Anda di halaman 1dari 3

Paalam

Sa taglay mong kabutihan ,

ikay aking hinangaan.

Ako’y lubos na nasaktan ,

Nang ako’y iyong iniwan .

Nang sa aming ibalita,

Na ikaw raw ay nawala.

Lubos na nag-alala,

Nagdasal na makita ka.

Nagtanong sa aking ina ,

Kung ikaw ay nahanap na.

Unti-unting tumulo,

Mga luhang tinatago.

Inulit aking tanong ,

Ngunit sya’y tahimik lamang .

Dahan-dahang nanghina ,
Nang sabihing wala na .

Ako’y tumakbo palayo,

Upang sainyo’y magtago.

Nilabas aking hinagpis ,

Para ito’y maubos.

Nang kabaong mo’y Makita ,

Ako’y sobrang nanghina .

Gusto man kitang lapitan ,

Ngunit ako’y pinigilan.

Nang sumapit na ang libing ,

Ako’y maagang gumising .

Pinagmasdan ang litrato ,

At nagpaalam sayo .

Kahit mahirap tanggapin ,

Ito’y aking gagawin.

Pagmamahal mo sa amin ,
Hindi namin lilimutin.