Anda di halaman 1dari 5

Ang Mga Pananaw na Teoretikal

Ang Pagtuturo at Pagkatuto ng Wika

Ano ang wika? Maraming depinisyon ang maikakapit sa wika. Bibigyang-kahulugan natin
ito bilang sining ng komunikasyon. Sa malawak na pananaw dito, ang wika ay hindi lamang
nakatuon sa anyo nitong pasalita o pasulat. Ayon kina Sampson et.al. (1995:4) ang wika ay isang
obra maestra ni Picasso, isang komposisyon ni Beethoven, o di kayay kahanga-hangang
pagtatanghal ng mga dyimnast sa Olimpyada.

Totoong ang wika ay makikita sa mga produkto ng pagsulat ng mga mag-aaral o


maririnig sa kanilang pagsasalita ngunit higit pa rito ang nasasaklawan ng wika. Ang wika ay
nakaugat sa ating karanasan. Ang mag-aaral na may sapat na kabatiran sa mga nagaganap sa
kanyang kapaligiran ay inaasahang magiging matataas sa paglalahad ng kanyang mga ideya o
kaisipan tungkol sa kapaligirang ito. Kaya sa pagtuturo ng wika, nararapat lamang na ihantad ang
mga mag-aaral sa ibat ibang makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na
gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat at mga magasin, palikhain ng
tula na malalapatan ng himig, pasulatin ang isang maikling dula, paguhitin ng magagandang
tanawin, pasalihin sa mga interaktibong talakayan- lahat ng mga karanasang itoy magsisilbing
matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.

Ang mga Batang Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika

Sa mga talakayan sa larangan ng pagtuturo ng wika, maging Filipino o Ingles man, palagi nang
nakasentro ang usapan sa mga guro ng wika at kung paano sila nagtuturo. Mayroon ngang banggit
tungkol sa mga mag-aaral subalit mga palipad hangin lamang. Sa katunayan mas mahalagang
isipin muna natin ang tungkol sa mga batang ating tinuturuan: Sino sila? Saan sila galing? Ano
ang alam nila? Anong mga motibasyon nila sa pag-aaral ng wika?Ano ang palagay nila sa wikang
Filipino? Paano sila natututo ng wika? Samakatuwid, ang simula ng lahat ng pagsisikap
sapagtuturo ng Filipino sa ating paaralan ay ang pag-unawa sa kalikasan at pagkakaiba-iba ng mga
bata sapaaralan, pati na ang pagkakaroon ng kaalaman atlubusang pang-unawa kung paano
natutuhan ang wika, unao pangalawang wika man, at ang mga proseso sapagkatuto nito.
Napaniwala tayo ng popular na kaalaman na masmadaling matuto ng pangalawang wika ang mga
bata kaysamay edad nang mag-aaral. Sa mga ganitong paniniwala,nararapat lamang ang ilang
kwalipikasyon.Una, hindi totooong mas madaling matuto ngpangalawang wika ang mga bata. May
mga patunay namarami rin silang mga pagsisikap na ginagawa upangmatutuhan ang kanilang una
at pangalawangwika (Brown,1994). Ang kaibhan sa pagkatuto ng wika sa pagitan ngmga bata at
may-edad na mag-aaral ay nababatay salikas at natural na paraan ng pagsasalita ng mga bataat
kalimitang hindi nila binibigyang pansin ang anyong wikang sasabihin. Samantalang sa isang may
edad nanag-aaral ng wika, tahasang binibigyan niya ng pokusang salitang bibigkasin at pinag-
iisipang mabuti anganyo ng wikang kanyang sasalitain.Ikalawa, may mga pag-aaral na nagsasabi
na angmay edad ay may higit na kakayahan sa pagtatamo ngpangalawang wika. Magagawa nilang
makapagsaulo nghigit na maraming talasalitaan kaysa mga bata. Maarisilang gumamit ng mga
prosesong deduktibo at bstraksyon sa pag-aaral ng balarila at iba pangkonseptong panlinggwistika
kaya sa kabila ngotomatikong pagpoprosesong ginagamit ng mga bata sapagtatamo ng wika,
maaaring magkaroon sila ng problemasa pag-aaral ng pangalawang wika.Ikatlo, hindi malinaw
ang hangganan ng edad ngmga batang bago pa lamang magsalita sa mga batang pre-pubescent.
Lumilitaw sa maraming pagkakataon na maymga batang totoong hirap sa pagtatamo ng
pangalawangwika dahil sa maraming kadahilanan. Pangunahin sa mgakadahilanan ay may
kinalaman sa mga salik napersonal, sosyal, kultural at politikal.Ang pagtuturo ng wika sa mga bata
ay hindi bastanagaganap sa pamamagitan ng pagbibigay ng maramingkaranasang pangwika sa
loob ng klasrum. Kailangan ngguro ng tanging kasanayan at intwisyon na kaiba kung mga may
edad na mga mag-aaral ang tuturuan niya.Inilahad sa ibaba ang limang kategorya na may
kinalaman sa paglaki at pag-unlad ng mga mag-aaral namaaaring makatulong sa guro sa pagpili
ng mgapraktikal na teknik at istratehiya sa pagtuturo ngwika.

1.Intelektwal na Pag-unlad

Dahil sa ang mga bata (humigit kumulang hanggang edad labinsiyam) sa ganitong edad ay nasa
yugto pa rin ng tinatawag ni Piaget naconcrete operations, dapat lamang na isaalang-alang ang
kanilang mga limitasyon. Ang mga tuntunin at mga paliwanag tungkol sa wika ay kailangang
gamitin ng may ibayong pag-iingat. Hindi masyadong pinahahalagahan ng mga bata ang ganitong
yugto ng paglaki ang nosyon ng mga edad ng kawastuhan at lalong higit na hindi nila
mauunawaan ang mga pagpapaliwanag ng tungkol sa mga konseptong panlinggwistika. Ilang mga
tuntunin para sa mabisang pagkaklase:

Iwasan ang paggamit ng mga teknikal na salita sa pagpapaliwanag ng ilang kaalamang


pambalarila (e.g. ponolohiya, morpema atb.)
Iwasan ang pagbibigay ng mga tuntunin na makalilito sa mga nag-aaral.

2.Tagal ng Pagkawili (Attention Span)

Isang kapansin-pansing kaibhan ng mga may edad sa mga bata ay ang tagal ng panahon ng
kanilang pagkawili. Mahalagang maunawaan ng guro ang kahulugan ng tagal ng panahon ng
pagkawili: Paupuin mo ang mga bata sa harapan ng TV na ang palabas ay ang paborito nilang
cartoon at asahang walang tatayo ni isa man sa kanila hanggang hindi natatapos ang palabas.
Kayat hindi ka maaaring magbigay ng isang paglalahat na maikli lamang ang tagal ng panahon
ng pagkawili ng mga bata. Mangyayari lamang ang maikling panahon ng pagkawili kung ang
pagkaklase ay nakakasawa at walang kabuhay-buhay. Dahil mahirap minsan ang paksang pinag-
aaralan sa wika, tungkulin mong gawin itong kawili-wili, buhay at masaya. Paano mo ito gagawin?

Mag-iisp ng mga gawaing may kagyat nakawilihan para sa mga bata.


Maglahad ng mga makabago at ibat ibang gawain.
Gawing buhay ang pagkaklase at huwag mabahala na mag-oober-akting dahil kailangan
ito ng mga bata para silay maging gising at listo.
Tuklasin ang kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa pagpapanatili ngkanilang
kawilihan.
Isaalang-alang ang pagiging palatanong o kuryusidad ng mga bata upang mapanatili ang
kanilang kawilihan.

3. Pakilusin ang ibat ibang Pandamdam (Sensory Input)

Maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga bata tulad ng role play at mga laro.
Gumamit ng ibat ibang kagamitang panturo na makatutulong sa pagpapatibay ng mga
kaisipangnatamo.
Isaalang-alang din ang paggamit ng sariling mga non-verbal language.

4.Mga Salik na Apektib (Affective Factors)

Iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang na makagagawa sila ng pagkakamali sa


pagsasalita, pagbabasa at pagsulat habang nag-aaral ng isang wika.
Maging mapagpaumanhin at ibigay ang lahat ng suporta upang magkaroon ng tiwala sa
sarili ang bawat mag-aaral, ngunit maging tiyak sa mga inaasahang matatamo ng iyong
mag-aaral.
Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula sa mga mag-aaral lalot higit
iyong mga tahimik sa klase upang mabigyan sila ng maraming pagkakataon na subukin
ang ibat ibang gawain sa pag-aaral ng wika.

5. Awtentiko, Makabuluhang Wika

Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi awtentiko at di makahulugan. Magaling ang
mga bata sa paghalata ng wikang di awtentiko; dahil dito, iwasan hanggat maaari ang mga
de kahon o di natural na paggamit ng wika.
Ang mga pangangailangang pangwika ng mga mag-aaral ay kailangang nakapaloob sa
isang konteksto. Gumamit ng mga kuwento, sitwasyon, mga tauhan at mga usapang
pamilyar sa karanasan ng mga mag-aaral upang mapanatili ang kanilang atensyon at
mapatatag ang kanilang retensyon.
Iwasan ang paghahati-hati ng wika sa maliliit nitong sangkap dahil mahihirapan ang mga
batang makita ang kabuuan nito. Bigyang-diin din ang pag-uugnayan ng mga kasanayan
sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Hindi biro ang maging epektibong guro ng
wika. Inaasahang sa pagdaraan ng mga araw, makatutulong sa mga guro kahit bahagya ang
mga inilahad na patnubay lalot higit sa mga baguhang guro sa paaralan.

Ang mga may Edad na Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika

Bagamat maraming tuntunin sa pagtuturo ng mga bata na maaaring ilapat kung may edad na
mag-aaral ang tuturuan, dapat pa ring alalahanin na maraming pagkakaiba ang dalawang pangkat
na ito ng mag-aaral na kailangang alam ng isang guro. Mas higit ang kakayahang kognitibo ng
mga may edad kaysa mga batang mag-aaral kayat maaaring mas magiging matagumpay sila sa
ilang mga gawaing pangwika sa loob ng klasrum. Mapapagalaw nila nang mabisa ang kanilang
pandamdam(imahinasyon sa pagsamyo ng bulaklak vs.totoong amoy ng bulaklak) na hindi pa
kaya ng mga bata. Maaaring pareho ang antas ng kanilang pagiging mahiyain pero higit na may
tiwala sa sarili ang mga mayedad na mag-aaral. Kung may limang salik na isinasaalang-alang sa
pagtuturo ng wika sa mga bata, mayroon ding mga mungkahing dapat isaalang-alang kung may
edad na mag-aaral ang tuturuan.

a.May kakayahan na ang mga may-edad sa pag-unawang mga konsepto at mga tuntuning
mahirapunawain. Pero kailangan pa rin ang pag-iingat.Maaaring kainisan ng mga ito ang
masyadongmahirap o masyadong madali na paglalahat attuluyan silang mawalan ng gana sa pag-
aaral.

b.Maaaring mahaba ang kanilang panahon ngpagkawili subalit ang mga gawaing maikli at ayonsa
kanilang interes ay hindi dapat kaligtaan.

c.Hanggat maaariy gisingin ang lahat nilang mgapandamdam upang ang klasey maging masigla
atlaging buhay.

d.May taglay din silang kaunting tiwala sa sarlikayat hindi masyadong kritikal ang
kanilangpagiging maramdamin. Subalit hindi dapat iwaksi ang mga salik emosyonal na kaugnay
ng kanilang pag-aaral ng wika.

Implikasyon sa pagtuturo ng pag-alam ng pagkakaiba ng mga bata at may-edad na mag-aaral ng


wika

a. Igalang ang mga damdaming emosyunal ng mga mag-aaral lalo na iyong medyo mahina
sa pagkatuto
b. Huwag ituring na parang bata ang mga may edad namag-aaral
(a.)Huwag silang tawagin na mga bata
(b.)Iwasan ang pagkausap sa kanila na parangbata
c. Bigyan sila ng maraming pagkakataon paramakapamili at makapgbigay ng sariling
desiyonhinggil sa kung ano ang maaari nilang gawin saloob at labas ng klasrum
d. Huwag disiplinahin ang mga may-edad na parang mga bata. Kung may lumalabas na
suliraning pandisiplina (di-paggalang, pagtawa, pag-abala saklase at b), laging ipalagay na
may-edad iyong tinuturuan at may kakayahan silang umunawa at magpaliwanag sa bawat
kilos at galaw na ipinakikita nila sa loob at labas ng klasrum.

Ang Mga Tinedyer at ang Pagtuturo ng Wika

Mahalaga ring isaalang-alang sa alimang pagtuturoang pangkat ng mga mag-aaral na nagbibinata


onagdadalaga na. mga tinedyer o bagets na may edadmula 12-19 ang tawag sa pangkat na ito ng
mga mag-aaral sa sekundarya.Sakit ng ulo, ang tawag ng ilang guro sa mga mag-aaral na nasa
ganitong edad. Ito ang yugto ng paglaki na silay lito, kimi at kakikitaan ng maramingpagbabago
sa kanilang anyong pisikal at intelektuwal.Ito ang edad tungo sa pagbibinata at
pagdadalaga.Samakatuwid, kailangan ang isang tanging set ng mga konsiderasyon kung ang
ganitong pangkat ng mag-aaralang inyong tuturuan. Bagamat kakaunti kung mayroon mantayong
mababasa tungkol sa pagtuturo ng mga mag-aaralsa ganitong edad, makabubuti siguro kung
pagtutuunannatin ng pansin ang mga ilang paalala:

1. May kakayahan na ang mga mag-aaral sa ganitongedad na gamitin ang mga proseso sa
abstraktongpag-iisip kayat maari nasilang ilayo nang unti-unti mula sa kongkretong paglalahad
ng mga gawaintungo sa sopistikadong pagpoproseso ng mgakaisipan subalit mahalaga pa ring
isaisip na angpagtatagumpay sa anumang gawaing intelektuwal aynaksalalay sa antas ng kawilihan
o atensyong ibinibigay ditto; kaya nga kung ang isang mag-aaral ay maraming pinagkakaabalahan
tulad ngbarkada, pagpapaganda sa sarili, disco, parti at iba pa, maaaring ang mga gawaing
pangklase at mgabagay hinggil sa kanilang pag-aaral ay maaaringmaisantabi.

2. Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attentionspan) ay tumatagal na rin bunga ng kahustusan
ngkanilang pag-iisip subalit maari itong magingpanandalian din dahil maraming pabagu-
bagongnagaganap sa pag-iisip at buhay ng isangtinedyer.

3. Maglaan din ng ibat ibang input na pandamdam (sensory input) sa mga pagkakataong kailangan
itong mag-aaral.

4. Tandaan na ang mga kabataan sa yugtong ito ngpaglaki ay nasa karurukan ng


kanilangpagpapahalaga sa sarili. Masyado silang sensitibosa kanilang mga naririnig na puna lalot
higittungkol sa kanilang mga pagbabagong pisikal, mgaemosyon at kanilang kakayahang
pangkaisipan. Isasa mga mahalagang tungkulin ng guro sa paaralang sekundarya ang mapanatiling
mataas angpagpapahalagang-pansarili ng kanyang mgatinuturuan sa pamamagitan ng mga
sumusunod:

pag-iwas na ipahiya sa klase;


pagpapahalaga sa kanilang iwi at pansarlingtalino at kalakasan;
pagiging maluwag sa mga pagkakamalingnagagawa sa pagkaklase;
pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase namaaaring mauwi sa di-pagkakaunawaan; at
paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loobng klase kung saan maari
silangmakipagsapalaran sa paglahok na hinditotoong magiging kahiya-hiya
kungmagkamaili man sila sa pagsagot.5.Hanggat maariy maging maingat sa pagbibigay
ngpuna at mahihirap na gawain lalo na doon sa maykahinaan sa pag-aaral. Isang malaking
dagok sakanilang katauhan kung silay maiinsulto lalonat sa harap ng klase.

Anda mungkin juga menyukai