Anda di halaman 1dari 10

Aralin 2 Isang Dipang Langit

ni Amado V. Hernandez

Magandang araw! Kamusta? Binabati kita sapagkat

matagumpay mong naisagawa ang mga gawain at pagsasanay sa
Aralin 1. Sa bagong aralin, tutuklasin mo ang panibagong tulang
makatutulong sa iyo upang maunawaan ang kalagayan ng mga
bilanggo. Binigyan ni Amado V. Hernandez ng boses ang kanyang
Alamin mga kapwa bilanggo.

Layunin

Pagkatapos ng Aralin inaasahan kong:

A. Nakikilala mo ang mga malalalim na salitang nakapaloob sa akda;

B. Nasusuri mo ang binasang tula gamit ang teoryang pormalismo;
C. Naipamumulat mo ang kamalayan ng bawat isa patungkol sa karapatan ng
mga bilanggo;
D. Natutukoy mo ang mga tayutay sa tulang tinalakay; at
E. Nakasusulat ka ng isang matapat na rebyu tungkol sa isang napiling tula.

34
Punong-puno ng damdamin ang tulang ito na sinulat ng dakilang makatang
si Amado V. Hernadez. Siya noon ay nasa loob ng piitan ng Muntinlupa, at ang
tinutukoy na “Isang Dipang Langit” ay ang maliit na durungawan sa kanyang
karsel.
Basahin mo ang tula at damhin mo ang emosyong namamayani sa may-akda
habang ito ay kanyang sinusulat.
Isang Dipang Langit

(sinulat ni Amado V. Hernadez sa loob ng piitan ng Muntinlupa

noong Abril 22, 1952)

Ako’y ipiniit ng linsil na puno

Hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
Katawang marupok, aniya’y pagsuko,
Damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:

Bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
Lubos na tiwalag sa buong daigdig
At inuring kahit buhay man ay patay.

Sa munting durungawan, tanging abot-malas

Ay sandipang langit na puno ng luha,
Maramot na birang ng pusong may sugat,
Watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,

Sa pintong may susi’t walang makalapit;
Sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
Anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala

Na kala-kaladkad ng paang madugo
Ang buong magdamag ay kulambong luksa
Ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,

Kawil ng kadena ang kumakalansing;
Sa maputlang araw saglit ibibilad,
Sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang

Sa hudyat – may takas! – at aso ng punlo;
Kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
Sa bitayang moog, may naghihingalo.
35
At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
Bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
Sampu, dalawampu, at lahat ng taon
Ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
At batis pa rin itong aking puso:
Piita’y bahagi ng pakikilamas,
Mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao’t Bathala ay di natutulog

At di habang araw ang api ay api,
Tanang paniniil ay may pagtutuos,
Habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw

Sa sandipang langit na wala nang luha,
Sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
Layang sasalubong ako sa paglaya!

Magaling! Natunghayan na natin ang kalagayan ng mga bilanggong tulad ng

dakilang makatang si Amado V. Hernandez. Batid kong nauunawaan mo ang iyong
nabasang tula kaya may mga nakalaang mga gawain upang malinang ang iyong
kaalaman. Handa ka na ba?

Pagsusuri sa Seleksyon

Palawakin ang Talasalitaan

Gawain 1 Ikonek mo!

Panuto: Tukuyin mo ang lalong pinakamalapit na kahulugan ng mga salitang may
salungguhit. Bilugan mo ang titik ng tamang sagot.

1. Alin ang tumutukoy sa isang linsil na puno?

a. Ligaw na puno sa kagubatan

b. Makapangyarihang diktador
c. Maunawaing Pangulo
d. Napakalaking Punongkahoy

2. Ano ang maaaring magpakita ng supil ng damdamin?

a. Kabi-kabilang protesta laban sa pamahalaan

b. Pakikipagtalo tungkol sa pagpapasa o hindi pagpapasa ng batas
36
c. Pagsusulat ng mga artikulo tungkol sa napapanahong isyu
d. Pagtatago ng saloobin tungkol sa mga nangyayari

3. Ano ang maaaring magbunga ng pagkapariwara ng mga kabataan?

a. Pagkakakulong sa droga at masasamang bisyo

b. Pakikinig sa mga payo ng mga nakatatanda
c. Pagtatapos ng pag-aaral
d. Pagwawalang-bahala sa mga nangyayari sa paligid

4. Alin sa mga sumusunod na bagay ang maaring kumalansing?

a. Lapis at bolpen
b. Mga aklat at kuwaderno
c. Mga sentimong barya
d. Papel at lapis

5. Saan maaaring gamitin ang isang birang?

a. Pamunas ng kamay
b. Pangkumot sa katawan
c. Pantakip sa ulo
d. Pantali sa baywang

Pag-unawa sa Binasa

Gawain 2 Unawain mo ako!

Panuto: Sagutin mo ang sumusunod na mga katanungan sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang impresyong pumasok sa iyong isipan habang binabasa ang tula?
____________________________________________________________________

2. Ano-anong mga damdamin ang lumulutang sa seleksyon?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

37
3. Ano kaya ang dahilan ng pagkapiit ng bilanggo? Anong saknong ang
maaring tumukoy dito?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain 3 Mensahe Tsart

Panuto: Tukuyin mo ang binasang tula ayon sa mensahe nito, gawing gabay ang
tsart sa ibaba.

Mensahe Bilang Bilang Bilang

Pangkaisipan Pandamdamin Pangkaasalan

Pagsasabuhay
Ang tula ay maaaring ilapat sa buhay ng mga political detainee. Ano ang
karaniwang sanhi ng pagkakakulong ng mga political detainee?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain 4 Malayang Talakayan

Panuto: Sagutin mo ang sumusunod na mga katanungan sa iyong sagutang papel.

1. Ano-ano ang mga karapatan sa batas ng isang political detainee?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Paano masisiguro na kanyang matatamo ang kanyang mga karapatang

pantao?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
38
Kasanayang Pampanitikan

Teoryang Pormalismo sa mga Panulaan

Ang teoryang pormalismo ay nagbibigay-pansin sa anyo ng literatura.

Kadalasang napalulutang ang teoryang ito sa panulaan. Sa teoryang pormalismo,
ang pokus ng atensyon ay ang mismong teksto ng tula. Ibig sabihin, ang tunguhin
ng teorya ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng
pagkakasulat ng akda. Sinusuri ang paksa ng akda ayon sa sensibilidad at pag-
uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora, imahe at iba pang elemento
ng akda. Ngayong nadagdagan na ang iyong kaalaman sa teoryang pormalismo,
maaari mo nang sagutin at isagawa ang mga kaugnay na gawain.

Gawain 5 Suriin mo ako!

Panuto: Suriin mo ang seleksyon buhat sa pananaw ng teoryang pormalismo.
Basahin nang malakas ang saknong o mga saknong na naglalahad ng mga
sumusunod.

1. Ano ang dahilan ng pagkakapiit ng may-akda?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Paano inilarawan ng may-akda ang bilangguang kanyang

kinasasadlakan?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Paano niya itinuring ang bilanggong tulad niya?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4. Paano niya inilarawan ang tanod na nagbantay?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

39
5. Ano ang paglalarawan niya sa tanging bintana ng kanyang kulungan?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain 6 Tukuyin mo ako!

Panuto: Tukuyin mo ang tayutay na pinalutang sa mga sumusunod na pahayag.
Isulat ang mga pahayag at ang iyong kasagutan iyong sagutang papel.

_____________________ 1. Ang munting durungawan ay sandipang langit na puno ng

luha.
_____________________ 2. Sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki’y atungal ng
hayop sa yungib.
_____________________ 3. Ang maghapo’y tila isang tanikala.

_____________________ 4. Ang buong magdamag ay kulambong luksa.

_____________________ 5. Kung minsa’y tumatangis ang lumang batingaw.

Pag-uulat ng Nakalap na Impormasyon

Gawain 7 Sining ng Pananaliksik

Panuto: Magpapangkat-pangkat at magsaliksik kayo ng mga napapanahong balita
tungkol sa kalagayan ng mga preso sa Piitang Pambansa. Bumuo ng isang
pangkatang pag-uulat tungkol sa mga nakalap na impormasyon. Ang bawat
pangkat ay binubuo ng tatlong miyembro. Isagawa niyo ito sa pamamagitan ng iba’t
ibang paraan ng pagkalap ng impormasyon.

1. Pagsasaliksik mula sa mga magasin at pahayagan

2. Pagsulat ng Liham sa mga tagapamaghala ng Bureau of Corrections
3. Pakikikipagpanayam o pagsulat ng liham sa mga mambabatas o Senador
4. Pagliham sa Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan

Alamin niyo ang sagot sa ilang mahahalagang katanungan.

1. Ano ang kasalukuyang istatistikang maglalarawan sa bilang ng mga preso sa

mga piitan, maging lokal man o nasyunal?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

40
2. Ano ang pangkalahatang kalagayan ng mga bilanggo? Magkano ang kanilang
badyet sa pagkain? Nakasasapat kaya ito? Natutugunan kaya ang kanilang
mga pangangailangan?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Bakit natin dapat isipin ang kapakanan ng mga bilanggo?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4. Kung magkakaroon ka ng kapangyarihang maging isang mambabatas, anong

batas ang nanaisin mong bigyan ng pansin para sa kabutihan ng kalagayan
ng mga bilanggo?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain 8 Sa Antas ng iyong Pang-unawa

Panuto: Suriin mo ang tula . Ilahad mo ang tiyak na kaisipang nais ipabatid ng
binasang tula. Gawin mo ito sa sagutang papel. Gayahin mo ang pormat.

Isang Dipang Langit

Mga Kaisipan

41
Binabati kita at ilang hakbang na lamang ay tapos na ang iyong paglalakbay
para sa araling ito. Ang layunin mo sa bahaging ito ay maipakita ang iyong
pagkaunawa sa aralin sa pamamagitan ng pagsusulat mo ng rebyu o pagsusuri mo
sa napiling tula. Maaari ka na ngayong sumubok sa pangwakas na gawain para sa
araling ito.

Gawain 9 Pagsipat sa Katotohanan

Panuto: Sumulat ka ng rebyu o pagsusuri sa napiling tula. Suriin mo ito sa

pamamagitan ng paglapat ng teoryang pormalismo.

Balangkas ng Pagsusuri

I. PAMAGAT NG AKDA

II. MAY-AKDA

III. TEORYANG PAMPANITIKAN

IV. TAYUTAY

V. TUGMA

VI. SUKAT

VII. IMAHEN

VIII. KAISIPANG PANGKASAYSAYAN

IX. REPLEKSYON

42
ANALITIK RUBRIKS SA PAGSULAT NG REBYU SA TULA

(Pagsipat sa Katotohanan)

Indikeytor Lubhang Kasiya-siya Nalilinang Nagsisimula

Kasiya-siya
(4) (3) (2) (1)
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto May ilang Maraming
komprehensibo ang kakulangan kakulangan
ang nilalaman nilalaman ng sa nilalaman sa nilalaman
ng rebyu. rebyu. ng rebyu. ng rebyu.
Organisasyon Organisado, Malinaw at Maayos ang May ilang
malinaw, maayos ang presentasyon kalituhan sa
simple at may presentasyon ng mga presentasyon
tamang ng mga pangyayari at ng mga
pagkakasunod- ideya. mga ideya. ideya.
sunod ng
presentasyon
ng mga ideya.
Partisipasyong Kumpleto at Nauunawaan Nailahad sa May ilang
Panlipunan nauunawaan ang rebyu ang paglalahad
ang paglalahad paglalahad aktibong ng solusyon
ng solusyon na ng solusyon pakikilahok na naipakita
naipakita sa na naipakita ng sa aktibong
aktibong sa aktibong mamamayan pakikilahok
pakikilahok ng pakikilahok sa suliranin. ng
mamamayan ng mamamayan
sa suliranin. mamamayan sa suliranin.
sa suliranin.
Pagsusuri Epektibong Akmang Natukoy ang Natukoy ang
natukoy ang natukoy ang suliranin, ilan sa mga
suliranin, suliranin, tunguhin, at suliranin,
tunguhin, at tunguhin, at maaaring tunguhin, at
maaaring maaaring gawin. maaaring
gawin. gawin. gawin.
Desisyon Obhektibo at Malinaw na Naipahayag Limitadong
malinaw na naipahayag ang desisyon. naipahayag
naipahayag ang desisyon. ang desisyon.
ang desisyon.
Kabuuan
Mga Komento

Kahanga-hanga ang iyong sinulat! Ngayong ganap mo nang

nauunawaan ang aralin, binabati kita!
43

Anda mungkin juga menyukai