Anda di halaman 1dari 3

ANG PAKIKINIG

KAHULUGAN

Isang mahalagang kasanayang pangwika ang pakikinig. Ito ang paraan ng pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng pandinig. 45% ng gising na oras ng tao ay napapalaan sa pakikinig.
Nagpapalawak sa kaalaman ng mga tao ang pakikinig. Nakapulot tayo ng mga aral sa
mga sermon ng pari o ministro. Nakakakuha tayo ng mga impormasyon sa mga talumpati sa
mga palatuntunan sa paaralan. Nababagbag ang loob at damdamin natin kapag nagbida ng
malungkot na pangyayari ang ating guro sa klase o ang ating kaibigan kapag naghuhuntahan
tao. Ang mga bagay na hindi pa natin alam ay ibinibigay sa atin ng ating mga guro sa kanyang
panayam sa atin sa klase.

Sa paaralan, karaniwan nang ang pag-aaral ay pasalita. Ang mga panayam ay kailangnag
pakinggan upang matuto: ang paksa ay pinag-uusapan at tinatalakay sa klase at makukuha ang
kaalaman dito sa pakikinig sa diskusyon.

Kapag ang taoy natuto at nasanay sa wastong pakikinig, nagiging mahusay din siyang
tagaunawa. Kung ang mga naunawaan at natutuhan niya ay isinasagawa niya sa buhay,
malamang na maging matagumpay siya sa buhay.

PROSESO NG PAKIKINIG

Ang mensaheng ibinibigay ng nagsasalita ay tinatanggap ng tagapakinig sa pamamagitan


ng kanyang mga tainga. Mahalaga samakatuwid na maging handa sa pakikinig ang tagatanggap
ng mensahe. Maging matalas ang tainga, wika nga.

Gayunman, nakakatulong din ang mata sa pag-unawa ng nakikinig sa sinasabi ng


nagsasalita. Nagbabasa ng nakikinig ang mga buka ng bibig ng nagsasalita at iyon ay
nakakatulong upang matiyak niya ang mga salitang napapakinggan niya. Subukin niyong
nakatalikod sa inyo ang inyong gurong nagpapanayam o nagpapaliwanag at medyo
mahihirapan kayong siya ay unawain at pakinggan ang masalitang lumalabas sa kanyang mga
bibig.
Kailangan ang konsentrasyon sa pakikinig at matutulungan ka nitong maunawaan ang
sinsabi ng nagsasalita. Ang pagkawala ng atenstyon sa sinabi ng nagsasalita ay sapat para hindi
mo makuha ang diwa ng kanyang pahayag. Kung mayroon siyang ibang iniisip habang nakikinig
tiyak na hindi niya lubusang mapapakinggan ang sinasabi ng nagsasalita.

Gayundin ang ingay ay nakakukuha sa atensyon ng nakikinig at nababawasan


naman ang atensyon niya sa pakikinig.

Ang silid na may masamang bentilasyon at hindi maginhawang upuan ay mga


sagabal din sa mabuting pakikinig. Maging ang paglakad-lakad ng mga tao at ang malikot na
katabi sa upuan ay nakababawas din sa konsentrasyon sa pakikinig.
Wika ang ating pinakikinggan kaya kailangan dito. Ang kaalaman sa mga tunog ng
salita ng ang pagbuo ng mga salita at ang kayamanan ng talasalitaan ay nagkakatulung-tulong
upang mabigyang-kahulugan ng tagapakinig ang mga salitang kanyang napapakinggan.
Ang isang mahusay makinig ay nahihiwatigan kung kailan nagsasabi ng mahalagang
impormasyon ang nagsasalita. Sa ganoon, higit niya iyong napag-uukulan ng pansin at
nabibigyan ng kahulugan. Sa isang panayam o talumpati halimbawa, hindi naman lahat ng
sinasabi ng nagtatalumpati at nagpapanayam ay dapat na kunin at unawain, yaon lamang mga
pangunahin at mahahalagang isipan ang inuuna at yaong di-gaanong mahalga ay pinakikinggan
na lamang.

PARAAN SA MABISANG PAKIKINIG


1. Maging handa sa pakikinig Hindi madaling gawain ang pakikinig kaya dapat na itoy
paghandaan. Unay dapat na handa sa mga gamit, gaya ng panulat at mga papel na susulatan ng
mga tala. Ikalaway handa rin ang katawan mismo ng nakikinig. Huwag dalhin sa pakikinig ang
iba pang problema o isipin sapagkat tiyak na makakabawas ito sa konsentrasyon sa pakikinig.
2. Sikaping mawili sa pakikinig Isipin na mahalaga sa buhay ang inyong napakinggan.
Magkaroon ng tamang atitud. Iwasan ang negatibong saloobin kahit na tuyot na ang paksa,
hanapin sa mensahe ang mapupulot na kapakinabangan at isiping bawat naririnig ay
nakapagdaragdag ng kaalamn.
3. Kilalanin ang mga pangunahing isipan Kung may kasanayan na sa pakikinig madaling
mahalata ng nakikinig kung nagbibigay ng mahalagang isipan ang tagapagsalita. Maaaring ulit-
ulitin nito ang mahalagang isipan ang inilalakas nito ang tinig kaysa sa karaniwan kapag
importante na ang sinsabi. Dapat maging listo sa mga pagbabagong ganito ng tagapagsalita ang
nakikiig.
4. Iwasan ang pagpuna agad sa tagapagsalita Nakakabawas ng interes ang pagpuna sa
tagapagsalita. Maaaring hindi ka na makinig sa mga sinasabi niya kapag sinabi mong mahina
palang tagapagsalita ang nagbibigay mong panayam o nagtatalumpati. Nakababawas din ng
konsentrasyon ang pagpuna sa nakikinig. Sa halip na ang sinasabi ng tagapagsalita iyong ukulan
ng pansin ang mga kamalian niya ang maabangan mo at ang reaksyon dito ng mga nakikinig.
5. Iwasan din ang pagpuna agad sa mensahe Makakabawas sa konsentrasyon sa pakikinig.
Makakaabala sa pakikinig at isip ang mag-isip agad ng mga puna at pansin sa sinsasbi ng
nagsasalita habang hindi pa iyon natatapos. Hindi rin magiging makatarungan sa talumpati o sa
panayam kung bababahagi iyong pupunahin .

MGA ELEMENTONG NAKAKAIMPLUWENSYA SA PAKIKING


Ang mga tagapakinig ay mauuwi sa kanilang gulang sa pinag-aaralan sa hanapbuhay at
sa kalagayang sosyal. May kani-kaniyang gawi, paniniwala at interes na naiimpluwensiya sa
kanilang kakayahang makinig.

Bukod sa mga ito ang oras, lugar at tsanel ay may epekto rin sa pakikinig ng tao.

1. Tsanel ito ay daanan ng pakikipagtalastasan. Maaaring ang ideya ay maipahatid sa


pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat o ng pagguhit at iba pa. dahil itoy pakikinig
tinutukoy lamang ito sa pagsasalita na maaaring sa pakikipag-usap, diskusyon,
talumpati, panayam o pagsasalitang ginagamitan ng tape recorder, radyo, telepono o
kayay ng teatro.
2. Lugar Ang malamig at tahimik na lugar ay nakatutulong sa pakikinig ngunit ang silid na
masama ang bentilasyon at maingay at may mga upuang hindi maginhawang upuan ay
makasasagabal naman sa mabuting pakikinig. Ang paglakad-lakad ng mga tao ng tugtog ng
musika at ingay ng mga sasakyan ay maaari ring makabawas sa konsentrasyon sa pakikinig.
Kaya marami sa mga silid-pulungan ngayon ay mga air conditioned at sadyang inilayo sa
kaingayan at iba pang kaguluhan na makakasira sa mabuting pakikinig.

3. Oras May mga oras na di kahali-halina sa pakikinig. Kapag dumarating na sa alas dose ang
panayam o talumpati kaya mapapansin na aliwaswas na angmga nakikinig. Oras de peligro kung
tawagin ito ngmaramisapagkat ang oras na itoy dapat nang iukol sa pananghalian ng mga tao.
Ganito rin ang masasabi sa ala-una ng hapon. Nakaugalian na ng mga tao ng mamahinga sa
ganitong oras at kahit na pilitin ng iba nakakaramdm sila ng antok sa ganitong oras. Ganito rin
ang masasabi sa alas singko ng hapon na kailangan naman nang umuwi ng bahay ang panayam
o talumpati. Nagiging aliwaswas na rin ang mga tagapakinig kapag inaabot ng alas singko ang
panayam o talumpati.
4. Edad Mas maingay makinig ang mga bata kaysa sa may edad na. Mahusay ang memorya ng
mga kabataan ngunit higit namang madali ang pag-unawa ng mga may edad na sa mga
napakikinggan nila. Mas madali ring mainip ang mga kabataan sa pakikinig kaysa sa may edad
na matityaga sa pakikinig. Mapanuri ang mga may edad kaysa sa mga kabataan.

5. Pinag-aralan Mas may pinag-aralan ang nakikinig na may kakayahang umunawa sa


pinakikinggan. Mayaman kasi ang kanilang talasalitaan at marami silang karanasang nabasa sa
mga aklat na nagagamit nila sa pag-unawa sa kanilang mga napapakinggan.

6. Kalagayang sosyal Higit na sanay makinig ang mga taong may mataas na panag-aralan at
kalagayan sa buhay. Palagi silang nakakapakinig at nagbibigay iyon sa kanila ng higit na
kasanayan na makinig. Higit din silang disiplinado at itoy lumilikha ng mabuting kapaligiran sa
pakikinig. Higit ding mataas ang inabot nilang karunungan at iyon ay malaki ang matutulong
para sa mabisang pakikinig.

Anda mungkin juga menyukai