang tao mismo ang gumawa ng wika upang
mapahayag nila ang kanilang damdamin at magbahagi ng talino sa iba. Tto ang nagkakaisa sa
mga tao upang maging isang lipunan, ngunit habang papalaki ng papalaki ang isang lipunan,
unti-unting nagkakaiba ang wika at kultura ng mga mamamayan na kasama dito. Nagkakaroon
na rin ng mga di-pagkakapantay-pantay sa gamit ng wika, gaya ng pagkakaiba ng superyor at
imperyor na wika sa isang lipunan. Mayroon din namang mangilan-ngilan na naniniwala pa rin
sa teoryo ng Babel na nagsasabing ang mga wika sa mundo ay galing sa isang orihinal na wika at
dito sumilang ang "language universal" ng mga rasyonalista. Dito na pumapasok ang papel ng
estado upang ipagkaisa ang lipunan sa pamamagitan ng pagdedeklara ng isang wikang
pambansa.
Paano nga ba nagsulputan ang mga wika gaya ng Filipino English sa ating bansa? Ang
sinasabi ng teorya ng akomodasyon ay may tendensiya na bumagay sa pagsasalita ang isang tao
sa kanyang mga kausap upang maki-isa o maipagmalaki na kasama siya sa grupo (linguistic
convergence). Mayroon din namang ilan na pilit iniiba ang kanilang wika upang maipakita ang
pagkaka-iba niya sa grupo na siya'y may sariling kakayahan at identidad(linguistic divergence).
Ngunit may iba na pinag-aralan talaga ang wika na dayuhan sa kanya, bilang pangalawang wika.
Nagbabago o naiimpluwensiyahan ng kanilang unang wika ang pagsasalita nila sa pangalawang
wika (interlanguage), nakakabuo sila ng mental grammar pagdating sa pagtuto nila sa
pangalawang wika. Ito talaga ang pinagmulan ng mga wika gaya ng Filipino English. Dahil sa
mga dayuhang nagsasalita ng Ingles na pumunta sa Pilipinas, unti unting nabago ang pagsasalita
ng parehong dayuhan at mga Pilipinong kanilang kinakausap, nagkakaroon sila ng lingua franca
kung saan napaghahalo ang magkaibang wika upang parehong magkaintindihan ang nag-uusap.
Ngunit alam naman natin na ito'y hindi dapat ipagmalaki dahil mas marami ang
natatangkilik matutunan ang wikang dayuhan kaysa sa ating wikang pambansa. Gagamit tayo
ng tatlong pangunahing persperktiba o aspekto upang mapag-aralan pa ng mabuti ang ating
wikang Pambansa at ang halaga nito. Unang una ay ang persperktibong sikolohikal, dapat ay
may sapat na kaalaman ang estudyante o guro ng wika sa konsepto ng varayti ng wikang
FIlipino, pati na rin ang kasaysayan nito at ang terminolohiyang FIlipino ay isang bagong
konsepto ng wikang pambansa. Dahil na rin sa mga sumakop sating bansa, nagkawatak watak
ang bansa habang pumipili ng isang pangunahing wika para sa maging wikang pambansa. Kaya
naisipan nga mga tagaplano ng wika na mag-adap ng isang wika na masasakop lahat ng
katutubong wika pati na rin ang Ingles at Espanyol. Dahil sa aksyong ginawa ng nagsulat ng
batas na ito, mas naging malay ang mga Pilipino na may papel siya sa pagpapaunlad ng
kaniyang pambansang wika. Mangangahulugan ito na mas lalago pa ang mga varayti ng Filipino
kung madalas na itong gamitin sa pag-uusap at pagsusulat. Sa puntong pedagohikal naman,
malaki ang maitutulong ng pagtuturo ng wikang Filipino sa loob ng silid aralan. Magagamit ito
upang maipakita sa mga estudyante ang kanilang papel sa pagpapa-unlad ng kanilang wika.
Ito'y magreresulta sa isang interaktibong pag-aaral sa loob ng klasrum. Hindi lang ang guro ang
magtuturo at ang estudyante ang matututo, parehong magkakaroon ng dagdag na
impormasyon sa kanilang sariling wika. Mas maimumulat ang mga mata ng mga estudyante at
pati na rin ang mga guro na ang mga gumagamit ng wikang pambansa ay hindi naiiba kundi
kasali. Mawawala na ang problema na sinabi ni Rouseau na hierarchy sa wika. Ang huling
perspektibo naman ay ang intelektwal. Ito ang pinaka-hindi pa nasisisid na balon mga Pilipino,
marahil dahil na rin bago palang ang sosyolingguwistiks sa ating bansa. Kakaunti palang ang
pag-aaral tungkol sa sariling nating wika at ang mga varayti nito. Kung hindi tayo kumilos, hindi
imposible na ang mga dayuhan nanaman ang gagawa ng saliksik para sa ating sariling wika.