Anda di halaman 1dari 1

Navarro, Gillian Joyce T.

Setyembre 4, 2017
10 - Lanao Del Norte Ms. Ayen Calimlim

HENERAL LUNA
REFLECTION PAPER

Ang aming pinanood ay pinamagatang Heneral Luna, isang pelikulang nakatuon kay
Heneral Antonio Luna simula noong pagbawi ng mga Amerikano mula sa mga Espanyol
ang teritoryo ng Pilipinas hanggang sa pagkamatay ng heneral noong ika-5 ng Hunyo
ng taong 1899. Sa pelikulang ito ipinakita ang mga pangyayari ng pagkakagulo sa loob
ng pwersa ng Pilipinas at dahilan ng pagkasawi ni Heneral Luna.

Ang linya ng pelikulang ito na pinaka-tumatak sa akin ay ang linya ni Heneral Luna na
"Kung magiging isang bansa man tayo, kailangan natin ng isang radikal na pagbabago."
Sinabi niya ito pagkatapos niyang ipa-aresto sina Felipe Buencamino at Pedro Paterno
dahil sa kanilang pagpapatuloy ng pagsuporta sa pagsasanib-pwersa ng mga Pilipino at
Amerikano samantalang may nagaganap na digmaan sa pagitan ng mga sundalo ng
bawat bansa. Para sa akin, makabuluhan ang linyang ito hanggang sa ngayon dahil
marami parin sa mga pangyayari sa kasalukuyan ay may relasyon pa rin sa
plsjfagkakaiba ng opinion. Karamihan sa mga pinaguusapan na nagkakaroon ng
pagkakasalungatan ay ukol sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang
kanyang tinatawag na "War on Drugs" na nagiging tulay papunta sa extrajudicial
killings. Magkasalungat ang opinion ng mga tao tungkol sa isyung ito kaya't ito ay
nagiging sanhi ng pag-aaway at pagkakawala ng kapayapaan. Para sa akin, ang bahagi
ng linya na "kailangan natin ng isang radikal na pagbabago," ay nakatutok sa pag-
aayos ng ating mga pagkakaiba ng opinion at makapokus sa kung ano man ang mas
ikabubuti ng nakararami.

Ang kontemporaryon isyu na aking natuklasan habang pinapanood ang pelikula ay ang
pag-aabuso sa pagiging makapangyarihan. Napakita ito nang namroblema ang mga
sundalong sasakay ng tren dahil sa pagimbita ng mga opisyal sa kanilang pamilya na
sumakay ng tren. Dahil sa kanilang mataas na posisyon bilang mga opisyal, naging
prayoridad pa sila sa tren na dapat sasakyan ng mga sundalo upang makapagtungo sa
kanilang kaukulang kampo para sa digmaan. Nabawi rin naman ito nang dumating ang
heneral ngunit napapakita pa rin ng pangyayaring ito ang pagiging sakim ng mga
opisyal na inuna pa nila ang kanilang mga pamilya kaysa sa pagbigay prayoridad sa
mga sundalong makikibaka upang mapagtanggol ang bansa.

Isa pang kontemporaryong isyu na ipinakita sa Heneral Luna ay ang pagkakapantay-


pantay ng mga kababaihan sa kalalakihan. Sinita ni Capt. Eduardo Rusca ang mga
lalaking sundalong tumakbo palayo sa trintsera nang lumala ang atake ng mga
Amerikano sa simulang parte ng pelikula. Sinabi ni Rusca na mas matapang pa ang
mga babaeng patuloy paring lumalaban. Pinakita sa eksenang ito ang pagkakapantay-
pantay ng mga kalalakihan sa kababaihan sa panahon ng digmaan.

Maaaring maisama na rin ang kontemporaryong isyu na kahirapan dahil sa kakaunting


parte ng pelikula na ipinakita ang pagsasalakay ng mga Amerikano sa mga tahanan ng
mga mahihirap. Hanggang sa ngayon, laganap pa rin ang kahirapan sa atin, lalo na
dahil karamihan sa kanila ay ang mga informal settlers na nakikita natin araw-araw.

Para sa akin, mahalaga na mapag-aralan natin ang ating kasaysayan dahil, maliban sa
pagiging Pilipino natin at ito ang naka-ambag sa ating kultura at mga tradisyon, maaari
rin nating matutunan ang mga pagkakamaling nagawa noon at maitama ito ngayon.
Ngunit maraming taon na ang nakalipas at wala nang digmaang nangyayari sa atin
ngayon, ganap parin ang mga isyung ipinakita tulad ng korupsyon at pag-abuso sa
kapangyarihan.

Anda mungkin juga menyukai