Anda di halaman 1dari 7

Ang katangian ni kapitan tiyago ay

itinuturing hulog ng langit. Siya ay


pandak, di kaputian at may
bilugang mukha. Siaya ay
tinatayang nasa pagitan ng 35
taong gulang. Maitim ang buhok,
at kung hinde lamang nanabako at
ngumanganga, maituturing na sya
ay magandang lalaki.

Siya ang pinakamayaman sa


binundok dahil sa marami siyang
negosyo at iba pang klase ng ari-
arian. Tanyag din sya sa pampanga
at laguna bilang asendero, hindi
kataka-taka na parang lubong
hinihipan sa pagpintog ng kanyang
yaman .

Dahil sa sya ay mayaman, siya ay


isang impluwensyadong tao. Siya
ay malakas sa mga taong nasa
gobeyerno at halos kaibigan nya
lahat ng mga prayle. Ang turing
niya sa sarili ay isang tunay na
kastila at hindi pilipino. Kasundo
nya ang diyos dahil nagagawa
niyang bilhin ang kabalanan.
Katunayan, sya ay nagpapamisa at
nag papadasal tungkol sa kanyang
sarili. Ipinalalagay ng balana na
siya ay nakapagtatamo ng
kalangitan. Iisipin na lamang na
nasa kanyang silid ang lahat ng
mga santo at santong sinasmba
katulad nina sta.lucia, san pascual
bailon, san antonio de padua, san
francisco de asis, san antonio
abad, san miquel, sto. Domingo,
hesukristo at ang banal na mag-
anak.

Par kay kapitan tiyago kahit na ano


ang itakda an mga kastila, yaon ay
karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil
sa kanyang pagpupula sa mga
pilipino, sya ay naglilingkod bilang
gobernadocillo.

Basta opisyal, sinusunod nya.


Anumang reglamento o patakaran
ay kanyang sinusonod. Sipsip din
sya sa mga taong nasa poder.
Basta may okasyon na katulad ng
kapanganakan at kapistahan, lagi
sya myroong handog na regalo.

Si kapitan tiyago ay tanging ng


isang kuripot na mangangalakal ng
asukal sa malabon. Dahil sa
kakuriputan ng ama, siya ay hindi
pinag aral. Naging katulong at
tinuruan sya ng isang paring
dominiko. Nang mamatay ang pari
at ama nito, siya’y mag isang
nangalakal. Nakilala nya si pia alba
na isang magandang dalagang taga
sata cruz. Natulong sila sa pag
hahanap-buhay hangang sa
yumaman ng husto at nakilala sa
alta sosyedad.

Ang pag bili nila ng lupain sa san


diego ang naging daan upang
maging kaututang dila roon ang
kura na si padre damaso. Naging
kaibigan din nila ang
pinakamayaman sa boung san
diego- si don rafael ibarra, ang
ama ni crisostomo ibarra . dahil sa
anim na taon ng pagsasama sina
tiyago at pia at hnidi nagkaroon ng
anak kahit na kung saan-saan sila
namanata.

Dahil dito ipinayo ni padre damaso


na sa oabando sila pumunta kina
san pascal baylon at sta clara at sa
nuestra sr de salambaw.

Parang dininig ang dasal ni pia,


siya ay nag lihi, gayuman nagiging
masakitin si pia, nang siya ay
magdalangtao. Pag kapanganak
nya sya ay namatay. Si padre
damaso ang nag anak sa binyag at
ang anak in pia ay pinangalanang
maria clara bilang pag bibigay
karangalan sa dalawang pintakasi
sa obando, kay tiya esabel, pinsan
ni kapitan tiyago, ang natokang
mag-aruga kay maria. Lumaki sya
sa pag mamahal na inukol ni tiya
esabel, kanyang ama at mga
prayle.

Katorse anyos si maria, nang sya


ipinasok sa beaterio ng sta
catalina. Luhaan sya nag paalam
kay pari damaso at sa kanyang
kaibigan at kababatang si
crisostomo ibarra, pag kapsok ni
maria sa umbento, si ibarra naman
ay nag punta na ng europa upang
mag aral.

Gayunman, nagkasundo sina don


rafael at kapitan tiyago na maski
nagkalayo ang kanilang mga anak.
Pag dating ng tamang panahon
silang dalawa (maria at
crisostomo) ay pag iisahing dibdib.
Ito ay sa kanilang paniniwala na
ang dalawa ay tunay na nag-
iibigan.

Anda mungkin juga menyukai