Anda di halaman 1dari 1

Ang MORPOLOHIYA ay ang pag-aaral ng mga moperma ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang

makabuo ng wika.

MORPEMA

- Ito ang tawag sa nabuong salita


- Pinakamaliit ng yunit ng wika na may mga kahulugan
- Ito ay maaaring salita o bahagi lamang ng salita

Halimbawa:
Mabait=ma + bait matalino = ma+ talino
MORPOPONEMIKO

- Karamihan sa mga pagbabago sa anyo at bigkas ng mga salita ay dulot ng pagdaragdag ng panlapi o
pagsasama ng dalawa o higit pang morpema upang bumuo ng salita.

URI NG MORPOPONEMIKO

1. ASIMILASYON- ang unang tunog ng isang bahagi ng salita ay itinutulad sa katabi niyang tunog.

Mga Uri ng Asimilasyon:

a. Di-ganap- gumagamit ng mga sumusunod na panlapi (man,sing,kasing,magkasing, at pang). Sa


mga panlaping ito ang N ay magiging:
M= kapag ang salitang inuunlapian ay nagsisimula sa P at B
N= kapag ang salitang inuunlapian ay nagsisimula sa D, L,R,S at T
NG = kapag ang salitang inuunlapian ay nagsisimula sa K,G, H, M at N

Halimbawa:
Kasing+bait--- kasimbait
Pang+ dalawahan -- pandalawahan
Magkasing+haba magkasinghaba

b. Ganap

Halimbawa:
Man+ sulat manulat or manunulat
Man + kuha mangkuha ---manguha

2. Pagkakaltas nawawala ang huling patinig ng salitang ugat kapag nilagyan ito ng hulapi
Halimbawa:
Dakip +in --- dakipin---dakpin
Asin + an -- asinan ---asnan
3. Paglilipat ng Diin

Halimbawa: iwas iwasan


Hawak ---hawakan

4. Pagbabago ng Ponemo o pagpapalit pinapalitan ang D ng R, H ng N at O ng U


Halimbawa:
Ma + dami --- marami Dugo+an---duguan Lipad+in ---liparin
Ma+ dapat ---marapat Kayod+in ---kayurin
5. Pagpapaikli/May Angkop pagkakaltas sa isa sa dalawang salitang magkasunod at kung minsa ay
pagpapalit ng mga titik
Halimbawa:
Mayroon meron wika mo ikamo Tayon na- tena
Hintay ka teka tingnan mo ---tamo
6. Reduplikasyon pang-uulit ng ilang tunog ng salitang-ugat
Halimbawa:
Sasakyan lalakad
Mamamayan mamimitas
7. Metatisis pagpapalitan ng posisyon ng mga tunog sa isang nilalapian
Halimbawa:
Lipad + in linipadnilipad yaya+inyinaya--niyaya
8. May sudlong pagdaragdag ng hulapi sa pandiwang di-karaniwang may hulapi na
Halimbawa:
Antabay +an ---antabayan ---antabayanan Paalala+han paalalahananpaalalahanan

Anda mungkin juga menyukai