Anda di halaman 1dari 5

Alamat ng Pinya

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa malayong lugar. Ang inay ay si Aling rosa,
samantalang ang kanyang anak ay si Pinang. Gustong gusto ni Aling Rosa na turuan si Pinang
gumawa ng gawaing bahay ngunit parating sinasabi ni Pinang na siyay marunong na.

Isang araw, Si aling rosa ay nagkasakit at napilitan si Pinang to magluto para sa kanyang ina. Matagal
si Aling Rosa na nagkasakit at si Pinang ay matagal ring nagluto at naglinis ng bahay. Pagkadaan ng
ilang araw pumunta si Pinang kay Aling rosa at sinabing hindi niya mahanap ang pospora at ang
panandok. Sagot naman ni Aling Rosa Naku! Pinang, sanay magkaroon ka ng maraming mata
upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong ng tanong sa akin.

Pagkalipas ng ilang araw nagtaka si Aling Rosa bakit hindi na si Pinang nagdadala ng pagkain para sa
kanya. Pagkagaling ni Aling Rosa, hinanap niya si Pinang, siyay naagtanong sa mga kapit bahay
ngunit walang nakakita sa kanya. Pag tingin niya sa kanyang bakuran may nakita siyang bagong
halaman na tumubo ang bunga nito ay parang mukha na maraming mata. Naala niya ang kanyang
sinabi kay Pinang at siyay nagmukmok.

Ang pangalan ay naging Pinang, ngunit pagkaraan ng panahon ito ay naging Pinya.

ARAL: Ang aral ng alamat ng pinya ay dapat maging masunurin tayo sa pinag-uutos sa atin ng ating
mga magulang. Huwag magdadabog, sa halip ay pagsikapang matapos ang gawain upang maging
ulirang anak. Ang pagsunod sa magulang ay maituturing na pagmamahal. Ang nangyari kay Pinang
ay nagpapatunay na ang hindi pagsunod sa magulang ay mayroong katapat na parusa.
Alamat ng Rosas

Noong unang panah0n ay may isang magandang dalaga mula sa malayong bayan ng Tarlac na
Rosa ang pangalan. Bukod sa iwing ganda ay nakilala rin si Rosa na gagawin ang lahat para
mapatunayan ang tunay na pagibig.

Ayon sa kwento nakatakda nang ikasal si Rosa kay Mario nang matuklsang may malubhang sakit ang
lalaki. Sa kabila ng lahat ay pinili ng dalaga na pakasal sila para mapaglingkuran ang lalaki hanggang
sa mga huling sandali ng buhay nito.

Gayunman ay hindi pumayag si Mario. Anang binata ay sapat na sa kanya na baunin ang pag-ibig
ng dala sa kabilang buhay.

Pinaglingkuran ni Rosa si Mario. Hindi siya umalis sa tabi nito. Ang ngiti niya ang nasisilayan ni Mario sa
pagmulat ng mata at ang kanya ring mga ngiti ang baon nito sa pagtulog.
Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling bagay na nasilayan ni Mario bago panawan ng hininga.
Ang mga ngiti ni Rosa ay hindi napawi kahit nang ilibing si Mario at kahit nang dinadalaw ang puntod
nito at pinagyayaman. Nang tanungin kung bakit hindi nawala ang ngiti sa mga labi ay ito ang sabi
niya.

"Alam kong nasaan man si Mario ay ako lang ang babaing kanyang minahal. At alam ko rin na
maghihintay siya sa akin para magkasama kami na hindi na maghihiwalay pa."

Naging inspirasyon ng iba ang ipinakitang lalim ng katapatan at pagmamahal ni Rosa sa katipan.
Bago namatay ay hiniling ni Rosa na sa tabi ng puntod ni Mario siya ilibing. Kakatwang may tumubong
halaman sa kanyang puntod at kayganda ng naging mga bulaklak.
Tinawag nilang rosas ang mga iyon bilang alaala ng isang dalagang simbolo ng tunay ng pag-ibig.

ARAL: Ang aral sa alamat ng rosas ay tunay na pagmamahal na hanggang kamatayan man ay hindi
mawawala. Pagmamahal sa pamilya, kaibigin at kapwa ang dapat panatilihin. Dapat laging manaig
ang ngiti at kasiyahan na hindi mawawala sa atin lahat. Ang pagmamahalan nila Rosa at Mario ang
dapat gayahin natin dahil ito ay wagas.
Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang
kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may
anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si
Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na ma manipis na balat, at si Patola na may
gaspang na kaakit-akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang
maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya
gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at
kanyang isinuot.
Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan.
Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita
nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang kanilang mga mata
ng tumambad sa kanila si Ampalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong nila ang
ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang
katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang
kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa
loob ng kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang
panlasa sa kanya at pait ang idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim.

ARAL: Ang aral sa alamat ng ampalaya ay dapat hindi mainggit sa kapwa. Matutong makuntento sa
likas na itsura at taglay na katangian sapagkat kadalasan ang inggit na ito ang magdadala sa atin ng
kapahamakan at lalung magpapalubha sa ating kalagayan. Mahalin ang pinagkaloob na katangian
ng Panginoon sapagkat tayong lahat ay likas na magkakaiba ng ganda. Ang pagkukumpara sa iba
ng ating sarili ay hindi maganda.
Alamat ng Paru paro

May isang mabait na Diwata sa kagubatan. Marami siyang mga alagang hayop at mga halamang
namumunga at namumulaklak. Dahil napakabait niya ay maraming mga tao mula sa kapatagan ang
pumupunta sa kanya. Bata at matanda ay nanghihingi sa kanya ng mga bulaklak, gulay at prutas na
kanyang ani. Kahit karne ay nagbibigay din siya lalo na sa mg alam niyang mahihirap. Walang sawa
ang kanyang pagtulong. Isa lang naman ang ibig kung ipakiusap. Igalang ninyo ang mga halaman
a mga hayop sa bundok. Pangalagaan ninyo sila, samo niya sa mga tao. Sinunod naman siya ng
mga tao. May dalawang babae na taga ibang lugar ang nakabalitan sa mga magagandang
pananim ng diwata. Nagtungo ang mga ito sa kagubatan upang manguha ng mga magagandang
bulaklak.
Napakagaganda nga ng mga bulaklak. Maipagbibili natin ng mahal ang mga iyan, tuwang-tuwa
nilang sabi habang nakasilp sa harden ng diwata. Hinintay ng dalawang babae na maka-alis ang
diwata bago nila pinasok ang Harden. Pinili nila ang pinakamagagandang bulaklak at agad nilang
pinagpipitasan ang mga ito. Pinili rin nila ang pinakamalalaki at pinakamakukulay. Marami na silang
napitas ay ayaw parn nilang tumigil. Kunin na natin ang lahat n gating mkukuha. Baka mtagalan na
bago tayo makabalik, ang sabi ng isa. Noon dumating ang diwata. Nanlumo ito ng makita ang
ginawa ng dalawang babae sa kanyng mga tanim. Sa galit ng diwata iwinasiwas niya ang kanyang
gintong Baston. Sa isang iglap lumiit ang dalawang babae at nagging mga kulsap na may makukulay
na pakpak. Gusto ninyo ng mga bulaklak kaya ibibigay ko ang gusto niyo pero hind ninyo sila
mapipitas, anang diwata sa dalawang kulisap na lilipad-lipad sa kanyang harapan.
Hanggang sa ngayon ay nagpapalipat-lipat lamang ang dalawang insekto sa mga bulaklak. At sila
ay tinawag na Paruparo.

ARAL: Ang aral sa Alamat ng Paruparo ay hindi dapat maging makasarili ang tao na naging dahilan
upang magnakaw ang dalawang dalaga. Dapat igalang ang pag-aari ng iba at ito ay hindi dapat
kuhanin ng walang paalam. Dapat matuto tayo na humingi kung tayo ay nangangailangan. Ang
pagnanakaw ay kasalanan na ipinagbabawal ng ating Panginoon.
Alamat ng Butiki

Noong unang panahon, may isang batang ubod ng pilyo at pakialamero sa lahat ng bagay. Marami
tuloy ang nagagalit, kaya madalas mapalo at mapagalitan si Kiko ng ama't ina. Gayunpaman, wala
ring kadala-dala ang batang ito na lalong tumigas ang ulo at wala pang galang sa mattanda. Dahil
dito, walang may gustong makipagkaibigan sa kanya. Palibhasa'y walang kalaro, ang mga hayop na
lang ang ginawang libangan nito. Ang maaamong hayop ay nagiging mailap dahil sa pananakit ni
Kiko. Kalaunan, pati ang tanim ng may tanim ay lihim nitong sinisira.
Isang araw, habang nagwawalis ng bakuran ang ina ay lumapit si Kiko sa punso at walang sabi-
sabing winasak ito. Galit na galit ang ina sa anak. Pagkatapos ay abut-abot ang kanyang paghingi
ng paumanhin sa mga duwende. Pinangaralang mabuti ng ina si Kiko na huwag uulitin ang ginawang
paglapastangan nito sa punso dahil masamang magalit ang mga lamang-lupa.
Subalit kinabukasan, matapos isuga ang kalabaw ay bayawak naman ang napagtuunan ng pansin
ng batang sutil. Sinundan ito ngunit nawala nang sumuot sa nakausling ugat ng puno. Hawak ang
tirador ay sinaliksik ni Kiko ang buong paligid.
Laking galak nito nang matagpuan ang maraming itlog ng bayawak, at tuwang-tuwa na tinirador
ang mga itlog. Biglang nagulat ang bata nang lumitaw sa harp niya ang isang duwende.
"HOY! BATANG SALBAHE, BAKIT MO BINASAG ANG MGA ITLOG? HINDI MO BA ALAM NA MAY BUHAY
SALOOB NITO? SA GINAWA MONG IYAN, KITA'Y PARURUSAHAN. MAGIGING KALAHI KA NG
BAYAWAK...!. "Huwag po, maawa po kayo sa akin. Magpapakabait napo ako, sani ng bata."
"SINUNGALING!,BILANG PARUSA, IKAW AY HAHALIK SA LUPA BAGO MAGTAKIP SILIM AT DAHIL IKAW AY
TAO NA NILALANG NG MAYKAPAL KAYA SA TAHANAN KA RIN MANANAHAN. BUTIKI ANG ITATAWAG SA
IYO!" Pagkawika'y dagling naglaho ang duwende. Dali-daling kumaripas ng takbo ang nahintakutang
bata at nagsisigaw nang..."AYOKONG MAGING BUTIKI NANAY, TULUNGAN MO AKO... AYAW KONG
MAGING BUTIKI...!" Napadungaw ang ina at kitang-kita niya ang pagkasubasob ng anak bago paman
ito nakaakyat ng hagdan. Nagtaka ito sa pagbabagong-anyo ni Kiko hanggang maging maliit na
hayop na animo'y bayawak. Palibhasa'y "BUTIKI" ang huling katagang narinig sa anak, kaya butiki na
rin ang itinawag niya rito. Bagama't mabait ay mailap ang hayop na ito dahil sa hiya.
Patuloy pa rin ang paghalik ng butiki sa lupa tuwing dapithapon. Panahon na lang ang hahatol kung
nararapat na ngang ibalik sa dating anyo si Kiko. Para sa mga duwende, mabuti nang manatili itong
butiki sa habang panahon.

ARAL: Ang aral sa Alamat ng Butiki ay dapat tayo ay maging mabuti hindi lamang sa ating kapwa
kundi sa kahit na ano mang bagay na may buhay. Tayo ay walang karapatang manggulo sa buhay
ng iba. Dapat bilang bata tayo ay marunong umasal ng tama at may paggalang sa lahat ng
nilalang. Ang nangyari sa batang pilyo ay nagpapatunay lamang na walang maidudulot na
maganda ang paggawa ng masama.

Anda mungkin juga menyukai